Haloooo~ musta naman ang last update? Di ako sure kung kinilig ba kayo o ano. Hehe. Thank you ulit sa pagsuporta niyo guys! ;) Happy 6K+ reads to Boy Next Door! For now, babalik na tayo sa ating bida okay? Okay. Hart hart guys!
-
Hazel's POV
"Hazel kasi, ano ba? Sumama ka nalang kasi!" pang limang beses na sinabi ni Angeline saakin.
"Kayo nalang. Okay na ako dito." sabi ko habang nakaharap sa t.v.
"Sige na kasi! Tignan mo toh. Bonding toh! With the barkada! Sige na!" sabi niya.
"Tska di mo naman kailangang kausapin si Kyle ng bongga bongga! Sige na!" dagdag pa niya.
"Ayoko nga. Promise, okay lang ako dito." sabi ko sakanya at tinaas ang kanan kong kamay.
"Pero--"
"Forget it Angeline. Kahit lumuhod ka pa sa harapan niya di siya papayag." sabi ni EJ na nasa labas ng pinto.
Tinignan ko naman siya. Di ko napansin na andun pala siya.
"Ako? Luluhod para kay Hazel? Di naman siya reyna eh! AKO kasi iyon. Bahala ka! Masaya kami mamaya tas ikaw dito loner! BLEH!" sabi niya at umalis na sa kama ko at lumabas sa room.
Pinalit ko ang channel sa t.v dahil ang boring nung pinapanuod ko kanina.
"Sinabi sakin ni Kyle ang lahat." sabi ni EJ at umupo sa dulo sa kama ko.
"Kaya ka ba ganyan?" tanong niya. "Anong ganyan? Ayus naman ako ah." sabi ko sakanya.
"Don't play dumb with me, Hazel. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko." malamig niyang sabi saakin.
"Wala na yun EJ. Matagal na yun." sabi ko sakanya at pinalit ang channel.
"Anong 'wala na yun' ? Ganun lang? Hindi mo man lang tinanong sakanya kung bakit ka niya ni-reject?"
"Para saan pa? Nabasted na rin naman ako eh. Tska maganda na rin yun, di na ako aasa pa."
"That's not my point Hazel. Hindi yun, ang saakin lang, bakit hinayaan mo lang ng ganun? Tska, malay mo may rason si Kyle kung bakit ka niya binasted--tska, baka----"
"Wala pa ring magbabago , EJ. Wala akong paki kung may gusto ba siyang iba o wala, pero to tell you, ayoko na. Ayokong umasa ng umasa hanggang aabot sa araw na bigla ko nalang malalaman na may mahal na pala siya. Ayoko EJ. Ayoko ng ganun. Mas maganda na ang masaktan na ako sa ngayon kaysa sa masaktan ako sa kinabukasan. Mahihirapan ako kapag nangyari yun." sabi ko sakanya.
"Hazel--"
"Please EJ. Please. Wag na natin toh pagusapan. Sumasakit lang ulo ko." sabi ko habang nakatingin sa labas ng window ng room namin.
"Your loss. Ang saakin lang, simula pa lang iyon Hazel. Para lang isang laro, sa simula , mahuhulog ka at matatalo . Pero Hazel, simula pa lang iyon. Hindi mo na nagawang ulitin iyon." sabi niya at lumabas na sa hotel room namin.
Isasara na sana niya ang pinto pero nagsalita ako . Tuluyan na ring tumulo ang mga luha na kanina ko pa tinatago at pinipilit na hindi mahulog.
" I'm not like you EJ. Kung ikaw pa ang nasa pwesto ko, nakaya mo pa. Naranasan mo na ang masaktan. Maraming beses na sa iba't ibang paraan at rason. Pero ako, hindi pa. First time ko pa toh. Ang masaktan ng sobra sobra." sabi ko habang pinunasan ang luha ko. Pumasok siya sa loob at lumapit saakin.
"Kaya nga sinasabihan na kita. Simula pa lang ito. Sana di ka nagsuko. Pinakawalan mo na si Kyle. Di ka pa kumapit sakanya."
"Ano ba ang dapat kong ginawa?!---"
BINABASA MO ANG
Boy Next Door
Novela Juvenil-- Hazel Ford is a typical normal High School teenage girl--who lived in a simple life. Until the day when Kyle Spencer came.The arrogant annoying and conceited guy--who always ruins Hazel's day. Kyle went along with her circle of friends; Hazel's c...
