CHAPTER 21 - A DATE TO REMEMBER (PART TWO)

282 4 2
                                    

"CHOCOLATE OR COOKIES AND CREAM?"tanong ni Vaughn sa kanya.

"I want strawberry."sa halip ay sabi niya.

Pumunta sila sa isang ice cream store pagkatapos nilang manood ng sine. Kahit na isang simpleng date lang ang nangyari sa kanila, masaya pa din siya sapagkat magkasama sila ni Vaughn. Walang minuto na hindi siya ngumingiti kapag kasama niya ito. 

Lalo pa't hindi talaga nito binibitawan ang kamay niya.

"Ahh. Chocolate flavor."

Kunot-noong tinapunan niya ito ng tingin. "No. I said strawberry ang gusto ko."

"Baby, hindi ka ba nagsasawa sa flavor na yan? You should try different flavors naman,"suhestyon pa nito.

Napalabi siya."But I want strawberry eh."

He smirked at her. "Sure, why not? Ibibili kitang strawberry ice cream but in one condition."

Binigyan niya ito ng isang nagdududang tingin. Sinasabi na nga ba niya't may pakulo na naman ang isang isang ito. 

"At ano naman iyon, aber?"

Lalong lumapad ang pagkakangisi nito sa kanya. Itinaas nito ang kamay nila na magkahawak pa din.

"Bitawan mo muna ang kamay ko."

Sa sinabi nito ay pinanlakihan niya ito ng mata. Sinasabi na nga ba niya't may naiisip na naman itong kalokohan.

"No way! Hindi mo ako mauuto. At lalong hindi mo ako matatalo sa pustahan. I'm gonna make sure na ikaw ang unang susuko."

Nagkibit balikat ito. "Chocolate flavor ang ice cream mo ngayon."

Napalabi siya. Gusto niya ng strawberry flavor at ayaw niya ng iba. Mahilig kasi siya sa strawberry at alam na alam nito ang bagay na iyon. At dahil nga mautak talaga ang lalaking ito, dinadaan nito ang lahat sa mga weaknesses niya lalo na sa pagkain.

Napalunok siya ng masilayan ang paborito niyang strawberry ice cream na ngayon ay kinakain ng batang babae na malapit sa kinaroroonan nila.

Tumingin siya kay Vaughn at pinapungay niya ang mga mata niya.

"Okey. Chocolate flavor then."sabi niya na mas lalong pinalungkot ang boses niya.

Narinig niya ang pagbati ng cashier sa kanila at tinanong kung anong flavor ng ice cream ang order nila. 

"Two strawberry ice cream flavor."

Awtomatikong napalingon siya kay Vaughn pagkarinig sa sinabi nito. Ngumiti ito sa kanya ng matamis. 

"Alam kong weakness mo ang strawberry, Ali. Pero mas alam mo na ikaw ang weakness ko."

Kumislap ang mga mata niya sa sinabi nito. "I know, Vaughn."

Pinisil nito ang kamay niya. "I love you, baby."

Sasagot sana siya ngunit narinig niya ang malakas na pagtikhim ng cashier sa kanila. "Here's your order, sir, mam."

Natatawa padin silang dalawa hanggang sa makaupo sila. At dahil magkahawak pa din ang mga kamay nila ay minabuti nalang nilang umupo na magkatabi. 

"Yum, yum."sabi niya sa unang subo ng paborito niyang ice cream. "Goodness, bakit ba ang sarap ng strawberry flavor?"wala sa sariling sabi niya,

"Hmm.. because it's color pink? And you loved that color."

"Yeah. I loved everything na may kaugnay sa pink. Its that a sin?"

"No, baby. But ice cream is definitely a sin. You may get fat by that."

Binunggo niya ang balikat nito."So, kapag tumaba ako dahil sa pagkain ng strawberry ice cream iiwan mo na ako?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon