FLOWERS PART THREE

256 4 0
                                    

FLOWERS PART THREE

"ALIZA?"

Agad niya itong nilapitan at hinawakan ng mahigpit sa braso.

"What the.. Anong ibig sabihin nito?"kunot-noong sabi niya.

Noong una ay napansin niya ang pamumutla ng kapatid niya marahil dahil sa hindi nito inaasahan na makikita niya itong kasama si Vaughn. Sumagot ito sa tanong ngunit di makatingin sa kanya ng diretso.

"Ate, hinatid lang ako ni Vaughn.."sabi nito sa kanya.

Lalong nagsalubong ang kilay niya sa narinig mula dito.

"Hinatid ka? Why? And where's your car?"

"Ate-"

"Nasiraan po si Ali kanina, Ate Jullie. Kaya hinatid ko na lang po siya."singit ni Vaughn sa usapan nila ng kapatid niya.

Tinaasan lang niya ito ng kilay at binaling agad ang atensyon kay Aliza. Alam ng kapatid niya kung gaano niya itong pinagbabawalan na sumakay o umangkas sa motor sapagkat delikado.

"Nasiraan? Dapat nagtaxi ka na lang. Alam mo bang maaari kang madisgrasya sa ginawa mo, Aliza?"

Yumuko lang ang kapatid niya at hindi kumibo sa tinuran niya. Ramdam din siguro nito ang inis at pagkabugnot niya dito ng mga oras na yun kaya di na rin nito gustong makipag-argumento.

"Maingat naman po akong magdrive ng motor lalo pa't may angkas po ako, Ate Jullie."muling nagsalita si Vaughn.

Sa pagkakataong iyon ay inis na binalingan niya ito. Katulad niya, seryoso din ang ekspresyon ng mukha nito. Kanina pa siya nagtataka kung bakit magkasama ang dalawa ng mga oras na yun. Ang alam kasi niya ay magkaiba ng university na pinapasukan ang mga ito at iba rin ang level nito sa college. She didn't even have an idea na close pala ang dalawa knowing na di maganda ang status ng relasyon niya sa kapatid ni Vaughn. Alam niyang alam ni Aliza kung gaano siya galit kay Didrey.

"I'm not talking to you, Mr. Perez. Kapatid ko ang tinatanong ko and it's not you."

"Sorry po, Ate Jullie. Sinasabi ko lang po ang totoo."

Lalo siyang nakaramdam ng pagkabugnot dito. Idagdag pa ang pagod at stress na nangyari ng araw na iyon sa kanya.

"Yeah, right. Salamat sa paghatid mo sa kapatid ko. But next time, ayoko ng makikitang inaangkas mo siya dyan sa motor mo. Maliwanag ba?"madiing sabi niya kay Vaughn.

Hindi ito sumagot sa sinabi niya bagkus ay tumingin lang ito kay Aliza na nakayuko pa din ng mga oras na iyon. Napansin niyang puno ng concern ang mata nito para sa kapatid niya.

Meron ba siyang hindi alam sa nangyayari sa dalawa? O mas tamang sabihin na may namamagitan kina Vaughn at Aliza?

Napilig niya ang ulo. Hindi niya nagugustuhan ang tinatakbo ng isip niya. At lalong hindi pwedeng magkaroon ng kaugnayan si Aliza sa kahit na anong koneksyon kay Didrey James Perez.

"Do you understand me, Mr. Perez?"untag niya dito.

Tumango lang ito sa kanya. Kinuha nito ang helmet na hawak-hawak pa ng kapatid niya.

"Bye."bulong nito kay Aliza. Tuloy-tuloy itong sumakay sa motor nito at pinatakbo.

"Let's go inside, Aliza."malamig na sabi niya dito.

"Ate.."

"I said let's go inside. And we need to talk."

Hindi na niya hinintay na sumagot ito. Tumalikod na agad siya at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay nila.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon