CHAPTER 20

139 3 0
                                    

HALOS isubsob na niya ang mukha sa likod ni Didrey. Sa sobrang bilis kasi ng pagpapatakbo nito ay parang hinahabol na nila si Kamatayan. Gustuhin man niyang ipahinto ang motor dito ngunit hindi niya magawa. Natatakot kasi siyang baka mahulog siya sa motor sa kaunting kilos kaya mahigpit dhn ang pagkakahawak niya sa beywang nito.

Nanggigigil man siya sa lalaking ito ngunit pilit niya pinipigilian ang sarili. Pero once na huminto ito sa pagpapatakbo ay humanda ito sa kanya! Talagang masusubukan nito ang galit niya.

Ilang minuto din silang tumatakbo nang walamjg kaabog-abog na inihinto nito ang motor. Ilang segundo din niyang hinamig ang sarili. Nang makahuma ay inis na bumaba siya ng motor at timanggal ang suot na helmet.

"It's not, Jullie."

"Anong hindi? This is kidnapping! At pwede kitang kasuhan dahil dyan!"

"I just wanted to talk to you.."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula dito.

"Talk to me? Shit, Didrey! Halos parang mamamatay na ko dyan sa bilis ng pagpapatakbo mo para lang makausap ako?!"tungayaw niya.

Sa sobrang panggigigil niya ay malakas na hinampas niya ito sa braso. Hanggang ngayon kasi ay ramdam niya ang panginginig ng tuhod niya sa sobrang nerbyos kanina habang nakaangkas dito.

"Nagpapakamatay ka ba? Kung oo, huwag kang magdamay! Solohin mo nalang!"

Narinig niya ang malalim na buntong-hininga nito.

"I'm sorry kung natakot ka. Gusto ko lang na magkausap tayo ng masinsinan."

"I hate you."

"I know. Kaya nga ginagawa ko ang lahat ng kagaguhang ito para sayo.."

Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. Base sa ekspresyon ng mukha ni Didrey ay nagsasabi ito ng totoo.

Ilang araw na ba niya itong hindi nakikita? Simula ng naging pag-uusap nila sa hospital ay di na muli itong nagpakita pa sa kanya.

Bumaba ito sa motor at nilapitan siya.

"Can we talk?"tanong nito habang pilit na hinuhuli ang mata niya.

"We're talking now, Didrey.."paiwas na sabi niya.

Hindi niya kayang tignan ang mga mata nito. Para kasing may nakikita siyang kirot at sakit mula doon.

At natatakot siya sa kung anuman ang mararamdaman niya.

"That's not what I mean, Jullie. Gusto kong mag-usap tayo. Tungkol satin..'

Hinuli nito ang kamay niya at pilit na hinawakan1

"Jullie, I love you. You know that I never stopped loving you. Bakit ba parang ang hirap paniwalaan niyon? Nagsisisi na ako kung bakit kita nasaktan. That I've taken you for granted. Pero please, give me another chance. Bumalik ka na sakin. I'll do everything for you, everything. Basta akin ka na lang uli .."pagsusumamo nito.

"Didrey.."nalilitong sambit niya.

Kitang-kita niya sa mga mata nito ang labis na pagsusumamo sa kanya. 

Hanggang ngayon mahal pa rin siya ni Didrey? Maaaring nagsasabi ito ng totoo pero iba na ang sitwasyon nila ngayon. Parang gusto na niyang paniwalaan ang lahat ng mga sinasabi nito sa kanya. 

Pinilig niya ang ulo. 

Si Brent. Si Brent na handang gawin ang lahat para lang sa kanya. At hindi niya kayang masaktan ito,

Hindi niya kaya..

"Please, Jullie. Come back to me. Love me again.."

Mas lalo nitong hinigphtan ang pagkakahawak sa kamay niya.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon