Chapter 47: She's Back

57 2 0
                                    

Hazel's POV 

Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko habang nakatingin sa doctor. Napatingin ako sa kamay ko dahil hinawakan iyon ni Lhuna.  Binigyan niya ako ng isang ngiti. 

"Huminga ka nga ng malalim. Let's hope for the best." sabi niya. Huminga naman ako ng malalim at tinignan ulit ang doctor. "Doc, kumusta naman po ang results?" tanong ni Lhuna. Umupo ang doctor sa harapan naming dalawa at nagsalita. 

"During her operation, I was expecting na mabilisan lang ang operation, pero dahil nga sa may problem siya sa puso, it took us the whole night.." sabi nung doctor. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Tahimik lang akong nakatingin sakanya. 

"Pero doc, y-yung operation po ba, yung mga resulta po ba.." tinignan ko naman si Lhuna  at ibinalik ang tingin sa doctor. 

"Ah. Yes, the operation, well the results.. Maayos naman at maganda ang mga resulta sa operasyon, kaya lang.." 


"Eun Ji's life is probably in a 50-50 situation." nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. At napako rin ako sa kinauupuan ko. W-What? 


"It's not permanent . Pero in order to avoid this situation of hers, kailangan niyang magpahinga, she'll recover soon then her situation will slowly fade. And one more thing, you need to help her, become happy. I just don't know what makes her happy. And as her friends, it's up to you to help her with that." ngumiti ang doctor at tumayo na. 


"I'll see you soon Hazel and Lhuna. Pwede na kayong bumisita sa room ni EJ, I already allowed visitors to visit since nakalipas na ng ilang linggo." sabi niya at umalis na sa harapan naming dalawa. 


Naglakad na rin kami paalis sa may cafe dahil doon kami nagusap kasama nung doctor. 

"Sige ah! Kita kita nalang tayo sa room ni EJ bukas! Bye!" sabi ni Lhuna at umalis na. Kumaway naman ako at pumasok na sa bahay namin. 

Pagpasok ko sa bahay ay agad ko namang nakita si Hell na nasa living room na nanunuod lang. Binaba ko ang bag ko sa may sofa at tumabi sakanya. 


"Oh, kanina ka ba andito?" tanong ko habang kumuha ng chips sa bowl na hawak niya. Umiling siya at nagsalita, "Galing ako sa St. Agustin, tapos dumiretso ako sa Royal High, kumuha ako ng exam doon." sabi niya na ikinagulat ko.


"Nag-exam ka na?! Anong resulta?!" tanong ko sakanya, tinuro niya yung table sa may kusina. Agad naman akong tumakbo papunta doon. Agad ko naman nakita ang envelope ng Royal High kaya agad ko iyun binuksan at tinignan ang resluta ng exam ni Hell.



"KYAAAH!"

—-

Hells' POV


Nagulat naman ako nang marinig ko si Ate Hazel sumigaw. Agad akong tumakbo pero nagulat ako ng niyakap niya ako ng napakahigpit.


"PASOK KA NA SA ROYAL HIGH ACADEMY!" masaya niyang sinigaw sakin. Humiwalay naman ako sakanya. Kinuha niya ang exam paper ko at ipinakita iyon saakin.


Lumapit naman ako sakanya dahil ginagamit niya laptop ko. Nakita ko na nasa RHA website siya. "Tignan mo oh, sa mga ka-batch mo na kumuha ng entrace exams this year, ikaw! Ikaw lang ang nakapag-break ng record ng pinakamatalinong estudyante sa batch niyo!"  sabi niya na nakangiti pa.

Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon