Kyle's POV
Andito ako ngayon sa kwarto ko , nagaayos ng mga damit ko.
Hindi ko talaga alam kung bat ako pinaaral dito ni Mama, ang pagkakaalam ko naman ay maayos naman ang studies ko sa St. Antonio Academy. Siguro gusto nila na bumalik ulit ako sa Pinas. Tss.
Sinara ko ang drawer ko. Tapos na rin ang mga damit ko. Tatapusin ko na ang mga iba.
-
Siguro mga dalawang oras ang nakalipas. Tapos na rin ako sa pagaayos ng buong bahay. Simple lang ang pagkaayos ng bahay. Malaki siya. Pero ang weird nga lang ay ako lang ang mag-isa sa laki ng bahay na toh. Galing noh!
Ako nga pala si Kyle Patrick Spencer. Bagong lipat lang ako dito. Yun nga dahil gusto nila Mama na magaral ako ulit dito sa Pinas. So yun nga.
Binuksan ko ang laptop ko at sinearch ang school na papasukan ko. Bigla ko rin palang naalala na bukas na rin pala ako papasok.
Okay, Royal High Academy. Enter!
Woah. Ang LAKI! Binasa ko ang first article na ang Kim family ang may ari ng school na toh. Sabi rin daw na ang Kim family ang may ari ng halos lahat ng schools dito sa Pinas. Pero namatay na sila Mrs. Kim at Mr. Kim nung 14th birthday nung anak nila. Kaya raw responsibilidad na nung anak nila ang ibang schools pero dapat daw ang ingatan niyang school ay ang Royal High. Kasi yung Royal High daw ay ang pinakamain school nila at yung daw ang number one school sa Pinas. So yun nga.
Tumingin din ako sa pictures ng school. Ang dami rin palang mga activities eh. Ang gaganda ng pagkakuha nung pictures---teka by students? STUDENTS LANG ANG KUMUHA NG MGA PICTURES NA TOH?! The hell ? Ang galing ah!
May nakita akong picture , isang cherry blossom tree. Nakita ko sa pinakababa nung picture ay ang photographer. EJ_19 . President of the Photography Club. Ayos nitong lalaking toh ah---tsk. 10 pm na.
Sinara ko ang laptop ko at humiga na sa kama ko. Naalala ko tuloy yung babaeng yun! Sana nalang talaga di ko makita yun bukas. Malas nalang ako kapag nakita ko yun.
Hayst!
-
Hazel's POV
Mmmmm. WAAAAH! Good morning senyooo---eh ?!?
PATAY! Late na ako!! NOO!! Dali dali akong tumakbo papunta sa c.r at naligo.
Pagkatapos nun ay kumuha nalang ako ng damit na makikita ko. Okay! Sinuot ko ang sapatos ko at lumabas na sa kwarto.
Mag-aalmusal pa kaya ako? Wag na! KAINIS! Late na akooooo~ >______<
Sinara ko na ang pinto at nilock iyon.
Nagsimula na akong tumakbo papunta sa school.
-
Okay andito ngayon ako. Okay go Hazel! 3rd floor pa naman tong room ko!
-
"MA'AM !! Sorry late ako!" sigaw ko ng pagkapasok ko. "Hay nako Hazel. Scretary, ilagay mo siya sa late. Sa susunod na magiging late ka absent ka na every first subject okay?"
"Opo Ma'am." sabi ko at umupo na sa upuan ko.
Bigla namang may kumatok. "Dito ba ang Star Section?" boses lalaki ang narinig ko pero nakakatawa lang kasi parang narinig ko na ang boses niya eh! Di ko lang alam kung saan.
"Yes. You must be the new student. Please introduce yourself."
"Ayan na yung bagong student oh." sabi sakin ni EJ pero tumango lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/10575760-288-k999106.jpg)
BINABASA MO ANG
Boy Next Door
Teen Fiction-- Hazel Ford is a typical normal High School teenage girl--who lived in a simple life. Until the day when Kyle Spencer came.The arrogant annoying and conceited guy--who always ruins Hazel's day. Kyle went along with her circle of friends; Hazel's c...