CHAPTER SEVENTEEN ~decision~part one

247 8 5
                                    

"HERE, drink this."

Napatingin siya sa juice in can na inabot sa kanya ni Didrey. Ilang segundo muna niya iyong tinitigan bago magpasyang abutin.

Pagkatapos kasi ng pagsugod niya kani-kanila lang kay Paul ay dinala siya nito sa waiting area ng hospital. Di na rin siya tumutol sa ginawa ni Didrey. Mas mabuti kasing dh muna niya makita si Paul at baka hindi lang sampal ang magawa niya dito.

Napahawak siya sa noo niya. Feeling niya ng mga oras na iyon ay pasan na niya ang lahat ng problema sa mundo.

"She will be alright, Jullie. Matapang si Camille. Alam kong malalagpasan niya ito."

Naramdaman niya ang pagtabi nito sa kanya. Hindi parin siya kumibo. Natatakot siyang kapag nagsalita kasi siya ay baka bigla na lamang siyang umiyak. Punung-puno kasi ng emosyon ang puso niya. Di kayang tanggapin ng isip niya na ang dalawang tao na mahalaga sa kanya ay nasa panganib ang buhay.

"Jullie.."

Doon lang niya ito nilingon. Bakas sa gwapong mukha nito ang concern sa kanya. Then she started to talk.

"What happened to her?"she murmured.

Agad niyang binawi ang tingin dito. Pakiramdam niya kasi ay lalo siyang nanghihina. Napakalakas pa din ng epekto nito sa kanya na pilit niyang nilalabanan.

"Like what Francis said, na hit and run si Camille. In front of Paul's house. Di namin alam ang buong pangyayari. Kanina lang din namin nalaman."

Mariin siyang napapikit sa narinig. Sa totoo lang, kay Camille niya gustong magalit. Maraming ulit na niyang sinabi dito na huwag nang ipagpilitan ang sarili kay Paul. Ngunit sadyamg napakatigas ng ulo nito.

Buong akala pa naman niya ay tuluyan na nitong iiwasan si Paul pagkatapos nang nangyaring kidnapping scene sa pagitan nila. Talaga yatang nagiging suwail at tanga ang isang tao pagdating sa pag-ibig.

"Nahuli ba ang nakasagasa sa kanya?"

"Dexter is working on it. We'll make sure na mahuhuli ang may gawa nito kay Camille."

Nagpakawala siya ng isang malalim na hinhnga bago magsalitang muli.

"Hindi ko na alam kung anong iisipin ko sa lahat nang nangyayaring ito."

"Hindi mo naman kailangan mag-isip. You just have to accept and face it."

Binuksan niya ang juice in can ngunit imbes na inumin ay tinitigan lang niya iyon.

"Didrey.."sambit niya.

"Yeah?"

"Can I ask you something?"

Mataman siya nitong tinitigan bago kumibo.

"Sure. Spill it out."

And without even thinking, sinabi na niya ang gusto niyang itanong dito.

"Are you really still in love with me?"

Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang itanong ang bagay na iyon. Ngunit kusang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig niya. Iyon din kasi ang unang pag-uusap nila nito nang di nagsisigawan at nagbabangayan. Siguro, she just misses the old times. Nung mga panahon na in love sila sa isa't isa.

"I never stop loving you, Jullie. You know that."

Sa narinig na sagot nito ay hindi siya nakakibo agad. Nasabi na nito ang mga katagang iyon sa kanya kahapon pero di pa rin nawawala ang epektong yun sa kanya. Ramdam pa din niya ang malakas na pagtibok ng puso niya.

Aaminin niya. Natatakot siya.

Pero sa nakalipas na ilang taon ay nasanay na siya sa sakit na dulot ng pagkawala nito sa buhay niya. And she got used to it.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon