Chapter 48, Intro

50 2 0
                                    

*3 days later*

Hazel's POV


Nilagay ko ang plato ko sa sink at pumunta sa banyo para magsipilyo dahil tapos na ako kumain ng aking alsmusal. Pagkatapos, ay kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may message or missed calls ba. Ayun, wala.


"Anak! Anak! Andyan na ang kapatid ni Eun Ji naghihintay sa labas. Dalian mo." sabi ni Mama habang inaayos ang mga folders at mga papers niya na galing sa office niya. Tumango naman ako at kinuha ang bag ko.


"Bye Ma!" lumabas na ako sa bahay at dumiretso sa gate. Kinuha ko ang phone ko dahil nag-vibrate iyon. Isang text galing kay Hell.


"I'll be there in a minute. May binili lang ako-Hell." hayy. Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa ko at hinintay nalang si Hell. Napatingin naman ako sa kabilang bahay.


Yung bahay ni Kyle.. Looking at it brings back so many memories. And I can't lie, nasasaktan ako.


*sigh*


"Hoy Ate!" napatingin naman ako sa harap ko. Ay, si Hell pala. "Tara na! Maabutan pa tayo sa traffic!" binuksan ko na ang pinto sa kotse. Tinignan ko ulit ang bahay niya at pumasok na sa loob. Inandar na ni Hell ang makina ng kotse at umalis na kami.


-

"Alam kong namimiss mo si Kuya Kyle." napatingin naman ako kay Hell, siyempre nakatingin siya sa daanan pero alam ko na ako ang kinakausap niya. "I saw the way you look at his house kanina.." sabi niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa harap.


"Haayyy. Oo, inaamin ko. Namimiss ko siya, the same time, nasasaktan.." sabi ko. I pinched myself para di ako tuluyang umiyak. Huminga nalang ako ng malalim at tumingin nalang sa labas ng bintana.


Pagkatapos nun ay hindi na nagsalita si Hell. Kaya nanatili nalang din akong tahimik.


-

Pagkadating namin sa RHA, ay naghiwalay na kami ni Hell dahil sa kabilang building pa siya. Doon ko lang napansin na madaming studyante din pala ang naka-enroll. Napangiti naman ako dahil nakita ko ang picture ng batch namin sa 'Wall of Fame'. Yes, di ko nga alam na magkakaroon ng ganto eh.


Tinignan ko naman ang isang picture, may nakalagay doon. It says "Best group of Friends". And guess what? Kami ang nasa picture.


Andun sila Angeline, Nigel, Terrence, Lhuna, Vince, Ella, Xander, EJ and.. *sigh*


"Hazel!" napatingin nama ako sa likod ko. Ngumiti ako at kumaway. "Angeline! Lhuna!" niyakap ko silang dalawa. Sunod ko naman nakita ay sila Terrence, Ella at Xander. Niyakap ko din sila. Nagulat naman ako nang may umakbay saakin mula sa likod.


"Hazelnut!" ngumiti naman ako nung sila Nigel at Vince ang umakbay saakin.


"I can feel the barkada love!" sabi ni Lhuna. Ngumiti naman ako doon sa sinabi niya. Then again nawala ang ngiti mula saakin dahil doon ko lang narealize, wala si EJ. And I know walang wala talaga dito si Kyle. But still, si EJ.. siyempre, best friend ko wala dito.

Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon