Chapter 15

20 2 1
                                    

A/N : Hello! Thanks for reading! I have upcoming series also (THE MILLENIUM SERIES) Mas maganda yung writing and grammar and updated hehe!!! Check my profile! 🥰
Godbless and Stay Negative hehe .. from Covid-19 😉









Patience

Pagkatapos ng momento na nakairingan ko si Trinity ng ganon ay panay tambay lang kami ni Stacy. Madalas din naming bisitahin si Aaron sa practice para asarin. Kapag natutulog naman ako ay nakikipagchismisan si Stacy sa kung kani-kanino. Hobby na niya talaga iyon. Peymus ng taon!

Nang sandaling kailangan na namin pumasok sa klase ay hindi na kami sumabay kay Jon kumain ng Lunch. Nagtext-an naman kami kaya ayos lang. Saka may mga kaibigan naman siya sa klase nila. Hindi kailangang ikulong namin ang sarili sa isa't isa.

Pagkatapos ng lahat ng klase ay pagod kaming umuwing lahat. Pagkakain ko sa bahay ay nakatulog na din ako kaagad. Hindi ko alam bakit sobrang pagod ko eh tumambay at nagchismisan lang naman kami ni Stacy kanina. Baka kase kung san san kami napadpad at naubos ang enerhiya ko.

Sumunod na araw ay whole day ang rehearsals. Kaming mga nasa props team ay nagset up ng stage. Next week ay sisimulan na ang stage rehearsals kaya't dapat masiayos na din namin ang proseso ng pagpasok ng mga kailangang background o ano mang materyales na kailangan sa musical play. Ang mga actors at dancers ay nanatiling nagprapraktis. Busy ang lahat ng araw na ito. Biyernes gaganapin ang stage play. Ilang araw nalang pala iyon. Kaya't gahol na ang lahat.

Nang sumapit ang tanghali ay sumabay sa amin si Aaron kumain ng lunch.

"Haayy.. gusto ko na talagang matapos ito, ang init init lagi ako pinapatakbo ng Jessa na yon!" reklamo ni Stacy bago sumubo. Tahimik akong nakikinig , wala ng energy magbunganga. Totoong nakakapagod ang ginagawa namin dahil ang stage papunta sa mga room ay walang silong at sobrang tirik ng araw.

"-gg na nga kami, papanuorin mamaya yung sayaw namin.. gulo pa naman yon" sabi ni Aaron. Mamaya ay papanuorin ang sayaw nila ni Maam Grace. Ichecheck kung maayos na ba at sabay sabay na.

"Goodluck." tinapik tapik ko ang balikat niya.

"Hmm-asan nga pala ang jowa mo?" pinanglakihan ko si Stacy ng mata. Hindi pa alam ni Aaron na magkarelasyon na kami ni Jon.

"Oo.. san yon?" yon? ganyan ba mga lalaki pagtukoy sa tao na parang walang pangalan? Tss.

At teka.. "Alam mo?" tanong ko.

"Na ano?" lumunok siya ng kinain "Na kayo non?... malamang ah!" Binalingan ko si Stacy. Nag peace sign naman siya at umiwas ng tingin.

Bumalik ang tingin ko kay Aaron. Wala naman nagiba sa reaksyon niya. Bestfriend ko si Aaron bago pa kay Stacy. Ano kayang iniisip niya? Kailan pa kaya niya nalaman iyon. "ayos lang sayo?" Ngumiti siya at umiling.

"Lovelife mo yan e.. bat ako magdedesiyon? basta pag sinaktan ka edi saktan mo din! haha" biro niya.

Umiling ako habang natatawa bago pinagpatuloy ang pagkain. Sinilip niya pa akong muli at nagbigay ng makahulugang tingin. Nginitian ko nalang siya at hindi pinansin iyon.

Kinabuksan ay nasamahan ko si Mama mamalengke. Tumulong din ako gaya ng nakasanay sa paghahanda sa eatery. Hindi ko pa nakakausap si Jon ngayong umaga pero baka nagtext iyon. Siguro ay busy yun sa pagaaral o kaya't magpraktis ng script. Oras ko naman ngayon ang tumulong sa carenderia. Habang nagbabantay ako sa pwesto ay pumasok si Jon. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay.

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon