Chapter 4

43 5 5
                                    

First time

Nabilaukan ako, agaran niya akong inabutan ng tubig. Hinampas hampas ko pa ang dibdib ko bago ako narecover sa sinabi niya. Baliw na ba itong taong to?!

"I'm sorry for making you startled but it's true.. I like you."

"Ano bang pinagsasabi mo?! Baliw ka na ba talaga ? Nung nakaraan pinagkalat mong girlfriend moko tapos ngayon sasabihin mo gusto moko, anong trip yan?"

Napaiwas siya ng tingin."Hindi kita pinagtitripan." Pinagkrus nya ang dalawang kamay niya sa dibdib. " Kaya din nahihirapan ako pormahan ka , kase tingin mo sakin ganyan.." Sinamaan niya ako ng tingin. "Totoo ngang gusto na kita.."

Humalaklak ako. Hibang talaga to eh.

"Sino ba naman kase maniniwala sayo?! Ngayon nga lang tayo nagusap ng mahaba sa buhay natin eh.. tapos gusto moko? Siguro ay gusto molang awayin ako ng mga babae mo!"-Singhal ko sa mukha niya.Hinawakan niya ang kamay ko na nasa lamesa.

"Are they bullying you? Tss.. I won't let them from now on, I promise." Inalis ko ang kamay ko. Naweiweirduhan nako dito ah. Hindi man lang din niya dineny ang mga babae niya.

"Wala kong paki, at as if naman na magpapabully ako noh? Batang bonakid to!" Flinex ko kunware ang muscle sa braso ko kahit wala naman. Ngumiti siya at biglang tumawa. Babaw ng kalagayahan mo ser'

"Gusto kita sophia." sabi niya sa malambing na paraan.

"Bakit mo ko gusto jon..?" ginaya ko ang malambing na tono niya, pangasar lang."Btw, hindi kita gusto.."

"May dahilan ba iyon? pero dahil hindi moko gusto mas gusto na kita lalo.."

"Edi hindi iyan gusto, ego mo yan.. baka nachachallenge kalang sakin dahil isa ako sa walang gusto sayo.." Natahimik siya. Tumayo ako at binuhat ang pinggan ko, nilagay ko ito sa lababo nila. "Bahala kana maghugas ah, baka hinahanap nako ni Mama.. Salamat sa pagkain!" Kumaway ako tapos nagmadaling umalis.


Pagkauwi ko sa bahay ay nagpapahinga na si Mama, naligo ako at tumabi na sa kaniya sa kwarto namin. Dahil sa pagod namin ay nakatulog na rin kami pareho. Kinabukasan ay linggo at half-day lang nagtitinda si Mama . Maaga kaming gumigising para sa First Mass sa bayan. Nakasuot lang ako ng bistadang puti at naka sandals na parang tsinelas. Mag-aalasa-is ng umaga ng magpasiya kaming mag gayak na ni Mama.

"Nak.. katok ka nga kela jennifer habang nilalock ko ang bahay natin, magsisimba rin daw sila." Palaging sumasabay si Mrs. Watson sa amin magsimba, minsan lang sumabay ang anak niyang si Jon kaya't palagay naman ang loob kong hindi siya makikita ngayong araw. Ang mga pinsan ko ay nakatira sa likod ng bahay namin, hindi sila palasimba. Si Tita lang ang sumasama sa amin.

Kumatok ako sa gate nila Mrs. Watson. Hindi ko inaasahan na si Jon ang lalabas, pinasadahan ko siya ng tingin. Nakapang alis din siya ng katulad sa akin.

"May lakad ka ?" tanong ko. Ngumiti siya sakin ng todo. Hibang na talaga siya..

"Oo, magsisimba tayo diba?" Tinawag niya ang Mama niya. Nginitian ako ng Mama niya at bumati ng 'goodmorning. Binati ko rin pabalik. Hays.

Sumakay kami ng jeep sa labas ng village namin. Katabi ko si Mama at si Tita , nasa harap ko naman si Jon at si Mrs. Watson.

"Buti naman ay napilit mo ang Jon Dale magsimba Jennifer.." -sabi ni Mama kay Mrs. Watson.

"Ay nako alam mo na may gustong makita hihik" kinikilig na sabi ni Mrs. Watson kay Mama. Tumingin si Jon sa mama niya at sinamaan ito ng tingin, wari'y nahihiya.

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon