Hazel's POV
Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit ng ulo ko grabe! Inalala ko ang nangyari kagabi.
Ah! Oo!
*flashback*
Sinubukan ko ang matulog ng mahimbing. Pero dahil sa napakawalangyang Kyle ay hindi iyon nangyari.
Malakas na tumutugtog ang music mula sa kwarto ni Kyle. Bumangon ako para puntahan ang kwarto niya, yes. May matibay na puno dito sa pagitan ng bahay naming dalawa, at tska, magaan ako! Hoho.
Binuksan ko ang window ko at dahan dahang pinuntahan ang kwarto niya.
Luckily, nakadaan ako safely.Tumalon ako sa terrace niya. Wala namang sugat kaya tumayo na ako.
"HOY!" sigaw ko at kinakatok ang bintana niya ng malakas.
Katok parin ako ng katok dahil wala pa siya. Sisigaw ulit sana ako ng nabuksan yung bintana at nakita ko siya.
"Aray!" sigaw niya at napahawak sa ulo niya. Hah! Natamaan siya sa ulo nang matamaan ko siya sa pagkakatok.
"Ano bang problema mo ah?!" inis na tinanong niya saakin. Then dun na nagsimula ang away naming dalawa that night.
**
Inayos ko na ang damit ko ng makatapos na ako sa pagliligo. Lumabas na ako sa kwarto para kumain.
Nilagay ko ang plato ko sa sink at nagsipilyo na para makaalis agad ako sa bahay.
Pagkadating ko sa classroom namin, agad namang sumalubong saakin ang maingay na Angeline.
"Huy! Babalik daw sila Umma!" masaya niyang sinabi. "Oh? Kailan daw? Dito ba sila mag-aaral?" tanong ko. Well, si Umma, kaibigan namin. Not mother--parang. Ah basta, isa siya sa mga kaibigan namin na parang nanay na saaming anim na magkakaibigan. Yes, madami kami. Kaya lang, napunta sa ibang school sila Umma.
Pero, babalik na sila!
"Pakiramdam ko, dito na rin sila magaaral," sabi ni Lhuna. "Kailangan ito malaman ni EJ!" sabi niya na nilabas ang phone niya.
"Teka, wala pa si EJ?" tanong ko at hinanap si EJ sa classroom.
"Akala namin susunod siya sayo eh..." sabi ni Angeline. Nagkatinginan kaming tatlo ng may narinig kaming malakas na tunog, parang sampal na malakas na ewan!
"Omg! Si Monique! Nasampal ni EJ!"
"Ano? Tara nga!"
Nagsitakbuhan ang mga kaklase namin papunta sa labas.
"You're thinking what I'm thinking. Right?" kinakabahan na tinanong ni Angeline.
"Tara! Kumuha tayo ng popcorn, feeling ko maeenjoy ko eh!" sabi ni Lhuna at hinila ang kamay naming dalawa ni Angeline.
--
"Y-You freak! Totoo ang sinasabi ko--Ugh! Let go of me!" yun ang narinig ko ng makarating kami sa hallway kung saan ang nga madaming estudyante.
Siniksik naming tatlo ang mga sarili namin papunta sa harap. Napatingin ako kay Monique. Galit na galit ang itsura niya. Pinipigilan siya ng kanyang kaibigan, si Ella.
"Ella! Why the heck are you trying to stop me?! Eh totoo ang sinasabi ko! She stole my boyfriend just to get attention! Why? Dahil sa walang wala na siya! An orphan! Yan siy--"
"Monique tama na--"
"SHUT UP ELLA!" nagulat ako ng tinulak ni Monique si Ella kaya nahulog siya kasama ang mga ibang kasamahan ni Monique na isa isang nasaktan which I'm guessing dahil kay EJ.
"Monqiue, I did not steal you're boyfriend,"may hinila si EJ na lalaki mula sa crowd at tinulak sa gitna nilang dalawa. "Tell her." utos niya sa lalaki.
"Hindi niya ako nilapitan Monique. Okay?" sabi niya kaya naman nanlaki ang mga mata ni Monique.
"Why would I like a dirty, short and wannabe gangster like this douchebag over here?" tanong ni EJ.
"Whatever. Hindi pa tayo tapos dito EJ.." sabi ni EJ. "Oh, I almost forgot. Kahit anong mangyari, wala na ang mga magulang mo..Never forget that." lalapit sana ako kay Monique pero pinigilan ako ni Lhuna. Hinila na ni Monique ang kamay ng 'boyfriend' niya at umalis na.
Nagsialisan na rin yung mga ibang estudyante. Natira kaming apat. Lumapit ako sakanya, "EJ, wag mong pakinggan si Moni--"
Umalis na si EJ sa harapan naming tatlo.
Tinignan ko naman si EJ na tuluyan ng umaalis.
--
Kyle's POV
Pabalik na ako sa room dahil napadaan ako sa isang away, di ko na pinuntahan dahil wala naman saakin ang mga yan.
May nakita naman akong babae na nasa hallway din, papunta sa room kung saan din ako pupunta. Kaso, medyo magulo ang damit at pulang pula yung kaliwang pisngi niya, parang may dugo eh!
Napansin niya siguro na nakatingin ako sakanya. Inirapan niya ako at pumasok na sa loob ng room.
Ang lamig ng tingin niya. First time kong makakita ng ganun na babae. Pumasok nalang din ako sa loob ng room.
--
Eun Ji's POV
Alam ko na si Kyle yung nakasalubong ko, pero hey, I don't care.
Sunod naman na pumasok si Terrence na kasama si Angeline at Nigel. Agad akong nilapitan ni Angeline.
Hindi ko na pinansin o narinig manlang ang mga pinagsasabi nila dahil naka-headset ako.
"Wala ka paring mga magulang..."
I shook the thought of it at dinaan nalang iyon sa tulog.
--
BINABASA MO ANG
Boy Next Door
Teen Fiction-- Hazel Ford is a typical normal High School teenage girl--who lived in a simple life. Until the day when Kyle Spencer came.The arrogant annoying and conceited guy--who always ruins Hazel's day. Kyle went along with her circle of friends; Hazel's c...