~flowers~part two

171 4 1
                                    

A/N : Hello, mga dyosas!! ;))) Eto po ulit ang update ko. Oh well, gaya ng sabi ko magconcentrate na ko kina DJ at Jullie pati narin kina Ali and Vaughn. Sa tantya ko eh aabot ng thirty chapters ang book one ng hermoso evenue. Oh sya, ang daldal ko na daw. Enjoy reading!;)

"THANKS, BABE! Ang sarap talaga ng pumpkin soup mo. The best!"sabi niya kay Vaughn habang nakathumb sign pa sabay muling higop ng soup.

Narinig niya mahinang pagtawa nito. "Ikaw talaga kung makapuri parang ako ang nagluto niyan. Binili ko lang po iyan sa restaurant at kinulit ang mga chef dun na ipagluto ka ng pumpkin soup."

Ikinumpas niya ang kamay bilang pagtutol sa sinabi ng kasintahan. "Kahit na. Hindi importante sakin kung sino ang nagluto, ang mahalaga galing ito sa taong pinakaimportante sa buhay ko."

"Sus, nambola pa ang baby ko."sabi nito sa pagitan ng paghaplos sa pisngi niya.

"Hindi kaya kita binobola. Talagang masarap naman kasi ang pumpkin soup mo."hinawakan niya ang kamay nito na nasa pisngi niya at buong pagmamahal na tinitigan si Vaughn. "Saka sa flowers. Thank you din. Pinasaya mo ko ng husto, babe."

"Gagawin ko lahat para mapasaya ang babaeng pinakamamahal ko. At gusto ko, dapat lagi ko siyang napapangiti."seryosong sabi nito.

"Simula ng makilala kita, Vaughn, you never failed to make me smile. Isipin palang kita sa umaga, napapangiti mo na ko. Vaughn, maswerte ako kasi minahal mo ako."mahinang sambit niya.

Ilang sandali pa ay naramdaman na niya na unti-unting namumuo ang luha sa mga mata niya. Ayaw man niyang makita siyang umiiyak nito ay di na niya mapigilan ang sarili niya. Masyado na kasi niyang kinikimkim ang lahat sa dibdib niya. Kaya gusto sana niya ay malabas niya kahit sandali ang nararamdaman niyang hapdi.

Pinunasan ni Vaughn ang luhang umagos na pala sa pisngi niya.

"No, Ali. Ako ang maswerte kasi binigyan mo ko ng pagkakataong ipadama ang pagmamahal ko sayo. Baby, I'm telling you this. Ikaw lang ang tanging babae na mamahalin ko ng husto."

Sa sinabi nito ay lalong hindi naampat ang luha sa mga mata niya kaya isinubsob na lamang niya ang mukha sa dibdib nito.

"Bakit ang drama natin ngayon?"sabi niya sa pagitan ng paghikbi.

Naramdaman niya ang mahinang paghaplos nito sa likuran niya. "Ikaw lang naman ang madrama dyan."kunway nang-aasar na sabi nito.

Kumalas siya sa pagkakayakap kay Vaughn at pinunasan ang luha sa pisngi niya. "Tama na nga ang drama. Hindi naman tayo artista eh."

"Anong hindi? Mukha kaya tayong mga artista. Maganda ka, pogi ako at hearthrob pa ng campus. Pang-model pa ng bench ang tindig. San ka pa?"

Napahagikgik siya sa tinuran ni Vaughn lalo nang magpose ito na parang mga male model ng bench.

"Babe, hindi ka kaya pwedeng model ng bench."

"At bakit hindi? Aba, swerte nila sakin kapag kinuha nila akong model. Gwapo na, talentado pa."

"May bilbil ka kaya! Lakas-lakas mo kasing kumain eh. Takaw mo pa sa ice cream!"pang-aasar pa niya dito.

Totoong malakas itong kumain ngunit di totoo na may bilbil ito. Sa katunayan, napaganda ng pangangatawan ng boyfriend niya. Halatang alagang alaga nito ang katawan. Paniguradong papasa itong model ng bench.

"What? Ako may bilbil?"

"Oo kaya." Sinundot-sundot niya ang tyan nito na matigas. "Ayan oh. Bilbil! Bilbil!"patuloy na pang-aasar niya dito.

Ngumisi lang ito sa kanya ngunit maya-maya ay hinawakan nito ang tshirt at dahan-dahang itinaas.

"H-hoy.. ano yan? Anong gagawin mo?"nanlalaki ang matang sabi niya.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon