A/N: I just want to share Jeon Wonwoo is on trend again on twitter. (#CongratsOnYourMarriageWonwoo) feeling ko tuloy nakadama ito sa story charot!
Rush
Mga isa't kalahating oras pa sila nagpraktis sa harap ko, si KK ay nakangiting pinagmamasdan ang kalandian niyang chinese din na si THE8, nagpapalitan din sila ng tingin at ngiti. Kapag nahuhuli niya akong nakatingin sakanila ay tataasan niya ako ng kilay. Nalaman kung trainee din siya dito sa Pledis kasama iyung tatlong babae na nakainuman ko nakaraan sa bar. Maswerte daw ngayon si Jon dahil wala ngayon ang manager niya. Sinadya daw nila hoshi na ngayon ako papuntahin dahil wala naman nga iyun ngayon dito para pagalitan na naman si Jon.
"Love.."
"Hmm?" sagot ni Jon habang nagmamaneho. Kotse ko ang ginamit namin.
"Anong.. sabi ng manager mo?" Alam kong pinagalitan na naman siya neto at nakumpirma ko iyon sa sinabi ni KK kanina sa elevator saka sa kwento nila Hoshi.
"Same old. Normal naman iyon."
"Hindi ka ba natatakot na mapaaga ang end of contract mo?"
Lumingon ito sa akin saka ngumiti. "Hindi. Hindi niya i-end agad and kahit iend niya pa mas okay yun diba? Makakabuo tayo ng pamilya ng maaga." Nanlaki ang mata ko sa walang pagaalinlangang sagot niya.
Hindi Pwede!
"Sabi mo diba.. tatlong taon nalang ang contrata niyo. Doon nalang tayo magpakasal ha."
"P-per-.."
Pinutol ko ang sasabihin niya. "Hindi naman tayo nagmamadali. Hindi mo na mauulit ang buhay mo para maging isang sikat na Pop Star muli." Hinawakan ko ang kamay niya. "I can wait."
Ngumuso siya. "Tsk 27 na ako by that time.. napaka late na non!" Natawa ako.
"Napakaaga pa nga nun love!"
"Hindi! Unti nalang ang memories ko sa mga anak natin .. unless gawa na tayo ngayon." Pagbibiro niya.
Hinampas ko siya. "Ikaw nga nagsabi diyan na Let's get married first psh!"
"Binabawi ko na!!" pagpupumilit niya. Natawa ako. "Binabawi ko na ngaaaaa!!"
"Punyeta!!"sagot ko habang tumatawa. Ang cute niya kasi.
Nagpakalawa siya ng sukong paghinga. "Okay. Ikaw muna ang baby ko for the rest of upcoming three years." Tumango saka kumindat.
Ilang sandali ay nakadating kami sa bahay. May kotse ng nakaparada doon kaya alam kong nandon na si Tita Jen.
"Ma! Nandito na po kame.." sigaw ko pagkalapag ng jacket ko sa sofa. "Oh.." napaturo ako. May isang koreanong matanda ang nasa lamesa din.
"Pa?" Si Jon.
Lumapit ito sa amin saka ngumiti at nag bow. Ginaya ko si Jon na nag-bow din. Tradisyon ata nila iyun. "Nice meeting you.. my future daughter in-law." ani nito sa akin.
Kinamayan ko siya saka tumango ng paulit-ulit habang nakangiti. "Nice meeting you Sir Watson."
Tumawa ito. "Just call me Papa" sabi nito sa kilalang accent habang tumatango. Tinapik niya ang balikat ni Jon saka tumalikod, nilingon ko si Jon na nakatingin sa akin. Saka ako ngumiti ng malaki sakaniya. Inalalayan niya akong makadating kami sa dining area. Bumeso kami kay Tita Jen at Mama at Papa. Bigla akong kinabahan na nandito ang Papa ni Jon. Sana magustuhan niya ako para sa anak.
Tiningnan ko ang lamesa napakaraming pagkain. Puro menu ito sa eatery. Doon ata ito pinagkukuha nila Mama. Tiningnan ko si Mama na nakatingin sa akin. Natawa kaming pareho.Siguro nang malaman niyang kasama ang Papa ni Jon ay nagpahanda ng marami.
BINABASA MO ANG
My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]
Fiksi PenggemarMy Ex- Boyfriend is a Pop Star "Stalker ka na pala ngayon?... Angel." 'Pop Star Artist and Paparazzi Journalist' Two ex-couple designated to meet again after two years. They've been separated many times in their life. Their beautiful history turns o...