Chapter 37 : In Love ?

82 4 4
                                    

Lhuna's POV

Naglalaro ako ngayon ng geometry dash sa IPad ni Nigel ng makita ko si EJ na pumasok sa tambahay na may kasamang lalaki.

"OY !! Bati na kayo ni Vin---HALAAAA ! WHAT IS HE DOING HERE ?!" sigaw ko ng makita ko si Hell na nasa likod niya.

"Hell ?!" sigaw nung iba mula sa mga kwarto nila. "HALA !! SUGOD !!!" sigaw ni Nigel .

Eun Ji's POV

"HALA !! SUGOD !!" sigaw ni Nigel kaya naman nagtakbuhan silang lahat papunta kay Hell.

May nakita akong broom na nakasandal sa pader kaya kinuha ko iyon.

"HALA DALI !! SUGOD PA KAYO !! SUBUKAN NIYO LANG SAKTAN TONG SI HELL KAYO ANG MASASAKTAN !!" sigaw ko giving all them my deadly glare .

"Huh ?! SIRA KA BA EJ ?!? Si Hell yan !! H-E-E-L---"

Binatukan nga ni Lhuna. "TANGA !! H-E-L-L kasi !!! Jusko Nigel !" sabi naman ni Lhuna kaya napa-pout tong si Nigel.

"EJ , si Hell yan !! Ano bang napasok diyan sa kokoteng mong yan at dinala mo dito si Hell ah ?!---"

Binatukan ko si Kyle. "Hala sige , magingay pa kayo !! Let me talk first ." sabi ko kaya naman tumahimik sila.

Andito kami ngayon sa kusina .

"Kapatid ko si Hell." sabi ko sakanila.

"Oh , kapatid mo lang pala siya. Jusko !!

Kaya naman pala magkasama kayo---Teka, kapatid ?" -Hazel.

"ANO ?!?"

"Aray !! Ang sakit mong manuntok Lhuna ah!" sigaw ni Nigel kaya naman napatingin kaming lahat sakanila . Tama nga , mukhang sinuntok ni Lhuna si Nigel.

"Sorry sorry!!--Pero , ano ?! Kapatid ?--Si Hell ?!? Seryoso ? Baka naman bulag ka EJ. Siguro kailangan mong mag-pa check up sa doctor." sabi naman niya .

"Kapatid ko nga siya." sabi ko . "Pero paano ?" tanong nila Angeline at Terrence .

At yun , kinuwento ko sakanila kung paano kami naging "magkapatid" .

"Grabe yun ah !! So , Hell pala ang tawag sayo. Eh kung ganun , ano ang tunay niyang pangalan ?" tanong saakin ni Terrence.

Napatingin ako kay Hell at napakamot ng ulo. "Di ko alam eh." sabi ko.

"HUWAAW NAMAN !! GALING--- BIGYAN NG JACKET TONG SI EJ !!" sigaw ni Nigel.

"James Eroll ang tunay kong pangalan." sabi ni Hell . "So , JE ang nickname mo ?" tanong naman ni Kyle .

Natawa sila maliban saakin. Napangiti naman ako dun. "Okay okay . So . . Ikaw si EJ . Ikaw naman si JE . Ayus rin noh !! Para talaga kayong magkapatid !! That's so cuuuute~"  sabi ni Nigel.

"Gay." sabay naming sinabi ni Hell yun. Binatukan ko nga . Tsk tsk tsk.

"Aray ha !!" sigaw niya kaya naman napatawa kami.

**

Vince's POV

Papasok na sana ako sa loob ng tambahay kasi wala namng practice ng may narinig akong nagtatawanan sa loob.

Pumasok ako at nakita ko sila na nasa dining room , may kausap na lalaki.

Parang nakita ko na siya ah---tch. Pake ko ba ?

Mukhang hindi naman ako napansin ng mga yun kaya dumiretso nalang ako sa loob ng kwarto ko at humiga.

Di parin kami bati ni EJ . Hindi ko nga alam paano siya lapitan eh . "Jusko Vince , magsosorry ka lang naman !! Di mo naman siya liligawan . Tsk !!" sabi ko sa sarili ko.

Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon