Prologue**
Tuluyan ng nawawala ang lahat. Tuluyan na silang nahuhulog mula sa kinagagalingan nila.
Nagbabago ang lahat, na dadating sa punto na hindi mo na kilala yung taong iyun o hindi mo na siya mababalik sa dating sarili niya.
Babalik ang lahat. Ang nakaraan? Mapupunta ulit kay Hazel. Ang ayaw niyang maranasan muli ay babalik muli sakanya. Mararanasan nanaman niya ang lungkot, at sakit na naramdaman niya ng iwan siya ni Kyle.
**
"Hazel," pumasok ang nanay niya sa kwarto ng dalaga. "Kumain ka muna oh.." sabi niya at inabot sakanya ang nilutong pagkain.
"Hazel, a-andito sila Angeline oh. Why don't you go sa mall?" sabi ng nanay at pilit na ngumiti.
Lumapit si Angeline at Lhuna, "Sige na, naghihintay sila Terrence sa baba." sabi ni Angeline. Tinignan naman ni Hazel ang tatlo pero binalik ulit ang atensyon sa labas ng bintana niya.
"Kayo nalang.. Pagod ako." sabi niya. Nagpakawala ng malalim na hinga ang tatlo. "Hazel, mag-iisang buwan na ganyan ka parin. You should stop thinking the fact na iniwan ka ni Kyle, he promised you na hindi mawawala ang koneksyon niyo--"
"Ma, it's not just about Kyle. Ma, si EJ. Nasa hospital siya dahil saakin.. Kung hindi sana ako tumakbo--"
"You're torturing yourself. Pinapagod mo yang sarili mo, sa kakaiyak at sa kakaisip na ikaw ang may kasalanan. Hazel tama na.." sabi ni Angeline at hinawakan ang kamay niya. "Stop it." dagdag niya.
Pinunas ni Hazel ang luha niya, niyakap siya ng nanay niya. "Hindi ko alam ano ang gagawin ko.." mahinang sinabi ni Hazel.
"Be strong. For EJ and Kyle. Trust them, trust EJ na kakayanin niya at gigising siya soon. Trust Kyle, maniwala ka sa sinabi niya, babalikan ka niya.." napatigil naman si Hazel sa kakaiyak.
"Good. Sige na, sumama ka na sakanila.." sabi ng nanay ni Hazel. Tumayo na si Hazel.
Kinuha na niya ang bag at phone niya. Inakbay siya ni Lhuna, "Libre daw ni Terrence ngayon! Susulitin na natin." nakangiting wika ni Lhuna. "Smile!" sabi ng dalawa.
Umalis na rin ang tatlo sa bahay at dumiretso sa van na nakapark sa labas ng bahay nila Hazel.
"Let's go!" sabi ni Lhuna nang makapasok siya sa van.
Inandar na rin nung driver ang makina kaya agad na silang umalis papunta sa mall.
--
"Your orders will be served soon po." sabi nung waitress at umalis na."Jusko akala ko sa Jollibee o McDo lang 'tong libre mo! Sa susyalin pala! Yiee~ Salamat!" sabi ni Lhuna. Napatawa naman si Terrence, "Wala lang 'toh." sabi niya. Nagkwentuhan lang sila maliban kay Hazel habang hinihintay ang mga order nila. Tumayo naman si Hazel kaya napatingin sila Terrence sakanya, "Mag-c-cr lang ako." maikli na sabi ni Hazel.
Umalis na siya at dumiretso sa comfort room.
**
Sa kabilang dako, may isang lalaki na nakaupo sa labas ng isang cafe sa mall. Kinuha naman niya ang kanyang phone ng marinig niya ang ringtone niya.
Sinagot niya agad ang tawag, "Ma, ano ba? Wala naman siya dito eh! Ang tagal tagal. Sigurado ba kayo na dadating yung babaeng yun?" inis na tanong ng lalaki sa nanay na nasa kabilang linya.
"Tska Ma, I should be in Korea right now. Not here in Philippines--"
"Kyle. She'll be there soon. Siguro na-traffic lang. Hintayin mo nalang kasi--"
"Ma, I've been here for almost two hours! Sa tingin mo pupunta pa yun dito? No, ayoko na Ma. I'm ditching her here--" napatigil naman si Kyle ng may nakita siyang babae. Isang babae na sobrang pamilyar sakanya...
Sinampal niya ang sarili niya ng mahina. Tinignan niya ulit ang babae na nakita niya. Ilang beses niya ito inulit sa sarili dahil gusto niya makasigurado kung talaga bang hindi lang siya nananaginip. Gusto niyang makasigurado kung si Hazel ba talaga ang nakikita niya.
"Damn." tumayo agad si Kyle upang habulin si Hazel.
It is you, Hazel. Mas lalong binilisan ni Kyle ang pagtakbo para maabutan pa niya si Hazel. Isisigaw na sana niya ang pangalan ni Hazel ng maalala niya ang gabing iyun..
Nanghina ang buong katawan niya ng maalala niya ang mga sinabi ni Hazel, ang mukha niya na punong puno ng lungkot at galit, ang gabi na na-ospital si EJ. Lahat na iyon ay naalala niya.
Agad naman siyang nagtago ng mapansin niyang lumingon si Hazel. Buti nalang at hindi siya nakita ni Hazel. Nakita nalang ni Kyle na pumasok na siya sa comfort room.
Napahawak naman si Kyle sa dibdib niya.
"You've changed." yan lang ang nasabi ni Kyle. Nag-ring naman ang phone niya kaya nilabas niya ang phone niya at tinignan ang screen. Huminga siya ng malalim at naglakad na.
"I'll be there soon." sabi niya ng masagot ang tawag ng kanyang nanay. Inend na niya ang tawag ng makarating siya sa cafe na kung saan kanina pa siya ngahihintay.
Nakita niya ang babae na kanina pa niya hinihintay. Inis siyang lumapit sa table ng babae at umupo sa harapan niya na ikinagulat naman ng babae.
"You made it." nakangiting sabi ng babae. Tinignan naman ni Kyle ng masama ang babae at nagsalita, "Where the hell were you? Hindi mo ba alam na kanina pa ako andito? At hindi mo ba alam na dalawang oras na ako andito?" inis na tanong niya sa babae.
"I-I'm sorry.. N-Na-traffic kasi kami--"
'Whatever. Just give me the damn contract so I can sign it." inis niyang inutusan ang kaharap niya.
Kinuha naman iyon ni Kyle at nag-sign na.
Ngumiti naman ang babae sakanya, "Thank goodness at nag-sign ka na rin. Sabi nga pala nila Mom saakin, na magaganap ang event sa isa sa mga resort ng Kim Family. And also, ang staff ng resort mismo ang gagawa ng invitations, your friends can come." napatingin naman si Kyle sa dalaga. Nagulat siya sa narinig.
Kim? As in the Kim Family?
"Why there? I did not remeber having the event in public." sabi ni Kyle.
"Oh right. Yun nga pala, my Mom and your mom together with me have talked about it. And I wanted it to be public. Imagine, you and me, standing at the altar--"
Tumayo na agad si Kyle at iniwan ang babae doon.
Yes, Kyle signed a marriage contract. And the girl Kyle was talking to, was his fiancée. And after a year..
Kyle will be married.
**
Yes, babalik ang lahat kay Hazel. Ang pagiwan sakanya ni Kyle--the things taht happened to Hazel, oo, lahat sila mababalik sakanya. Pero, ang sakit na iyon, madadagdagan iyon.
Pero, and kanilang mga landas ay magtatagpo. Kakayanin pa kaya ni Hazel iyon? Will she move on easily? Knowing that Kyle, is about to get married?
What if hindi na kayanin ni Hazel iyon?
Now, it's up to Kyle. It's up to him to fix the damages, the bruises and scars he has left on Hazel's heart.
It's up to Kyle to BRING HER BACK.
Kakayanin kaya ni Kyle ito? Read to find out.
**
BINABASA MO ANG
Boy Next Door
Ficção Adolescente-- Hazel Ford is a typical normal High School teenage girl--who lived in a simple life. Until the day when Kyle Spencer came.The arrogant annoying and conceited guy--who always ruins Hazel's day. Kyle went along with her circle of friends; Hazel's c...