Chapter 19

34 4 1
                                    

Angel



Sa Third floor ako bumaba, dapat ay makahanap ako ng paraan na lagi ako o si Aaron na  makakapasok dito sa building. Dahil malamang kapag gagawa ng kabalastugan ay nandito sa loob ng building lang iyon maitatago o ano man. Hindi hahayaan ng agency masira ang pangalan ng pinagkikitaan nila.

Dumiretso ako sa banyo. Pagkapasok ko sa cubicle ay binaliktad ko ang hoodie ko, puti na ito ngayon. Inilugay ko naman ang buhok ko at itinalikod ko ang suot na cap. Instant new look. Pagkalabas ko ng third floor ay naglakad ako sa pasilyo na tanging ang daan lang ay pa-kanan. Nagulat ang ilang mga tao roon sa pagsulpot ko. Puro maliliit na cubicle ang nandito sa parang office floor nila. Sabi ng gwardiya ay dito ako dumiretso kanina. Sa Staff Administration Office. Nilapitan ako kaagad ng isang lady guard.

"Ano pong kailangan niyo?" Ngumiti ako at inabot ang calling card.

"Sabi po sa akin ay dito ako dumiretso..hehe " Tinuro niya sa akin ang table sa di kalayuan.

"Yan ang table niya.. Hintayin mo nalang at baka may inasikaso lang siguro." Tumango ako at agad naglakad. Pinagmasdan ko ang paligid dito. Kung may pwedeng makatulong sa amin sa trabaho. Umupo ako sa tapat ng lamesa nung pinagdalhan sa akin at inihanda ang sasabihin.

Ilang minuto ay hindi pa rin ito sumusulpot. Kung sakali na maabutan ako non dito ay kunware magiinterview lang ako para sa magazine. Tutal dala ko naman ang ID ko sa opisina. Hindi ko pwedeng sabihin mag auaudition ako. Una ay ayoko at pangalawa ay wala akong talent. Tiningnan ko ang lamesa niya. May isang telepono, tapos mga papeles. Binasa ko ang nasa ibabaw. Application form ' ang nakasulat doon. Kumuha ako ng isa at pasimpleng nilagay sa loob ng jacket ko. Napatingin ako sa kabilang lamesa ng tumayo ang babae. Puro mga sticker na may numero ang nandoon. Kumuha din ako ng limang piraso at nilagay sa loob ng leggings ko. Baka makatulong. 

Sumulyap ako sa guard ng napansing tinuro niya ako sa kausap niya. Maliit na lalaki ito na may salamin. Naglakad ito papunta sa akin.

Tumayo ako ng makadating siya. "Hello po." ani ko.

"Hi .. ah sitdown ..yes. " sinenyasan niya ako umupo. Umupo siya sa harap ko. "Ano pong kailangan niyo?" 

"Binigay niyo po sa akin yan. Ngayon lang po ako nakapunta ." Tiningnan niya ito at kumunot ang noo.

"Weh? Sorry I can't remember.. Kailan ko to binigay?" Hindi mo talaga maalala dahil hindi mo naman talaga binigay yan sakin. 

"Last month pa po yun e.. di ko na rin po maalala busy po kase. Inalok niyo po ako mag audition "Ngumiti ako. "I'm Sophia Contelle po from ASC DAILY'."

Nagulat siya. "Inalok kita?!" Grabe naman siya makapagtaas ng boses. Hindi ba siya makapaniwalang inalok niya ang katulad ko. "Sorry.. hmm inalok kita mag-audition?"

Tumango ako. "Opo pero sabi ko ay masyado na akong matanda para doon kaya nag-offer nalang ako na maginterview sainyo for an article sa isang magazine po namin."

"Ah yea i remember hehe.. interview yes yes.. for kaninong artist?" Liar. Wala naman tayo usapang ganon. Gusto lang ata iwasan yung topic na inalok niya ko mag-audition.

"Sa Seventeen po ." Ngumiti ako.

Ngayon ay kasama ko na si Aaron sa kotse. Kakapasok kolang at agad nilabas ang kinuha ko kanina na form at sandamakmak na applicant sticker. Maayos ang kinalabasan ng interview namin. Siyempre ay hindi magkwekwento iyon ng mga pangit. Puro tadtad ako ng tanong tungkol kay Jon dinahilan ko iyong siya ang pinaka tahimik sa grupo. Nalaman ko kung saang bar sila madalas pumupunta, nadulas iyong staff kanina pero sabi niya wag ko ng isama sa magazine. 'Wala namang magazine pero kakalat to sa headnews soon.

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon