Chapter 42 : Friends

29 3 1
                                    

Eun Ji's POV

Papunta na ako sa room namin dahil gabing gabi na. Nauna na ang iba dahil naantok na daw sila pero nagpaiwan ako dahil sa gusto kong maglakad muna.

Madilim dilim dito sa hallway. Tch. Pake ko ba---

Napatingin ako sa likod ko dahil may narinig ako--

"Kim Eun Ji." napatingin ako sa harapan ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sino ka?" malamig kong tanong sakanya. Tumawa naman siya ng mahina. Tinignan ko siya ng mabuti.

Naka black pants, jacket at may mask na tinatago ang bibig niya. Di ko makita itsura niya dahil sa nakahoodie siya at di ko makita ang mukha niya.

"Sagutin mo tanong ko." sabi ko sakanya. Kaya naman napatingin siya ulit saakin. "Get her." sabi niya.

Wha---bigla kong naramdaman na may humahawak sa kamay ko sa likod. Ah shit! Sinipa ko ang nakahawak sakin sa tuhod at tumakbo palayo.

"Ah shit!" sabi ko at pinilit na humiwalay sakanila. Ngayon tinatali nila ang mga kamay ko na gamit ang isang rope. "YAH---"

Bigla akong nilagyan ng cover sa mukha. Aish! Sinubukan kong sipain sila pero di ko nagawa.

"HOY MGA GAGO! TANGGALIN NIYO TOH!"

"Shh. Hindi ka namin sasaktan." sabi nung lalaki malapit sa tenga ko. AH SHIT---

"HOY!" may lalaki na sumigaw mula sa likod. Tinulak ako nung lalaki sa tabi kaya natamaan ako sa may pader. "SHIT! HOY GAGO!" sigaw ko.

Ahh. Unti unting nandilim yung mga paningin ko. Ang huli ko nalang nakita mula sa nakatakip sakin ay isang anino na sinuntok ang isang lalaki.

-

Bigla tuloy akong natauhan ng may naririnig akong naguusap. Tas may ilaw pa na kulay red at blue. Tsk. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Sige sige. Wag ka na magaalala, kami na bahala dito sa mga ito."

"Thank you po." boses ng isang lalaki na pamilyar saakin.

Napahawak ako sa ulo ko. Medyo masakit pa pero ayus lang. Kaya ko naman. Pati nga likod ko masakit eh dahil sa pagtulak saakin sa pader. Tumayo na ako mula sa may kama at naglakad--

"EJ, okay ka na ba?" tanong saakin ni Ma'am Michelle habang naglalakad palapit saakin. Tumango naman ako in response.

"Vince. Ihatid mo na si EJ sa kanyang kwarto." utos ni Ma'am. Teka. Vince? Tumingin ako sa tabi ko at doon ko nakita si Vince.

"Opo." umalis na si Vince kaya sumama na rin ako.

-

Tahimik kaming naglalakad. Di ko nga alam saan kami papunta eh--

Tumigil si Vince sa kakalakad kaya naman tumigil din ako. Nasa may cafe kami dito sa resort. Pumasok siya sa loob ng cafe kaya naman sumunod nalang din ako.

Wala namang masyadong madaming tao since gabing gabi na. Nag order ako ng tea at siya naman ay kape.

Umakyat kami sa may second floor ng cafe. Umupo siya sa may bandang dulo ng cafe. Kung saan may open view.

Tahimik lang ako. Napunta ang tingin ko kay Vince. Tahimik lang din siya--crap! May sugat siya sa labi niya.

So ibig sabihin. .

Siya yung nagligtas saakin?

"Ano bang napasok diyan sa isip mo at nagawa mo pang maglakad ng gantong oras? Alam mo naman siguro na delikado ang maglakad ang isang babae sa gantong oras diba?" sabi niya.

Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon