CHAPTER THREE

221 3 0
                                    

SUBSOB siya sa pagbabasa ng reports ng may magpop-up na message sa email niya. Nang mapagsino ang sender ay mabilis niya inopen at binasa. 

Galing kay Red ang mensahe. Red ang pinangalan niya sapagkat hindi niya alam kung sino ito. Lagi kasing red color ang ginagamit nito sa pag-email sa kanya.

Bigla na lang kasi itong nagmessage sa kanya. Noong una ay mga quotes and sayings ang pinapadala nito hanggang sa nagtanong ito kung pwede ba silang maging magkaibigan kahit thru email lang. At first, hesitant siya na tanggapin ang inaalok nitong friendship. Ngunit hindi din niya napigilan ang sarili hanggang sa sagutin niya ang mga emails nito. 

Kapag may pinagdadaanan siyang problema, mapapamilya o negosyo man, ay nagagawa niyang iconfide dito. Hindi naman siya nabigo sapagkat helpful talaga ang mga advises and comments nito lalo na sa negosyo. Aaminin niyang naging malaki na rin ang role nito sa buhay niya. 

Bakit nga ba hindi? Bukod sa negosyo at pag-aalaga sa kapatid niya ay wala siyang matatawag na lovelife. 

Natawa siya ng pagak. Mukhang sa kanyang umepekto ang sumpa niya na dapat ay kay DJ. 

Inalis niya sa isipan si DJ at nag-concentrate sa pagbabasa ng email ni Red.

Halos ilang months na rin niya ito ka-email ngunit kahit kailan ay hindi ito nag-open kung magkikita ba sila. Siguro, talagang hanggang pagiging cyber friends lang talaga sila nito.

Maikli lang naman ang email nito sa kanya na nangangamusta lang. Ikinuwento din nito kung gaano ito kabusy sa work. Magtatype na sana siya ng reply dito ng makarinig siya ng mahinang pagkatok sa pinto.

"Come in."

Bumungad sa kanya si Aliza na may dala-dalang tray. Awtomatikong napangiti siya ng masilayan ang kapatid. 

"I'm sure hindi ka pa nagdidinner kaya dinalan na kita ng food dito."

"Thanks, Ali. Tama ka, hindi pa nga ako nagdidinner. You know why? I'm waiting for you kasi. Alam mo namang ayaw kong kumain ng walang kasabay."

Lumapit ito sa kanya at naglalambing na kumapit sa braso niya.

"Busy kasi kami this past few weeks, Ate. Midterm na namin tapos ang dami pang case studies."

"Yeah, I know. Kaya nga hinihintay talaga kita bago ako kumain eh."

Ngumiti lang ito sa kanya at inayos na ang mga pagkain sa table.

"Dapat masanay ka nang hindi ako kasabay kumain."

"I don't think so, Ali. That will never happened."

"Ate.."

Tinignan lang niya ito at nginitian.

"You should promise me na kahit may asawa ka na, dito kayo sa bahay natin titira."

"No way! Saka matagal pa bago ako mag-asawa. Dapat ikaw muna."

Napasimangot siya sa narinig. "Okey ka lang? Wala akong lovelife."

"Paano ka naman kasi magkakaboyfriend kung alam mo lang na lugar ay apat na sulok ng office mo, isama mo na rin ang garden at itong study room. Sa tingin mo ba makakakita ng lalaki dito?"

Nilunok muna niya ang pagkain na nginunguya bago sumagot dito.

"You know naman na hindi ko pwedeng maiwan basta-basta ang salon, Aliza. We can't afford to lose it. And besides, masaya naman ako sa ginagawa ko eh."

"Hello, Ate? Anong masaya ang sinasabi mo dyan. Saka, ilang taon ka na ba ulit? Twenty four?"

"Twenty five." pagtatama niya dito.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon