Chapter 11

27 3 1
                                    


Confused


Kanina ko pa nararamdaman ang vibrato ng aking telepono sa bulsa, hindi ko ito napagtutuunan gaano ng pansin, at ni hindi ko rin magalaw ang hapunan na inihanda ni Mama. Napataas ako ng ulo ng biglang sumigaw si Mama mula sa labas.


"Anak !! Tawag ka ng nobyo mo!" sigaw ni Mama.


"Lah gege." sabi ko lang, ilang minuto ay nakaramdam ako ng mahinang batok. Nandito na pala sa loob si Mama. "Aray ko naman Ma!" singhal ko.


"Ano bang ginagawa mo diyan, tawag ka kako ng nobyo mo sa labas!!" Naglakad siya sa loob ng aming kusina. "Pinapasok ko nga.. ayaw naman gusto ka atang solohin." magisang tumawa si Mama. Bumuntong hininga ako at sumubo ng unting pagkain. Sa lutang ko ay hindi ko pa pala nakakalahati ang laman ng pinggan ko. Lumabas si Mama na may dalang basahan. "Ba't hindi ka pa lumabas doon! Kanina ka pa inaantay ng nobyo mo."

Napaikot ako ng mata. "Wala kong nobyo Ma." Tumayo nako, bago ko pa marinig ang isasagot niya. Kanina ko pa iniisip kung tatanggapin kopa iyong alok ng direktor at guro namin. Sa totoo lang ay wala naman kaso sakin iyon ang nagpa-gulo lang ng aking isipan ay ang sinabi ni Stacy bago kami umuwi kanina.


"Ano tatanggapin mo?" Tumango ako kay Stacy. Si Aaron ay nanatiling tahimik.

"Mainggit ka at makakatakas na ako sa sandamakmak na paggawa ng props." Nilabas ko ang dila ko at impit na humalaklak.

Ngumisi si Stacy. "Nakakainggit ka nga mare! sobra.. lalo't mahahalikan molang naman si Jon Dale Watson mo.." Kumunot ang noo ko.

"Ano?!" sabay na sigaw namin ni Aaron.

Tumango si Stacy " Oh ba't dapat alam mo na iyon, huling kabanata ang irerehearse niyo.." Nauna siyang maglakad. Naiwan ako na tulala at habang nakatingin sa akin si Aaron. Nagsalita muli si Stacy " Tsk... Tsk.. hindi nagbabasa ng module ghorl!"

"Totoo ba iyon?" tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

"Nabasa ko nga may kissing scene.. pero diko alam na kasali iyon sa play" tugon ni Aaron. Napasapo ako sa noo ko. Bago lutang na umuwi.














Binuksan ko ng dahan dahan ang aming gate bago naglakas palabas, nakatingin sa sahig. Alam kong nasa harap ko si Jon dahil naaninag ko siya kahit hindi ko tingnan.


"Oh..." mahinang sabi ko. Hindi ko nakikita ang reaksyon sa mukha niya ngunit alam kong nakakunot na naman ang noo at magkasalubong ang kilay niyan!


"Umuwi kang magisa?, iniwan moko sa school" sabi niya


"Nawala sa isip ko kanina.. pasensiya na" nananatili akong nakayuko.


Bumuntong hininga siya bago magsalita muli " I'm calling you.. hindi mo sinasagot" pinipigilan niyang magtaas ng boses. Siguro'y naiinis na siya sa akin, baka ayaw na niya sa akin. Psh pake ko?! Lalaki lang siya at babae ako. Magkaiba yon.


"Kumakain ako e"


Tinagilid niya ang ulo at muling humarap sa akin. "We're calling you for many times to get out and then you also deny ... na nobyo mo ko'." Narinig niya pa yon? Haba ng tenga naman. Hindi ako sumagot at tumingin nalang sa langit. "Look at me." Napilitan ako mapatingin dahil iginayad niya ang baba ko para magtama ang paningin namin. "What's bothering you?" Inikot ko ang mata ko.


"Wala." tipid na sagot ko. Nakakahiya kung malaman pa niyang hindi ako maayos dahil lang sa kakaisip ng kissing scene'


Hindi sa naniwala sa sagot ko dahil nagtanong siya uli. " Yung stage play ba? sabi nila ay tinanggap mo daw ang offer."

My Ex- Boyfriend is a Pop Star [FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon