Chapter 44 : I Found You

45 3 0
                                    

3rd Person's POV

"Yes. Yes I'll be there by 7. Thank you." inend ng isang babae ang phone call niya. Bigla naman nagring ang phone niya dahil may tumawag.

Sinagot niya iyon. "Hazel! Anak, andito na ako sa airport. Asaan ka na?"

"Papunta na? Ah. Dun ka nalang dumiretso sa may malapit na cafe dito sa airpot. Oo sige bye na."

Yes, siya si Celine Ford. Ang nanay ni Hazel. Gaya ng sabi niya kay Hazel, ay nandito na siya sa Pinas. Kakabalik lamang niya galing sa trabaho niya sa ibang bansa.

Since malapit lang naman yung cafe ay naglakad nalang siya papunta doon. Naghanap agad siya ng upuan doon sa may malapit sa bintana at umupo doon.

Celine's POV

Bago ang lahat, hindi ko naman siguro kailangan magpakilala dahil sa kilala niyo na ako. Right? Okay.

Nagfa-facebook lang ako sa phone ng may narinig akong nagsasalita sa likod ko.

"Oo. Andito ako sa may cafe malapit dito sa aiport. Papunta ka na? Sige sige. See you."

Saan ko ba narinig tong boses na toh?

Narinig ko na dati eh!

"Hello---what?! Bakit hindi niyo pa tapos ang designs? Kailangan na nating matapos iyon by tonight. Uhuh. No! Hindi pwede yun, send me the designs later. . .Kailangan ko yan by tonight para sa event natin this coming Thursday 6 pm. Hindi pwede ang mapahiya ang company natin. . .We are working with the Fords! Gosh. . Good good. . . I'll be expecting that. ."

Ford? Lumingon na talaga ako this time kasi di ko na napigilan pa. Nakatingin rin sa harap ang babaeng nagsasalita.

"Yes, we have to start designing for the Ford---"

Nagkatinginan kaming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko.

"Yes, I'll call you later. Around 5." binaba niya ang tawag sa phone niya.

"Celine?" tanong niya. Ngumiti naman ako at tumango. "Celine ikaw nga!" sabi niya at lumapit saakin ang niyakap ako.

"Grabe! Matagal na rin Kayla!" sabi ko at niyakap ko rin siya. Kayla, she's a friend of mine. Since bata pa si Hazel, magkakaibigan na kaming dalawa. Umalis siya together with her family papuntang Korea dahil sa problem sa company nila. Matagal tagal na rin sila doon, hindi ko lang inaasahan na makikita ko siya dito.

Umupo kami sa table kung saan ako nakaupo.

"Hindi ka parin nagbabago!" sabi niya.

"Ikaw din!--yung buhok mo! Pinagupit mo na pala? Mas bagay sayo yan!" sabi ko naman.

"Gusto mo bang mag-order? My treat. Matagal na rin at hindi tayo nakapagusap!" sabi naman niya.

"Kung ano nalang sayo yun nalang din saakin." sabi ko at ngumiti. Tinawag naman niya ang isang waiter at nag-order.

-

"Hindi ko napansin na kayo pala ang ka-work mate namin sa ngayon." sabi niya. "Ako din naman. How's the company sa Korea?" tanong ko.

"Naging stable na siya. Luckily, naayos na yun ni Klyde (asawa ni Kayla). Kaya naman dumiretso na ako sa America at iniwan sila Klyde sa Korea para ayusin ang business doon sa America. Ikaw? How's everything? Si Hazel? I heard mag grgraduate na siya! Congratulations to her." sabi niya at tinulak ako ng mahina sa braso. Ngumiti naman ako.

"Bukas na iyon. Yung mo rin diba maggrgraduate na din? Asaan na pala siya? Andun pa ba sa Korea?" tanong ko. Umiling siya. "Hindi ah. Andito na siya! Matagal na! Almost a year andito na siya sa Pinas!" sabi niya.

Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon