Chapter 51, Surprise

46 0 0
                                    

Hala, guys, andidito pa po ako! Buhay pa ako. Sorry ngayon lang itong update ko :( really, I am. Sana magustuhan niyo itong update!

**

Hazel's POV

Wednesday ngayon. Bumangon agad ako at naligo para makapagalmusal pa ako. Wala kasi si Mama ngayon, nasa ibang bansa, pero tumawag siya kagabi, saying babalik na siya.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, agad na akong lumabas sa kwarto ko at dumiretso sa kusina. Habang kumakain ng cereals, ay nakatingin din ako sa laptop ko. Naghahanap ng bagong article o ano man.

Habang nags-scroll sa news feed ko, ay agad naman akong napatigil dahil nagpost si Kyle. Picture iyon ng sarili niya na nakatingin sa malayong lugar, siguro iba yung nagpicture.

Bigla ako nakaramdam ng lungkot. Tama nga ba? Lungkot ? Hindi ko din alam kung talaga bang lungkot lang ang nararamdaman ko. Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ako kumpleto. Sinara ko ang Facebook tab at sinara ang laptop ko at nilagay iyon sa center table sa living room.

Pagkatapos nun ay inayos ko ulit ang sarili ko at saka na lumabas sa bahay.

**

Hindi ko kasama si Hell ngayon dahil sa maaga siyang gumising - well, not really, binuhusan siya ng tubig ni EJ saying kailangan na niya maghanda para sa school. Hah, high school. Nakakamiss ang maging isang high school na estudyante. Pero balik kay Hell, maaga na rin siyang umalis kaya hindi ko na nakasabay.

Tinignan ko ang relo ko, 9:13 pa. Maganda yun dahil mamayang 9:40 pa ang pasok ko. Baka makakausap ko pa si Kai - ay oo! Kailangan ko pala humingi ng sorry. Napatigil ako sa paglalakad.

Sorry lang? Come to think of it ay binuhusan ko siya ng drink. AT umalis pa ako ng hindi nagpapaliwanag. Tapos sorry lang ang sasabihin ko? >__<

Isip Hazel. What would I do in a situation like this?

**

Eun Ji's POV

Andito ako sa living room, nanunuod ng "The Flash" nang tumunog ang cellphone ko. Without looking at sinagot ko iyon.

"What?" sabi ko habang kinuha ang isang can ng whip cream at nilagay iyon sa pancake ko; at inilagay din iyon sa bibig ko.

"Whip cream?" rinig kong sabi ni Hell sa kabilang linya. Inirapan ko lang iyon at nagsalita ulit. "May pasok ka kaya, bakit ka tumatawag? And you are disturbing me and my The Flash marathon." inis kong sinabi sakanya.

"One, alam ko may pasok ako, pero break namin ngayon. Two, I don't care about your Barry Allen. And three, kaya ako tumawag dahil may problema dito sa RHA.." sabi niya saakin.

"Kung ano man yan, andiyan ka naman ah. Kaya mo yan." sabi ko sakanya pero nagsalita ulit siya.

"Alam ko. Pero I don't think I'm the one to handle this problem right now. May trespassers." sabi niya kaya naman napatigil ako sa panunuod. Pinindot ko ang pause button at nilakasan ang volume sa phone ko at umupo ng maayos.

"Nasaan sila ngayon?"

**

Within a few minutes ay nakarating ako sa RHA College Dept. Lahat ay napatingin saakin, but do I care? No. Agad ko namang hinanap si Hell. Agad akong lumapit sakanya nang makita ko siya na kasama sila Hazel, Terrence, Ella at Vince.

"Anong nangyayari dito?" tanong ko sakanila. Lahat sila ay napatingin saakin, halatang hindi mapinta kung ano ang expression ng mukha.

"I think you should see this." sabi ni Terrence na nasa tabi ko at sabay kaming lahat dumating sa  gitna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon