Chapter 3, Meeting the Boy Next Door

226 2 0
                                    

Hazel's POV

Bago ako umuwi ay pumunta ako sa isang bakery shop dito saamin. Balak ko kasi ibigay yung ibibili ko sa bagong lipat sa village namin. You know, parang welcome gift na yun.

Pumasok na ako sa store, "O, Hazel. Napapunta ka rito?" tanong nung manang na nagbebenta. Ngumiti ako sakanya, "Manang, may cupcakes pa kayo? Yung nasa box na?" tanong ko.

"Ay, meron pa. Ito na yung last, buti naman nakaabot ka pa. Ito na." sabi niya at inabot saakin yung box. Binigay ko na yung bayad sa manang at nagpaalam na rin.

May pamilya kaya yung kapitbahay ko? Single? Babae? Omg! Baka lalaki!

Gwapo rin kaya siya? Katulad ng mga Koryanong artista, like L.Joe? Hihii. Kinikilig ako! Baka nasa school din namin? Ayiie! Swerte! Sana maging ka-close ko yung kapitbahay ko!

Nabalik ako sa realidad ng nakarating na pala ako sa labas ng bahay nung kapitbahay ko. Kumuha ako ng sticky note at ballpen sa bag ko at nagsulat ng welcome doon.

Pinindot ko na ang buzzer. Ilang sandali ay bumukas yung pinto kaya nagsalita na ako,

"Hi! Welcome nga pala dit--" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang taong hindi ko inaasahan.

"IKAW?!" gulat na gulat naming sinabi.

"K-Kyle?! Ikaw? Ikaw ang nakatira dito?!" tanong ko habang nakaturo sakanya. Ngumiti naman siya at lumabas sa bahay niya.

"Ikaw ba ang nakatira diyan sa bahay na iyan?" tanong niya at tinuro ang tabi ng bahay niya. Inis ko siyang tinignan. "Wag mo akong sagutin ng isang tanong! Ikaw ba talaga ang nakatira dito? Naligaw ka ata?!" inis kong sinabi sakanya.

"Akin ba ito? Woww! Salamat ah! Kita nalang tayo bukas--" sabi niya pero pinigilan ko siya at hinablot ang box ng cupcakes mula sakanya.

"Yuck. Kadiri! Ikaw pala yung kapitbahay ko? Nagsayang ako ng 100 pesos! Tsk. Hindi! Hindi--hoy!" sigaw ko dahil kinuha niya ang box.

"Saakin na yan pati sa best friend ko! Kami na uubos niyan!" sigaw ko. "Ops! Bawal. Para saakin ito. Kaya bye bye! Layas na!"

Bago ako makapagsalita ay isinara na niya ang pinto ng bahay niya. Padabog akong bumalik sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. "BAKIT SIYA?!? GRR!" sigaw ko ng makarating ako sa kwarto. Humiga ako sa kama.

Nakabangga ko, kaaway ko, kaklase ko pa, ka-seat mate ko pa.

ANO TOH?! TAPOS KAPITBAHAY KO PA?! Thinking about it makes me so mad! Kinuha ko ang pillow at sinuntok iyon ng malakas.

I HATE IT. Ako na ang pinakamalas na tao sa mundong ito! Why. .

**

Chapter 3 , done and edited. Please read my other story, Mr. Jerk's my Roommate? starring GOT7 featuring Suzy and Min of MissA, Kim Ji Won, Kim Da Hyun under JYP Ent., Song Ha Yoon, Jung Yun Joo, Kim Namjoo of Apink and especially IU and many more. Sana abangan niyo pa po ang future updates ko.

Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon