(Epilogue) Chapter 46 : Goodbye

65 2 4
                                    

Hazel's POV

"Ayan, tapos na rin." nakangiting sabi ni Mama. Hinarap niya ako sa mirror.

Ngumiti ako. "Hoo. Salamat Ma!" sabi ko at tumayo na.

*dingdong*

"Mukhang andyan na baba si Eun Ji." sabi ni Papa na pumasok sa room.

Sabay kaming lumabas sa room nila Mama at bumaba para buksan yung pinto.

"Oh Hell? Si EJ?" tanong ko. "Nauna na eh. Tinamad daw puntahan ka. Kaya ako yung inutusan para samahan ka papunta dun." paliwanag niya.

"Hay. Kahit kailan, tamad talaga nun."

"Oh anak, sino toh--ay ikaw yung nakita ko kaninang umaga ah." sabi ni Mama.

"Ikaw yung kapatid ni Eun Ji diba?" tanong niya. Tumango naman si Hell.

"Sige Ma, una na ako. Tatawag nalang ako pag may problema." kumaway naman sila. Umalis na rin ako.

Sinara ko ang gate--oh gosh.

"K-Kotse mo toh?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Pero nakita ko kotse mo--iba ah." sabi ko. Nakatingin lang siya saakin.

"How many cars do you own?" tanong ko.

"Apat."

THE HELL?!? APAT?!

"K-Kay EJ?" tanong ko. Ngumiti naman siya saakin. "Wag na. Baka masaktan ka pa." sabi niya kaya binatukan ko siya.

Tumawa naman siya. "Iiwan kita dito." sabi niya. "Sumbong kita sa Ate mo eh." sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse.

-

"Oh labas na." sabi niya ng makarating kami sa venue.

"Sama neto. Pinapalayas mo kaagad ako?!" tanong ko at tinignan niya ang sarili niya sa salamin.

"Uhuh." sabi niya at inayos ang buhok niya. Ngumiti naman ako.

"May date ka ano?" tinignan niya ako. "Wala ah." sabi niya.

"Suus! Oo na lalayas na ako. Magalit ka pa eh." sabi ko at lumabas na.

"Tawag nalang kayo kapag uuwi na kayo." sabi ni Hell. Tumango naman ako. "Anong nakain mo at ang bait mo ata?" tanong ko pero imbis na sagutin niya ako ay pinaandar na niya ang kotse niya at umalis na.

Bwisit talaga. Ang samaaaa! >__< Haist. "BWISIT KA HELL!" sigaw ko. Buti naman at walang nakakita.

Hay. Pumasok na rin ako sa loob ng resort. Ang laki at ang ganda ng pinili nilang resooort! Again, company nanaman ng mga magulang ni EJ ang nag-sponsor. Minsan, napapaisip ako, kung nauubusan ba sila EJ ng pera.

"Ate Hazeeeel!" napalingon naman ako.

"Baby Xyleeeene!" sigaw ko habang kinarga siya.

"Ate Ate! Hindi na po ako bulol!" sabi niya. Ngumiti naman ako. "Oo nga! Galing naman!" sabi ko at pumalakpak naman siya.

"Xylene!--Oh Hazel! Andito ka na pala." sabi ni Xander at kinarga si Xylene. "Andun sila. Dalhin ko lang ito kela Mama." sabi niya at umalis na.

"Hazel, papicture naman. Mamimiss ka rin namin!" sabi nung isang kong kaklase. Ngumiti naman ako. "Salamat!" umalis na rin silang lima.

Nakita ko sila kaya agad akong lumapit.

Oh gosh. Pfft.

"Don't dare laugh or I will kick you." mariin na sinabi ni EJ. Ngumiti nalang ako.

Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon