Lhuna's POV
Andito kami ngayon sa hotel room inaayos ang mga gamit namin. Last day na kasi namin ngayon dito sa Baguio tas mga mamayang 4 ng hapon ay babalik na kami. Di pa nga namin naikot ang buong Baguio eh, pero di bale. Na-enjoy ko naman kahit papaano.
"Di ako nakabili ng pasalubong! Wala na akong pera, asar!" sabi ni Angeline. Tinignan ko naman siya at binatukan. "Tignan mo 'toh! Ang kuripot mo talaga! Kita ko kaya na may dala kang extra money!" sabi ko sakanya. Hinihimas naman ni Angeline ang ulo niya at nagsalita. "Eh sa naubos ko na! Tska kuripot mo mukha mo! Tsk. Ikaw tong kuripot!" sabi niya at pumunta sa banyo, kinuha siguro ang toothbrush niya.
"Ganda ng umaga natin EJ ah." sabi ko ng makita ko si EJ na kakagising pa lamang. Mga 2 pm na eh tas ngayon lang siya nagising! Di niya ako pinansin ang dumiretso sa banyo.
Luamabas na rin si Angeline kasama ang toothbrush niya. Inabot niya saakin ang toothbrush ko kaya nilagay ko na rin iyon sa bag ko.
Napatingin rin ako kay Hazel. Tulog parin siya. Haaaaay.
"Mukhang umiyak ng umiyak si Hazel." sabi ko kay Angeline habang sinara ang bag ko. Umupo naman ako sa kama ko at nilabas ang cell phone ko para tignan kung nag-message ba si Mama.
"Oh bakit saakin mo sinasabi? Di naman ako ang pumilit kay Hazel eh~ Tska di ko rin naman alam na si Kyle pala ang gusto niya---"
"Wag niyo nang pagusapan yan. Baka marinig pa ni Hazel, mas lalo pa yang masasaktan." sabi ni EJ na kakalabas lang sa banyo dala dala ang toothbrush, at twalya niya.
Na-guilty tuloy ako dahil sa pagpilit ko kay Hazel. Tsk. Pero sabagay, di ko rin naman talaga alam eh. Wala talaga ni isa saamin ang nakakaalam na si Kyle pala. Hihingi nalang ako ng sorry sakanya kapag gising niya.
"Oh ikaw, bat ngayon ka lang nagising ha? Anong oras ka ba nakarating ha?" tanong ko kay EJ. Napatigil naman siya sa pagaayos.
"Uyyy~!! May something!" sabi ni Angeline at umupo sa kama niya. "Kwento na." sabi niya. Tinignan ko naman si EJ na nilabas ang damit niya. "Wala na kayo dun." maikili niyang sabi at pumasok ulit sa banyo.
"KJ NETO!" sigaw ko at humarap ulit sa phone ko. Nag-open up lang sa Twitter. Wala namang masyadong tweets. Puro kadramahan lang ang nababasa ko.
-
Pumasok kami sa may cafeteria ng resort na kung saan andun rin sila Nigel. Nakita namin sila sa may bandang dulo ng cafeteria. Lumapit naman kaagad kami sakanila.
"Oh, natagalan ata kayo?" tanong ni Terrence saamin ng makaupo na kami sa mga vacant seats.
"Kakagising lang kasi ni Hazel." sabi ni Angeline. Pero ang totoo talaga niyan, well, yun nga kakagising lang ni Hazel tas ang bagal pa niyang maligo. So yun. Pfft.
-
Hazel's POV
Ang awkward ng atmosphere. Para saakin, pero para sakanila hindi! May kanya-kanya silang business! Si Lhuna at Nigel nanunuod sa phone. Si Angeline at Terrence nag-pipicture. Si Xander at Ella nag-uusap. Tas si EJ at Vince naglalaro sa phone nila! ARGH.
Tas ang malas, dahil nasa harapan ako ni Kyle. Alam niyo yun? AISH! Tska, bakit ko siya kakausapin? Like, hello? Umiyak kaya ako sa harapan niya, there's no way kakausapin namin ang isa't isa--
"Aray!" sigaw ko. Napatingin ako kay Kyle, tahimik siyang nakikinig sa music. Natapakan ang paa ko eh! Tinignan naman niya ako at binigyan ng isang "what-look''. Umiwas naman ako ng tingin at nag-basa nalang sa phone ko. Buti nalang di masyadong malakas yung sigaw ko. Di kasi ako napansin eh.
BINABASA MO ANG
Boy Next Door
Teen Fiction-- Hazel Ford is a typical normal High School teenage girl--who lived in a simple life. Until the day when Kyle Spencer came.The arrogant annoying and conceited guy--who always ruins Hazel's day. Kyle went along with her circle of friends; Hazel's c...