Chapter 45 : Graduation

44 2 0
                                    

Hazel's POV

*bzzt bzzt*

Napatingin naman ako sa phone ko. Bumangon na ako at tinignan iyon.

'HOY GISING NA!-Kyle.' natawa naman ako dun kaya nagreply ako.

'Opo.-Hazel.' and send! Pumunta ako sa banyo para maligo. Hindi naman nagtagal ay nakalabas na ako.

*toktoktok* pumasok naman si Mama.

"Oh mukhang handa ka na--tska, ang ganda ata ng umaga mo?" sabi niya na nakangiti. Bago ako makadagot ay nagsalita ulit si Mama.

"Kumain ka na muna. Hm?" sani niya kaya tumango lang ako at bumaba na.

-

"--Aray!" napatingin naman ako sa bintana sa kusina. Sila EJ at Hell! Pumasok naman sila galing sa back door.

"Kain kayo oh." sabi ko habang kumakain. "EJ? Andito ka pala---"

Napatigil naman si Mama ng makita niya ang kapatid ni EJ.

"Ah Ma, kapatid po ito ni EJ." sabi ko at ngumiti. Binigyan ako ni Mama ng isang nagtatakang tingin.

"Osige sige. Ikaw na bahala sakanila Hazel ah? Aalis na ako. See you all sa school niyo." sabi ni Mama at umalis na. May meeting pa kasi siya sa office.

Nagusap nalang kaming tatlo sa kusina. Inaasar ko pa nga si Hell sa crush niya eh.

"Bwisit ka Ate! Sinasabi ko sayo. Bwisit ka." sabi ni Hell. Tumawa naman ako. "Sus! Gusto mo naman ang inaasar kita sa crush mo eh. Sus nahiya pa."

"Aish!" sabi niya. "Tara na. Malate pa tayo." sabi ni EJ. Kinuha ko ang toga (yung mahabang damit na sinusuot ng lawyers. Pfft.) at yung graduation cap ko at umalis na kami sa bahay ko.

-

Pagdating namin sa school, nakita namin sila Terrence. Humiwalay na saamin si Hell kasi guest lang naman siya eh.

Lumapit kami sakanila. "Andito na pala kayo~" sabi ni Angeline.

"Ilang oras nalang, tapos na tayo!" sabi ni Lhuna. Ngumiti naman kaming lahat.

"Si Kyle?" tanong ko sakanila. Napatingin sila saakin.

"Mukhang close na ata kayong dalawa?" tanong ni Terrence.

"Di yan! Baka, may something na kayo pero di niyo lang sinasabi!" hinampas ko naman si Nigel. "Asaan kasi siya?" tanong ko.

"Eh bat mo hinahanap? Hah?" tanong ni Nigel. "Bwisit ka!" sabi ko at hinampas ulit siya. Tumawa naman sila.

"Parating na siguro iyon." sabi naman ni Angeline.

"Ay ayan na pala siya oh!" sabi ni Lhuna kaya naman napalingon ako. Lumabas siya sa kotse kasama ang nanay niya--at yung tatay niya.

"Hazel!" masayang lumapit saakin yung nanay ni Kyle.

"It's nice to see you. Nagulat nga ako nung nalaman kong kaklase mo pala itong si Kyle. Best friend pa." sabi niya. Nagulat ako nung binulong niya saakin ang huli.

Umalis na rin si Tita at sinamahan ang ibang parents.

"Excuse me, uhm Angeline?" may lumapit na lalaki sakanya. Gwapo, peeo di ko bet.

"Bakit?" tanong naman ni Angeline.

"Pinapabigay daw sayo toh ng kaibigan ko." nanlaki naman ang mga mata namin. LALO NA KAY TERRENCE! HAHA!

"*ehem* *ehem**ehem*" natawa naman kami sa reaction ni Terrence.

"Talaga? Thank you! Pakisabi ah?" umalis na din yung lalaki.

Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon