"NOOO!" sigaw ko habang tumakbo papunta sa banyo para makaligo na. Late nanaman ako!
Pagkatapos kong magayos sa sarili ay dumiretso na ako sa baba para makaalis na rin. Ni-lock ko na ang gate ng bahay at nagsimula ng tumakbo.
Napatingin ako sa orasan, argh! Binuksan ko na ang pinti ng room ko, "Ma'am sorry talaga! Nalate po ang tulog ko, tapos may tinulungan akong lola sa daan tapo--" napatigil ako sa pagsasalita ng mapansin ko na hindi ang adviser ko ang kausap ko.
"Ms. Ford, nasa kabilang room ang iyong classroom." sabi nung sir. Napakamot ako sa ulo ko, "Ah, haha.. Oo nga pala, sorry. Ituloy niyo lang po ang lesson niyo." nakangiti kong sinabi.
"Please get out of my class." utos niya, "A-Ah sorry po. Opo." sabi ko habang naglakad na paalis ng room. Pero bumalik agad ako para isara ang pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko. "Pahiya ako dun! Tsk. Talaga naman oh." sabi ko habang pumunta na sa room ko.
"Hazel! Late ka nanaman! Hayjusko. Gaano ba kalayo yang bahay niyo ah?! Ganyan ka ba kabagal kumilos? Aba. Please mark Hazel absent for this week--wait, no. For the whole month!" nanlaki ang mata ko. What? Whole month?!
"Ma'am--"
"Hindi! Umupo ka na! Wala kang ibang ginawa kundi maging late sa subject ko! Tignan natin kung hindi ka maggraduate." sabi niya. Tahimik lang akong umupo sa pwesto ko sa may bandang likod.
"Narinig ko na six times na siyang late, pano pa kaya kapag nadagdag iyon?" narinig ko na bulong nung isa sa mga kaklase ko. "Kaya nga eh."
Tinignan ko si EJ, "Tulungan mo naman ako oh." sabi ko. Binigyan niya ako ng isang malamig na tingin at isinuot ang earphones niya. I hate you. Grabe! Kaibigan nga kita. Omg.
-
Lhuna's POV
Nilabas ko na ang book ko sa next subject namin. Napatingin ako kay Hazel na tahimik lamang. Haha, ang cute ng itsura!
Nag-drawing lang ako ng pwedeng madrawing.
-
Patuloy parin ako sa pag-ddrawing--
"Excuse me, Lhuna, are you even listening?" napatingin ako sa teacher.
"Serves her right." sabi ni Monique na nasa harapan ko. Napakagat ako sa labi ko. Patay!
"Shut it Monique. Yes, she's been listening" napatingin ako kay EJ. "And why are you talking, hindi ikaw ang kausap ko Ms. Kim." sabi nung teacher namin.
"I've got papers. I can fill them up for you, if that's what you want." napangiti naman ako dun, siya nga pala ang may-ari nitong school. Namutla yung teacher namin, "Where were we?--Ah, yes, the time when..."
Nagulat ako nung nahulog yung lapis ko. Aabutin ko sana iyon pero may kumuha. Napatingin ako sa kumuha.
Ngumiti siya, "You're welcome." sabi niya, kinuha ko ang lapis ko at nakinig nalang sa masungit naming teacher.
-
Lumabas na ako sa room dahil break na namin. Nagulat nalang ako ng may umakbay saakin.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Nigel, "Sa canteen, saan pa ba?" tanong ko habang humiwalay sakanya. "Edi sa palasyo ko, kung saan kita pakakasalan." sabi niya.
"Haha, ganda naman. Pero sorry, hindi ako magkakagusto sayo. Bye!" umalis na ako ng makita ko si Angeline sa may locker niya kaya pinuntahan ko siya para makaiwas narin kay Nigel.
Haay.
-
Hazel's POV
"Hazel!" ugh, not again. Nilagay ko ang bag ko sa loob ng locker at naglakad na palayo.
"Teka lang!" sabi niya na nakahawak sa braso ko. Inis ko siyang tinanong, "Ano nanaman?!"
"Gusto ko lang naman sabihin sayo, na gwapo ako. Don't you agree with me?" nakangiti niyang tanong. "Tsk. Ayan ka nanaman eh." sabi ko pero pinigilan niya nanaman ako.
"Hindi na! Ito na, gusto ko lang sana sabihin na isa na ako sainyo. Star student." sabi niya na ikinagulat ko naman.
"Hah?! Bago ka pa lang dito! At tska, it takes more than a year to be in the star section." imposibleng nasa star section siya! Ang bilis naman ata?
"Yeah, right. Kaya asaan na ang star section? " tanong niya at hinila ako papunta sa main room namin. Pinalo ko ang kamay niya.
"Dumiretso ka lang dito sa hallway na ito. Makikita mo naman eh." sabi ko at agad naman niya akong tinalukaran at naglakad na palayo saakin.
"YOU'RE WELCOME!" sigaw ko at naglakad na palayo.
--
Tapos na rin ang classes namin kaya nagpaalam na ako kay EJ at sa barkada.
Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Hanggang ngayon, hindi parin nakabalik sila Papa at Mama. Nasa ibang bansa kasi sila.
Matutulog sana ako ng may malakas na tumutugtog sa kabilang bahay.
"HOY! KYLE! Manahimik ka nga!" sigaw ko dahil sa nakabukas ang bintana niya. Nakita ko naman siya kaya nagsalita ulit ako, "Hinaan mo ang volume pwede ba?! Baka magalit ang mga ibang kapitbahay!" sigaw ko.
"Tsk. Ayoko, tska, it helps me relax my sexy body."
Di ko tuloy napigilan ang pagtawa. "HAHA! Katawan mo? Sexy? Woow. HAHAHA." tuloy parin ako sa kakatawa nang nagsalita siya.
"Hahaha. Haha, sige, hahalikan kita diyan eh." sabi niya kaya naman napatigil ako sa kakatawa.
"What?!"
Isinara niya ang mga bintana niya. Grabe ah! Hahalikan daw ako?! Sinara ko na rin ang bintana ko at humiga sa kama ko.
Yuck. >×<
BINABASA MO ANG
Boy Next Door
Novela Juvenil-- Hazel Ford is a typical normal High School teenage girl--who lived in a simple life. Until the day when Kyle Spencer came.The arrogant annoying and conceited guy--who always ruins Hazel's day. Kyle went along with her circle of friends; Hazel's c...
