~The Kidnapper~ Part Two

184 5 5
                                    

A/N: Sorray. Now lang nagkatime makapag-update.;)

"WHAT the hell happening, Didrey? Bakit napunta si Paul sa bahay namin sa Batangas? And kung totoo nga ang sinabi mo na kinidnap siya it means na nasa delikadong sitwasyon din si Camille?" hindi mapakaling sabi niya.

Ilang oras na sin kasi silang bumabyahe papunta sa vacation house nila sa batangas at ilang oras na din niyang kinukulit si Didrey na magkwento talaga kung ano na ang sitwasyon nila Paul. Pero hindi siya nito sinasagot bagkus ay seryoso lang itong nagmamaneho.

"God! What if.. what if may nangyari ng masama sa kanila? Kay Camille?" nanlalatang sabi niya.

Isipin pa lang na may nangyari ng masama sa kaibigan ay parang nanghihina na agad siya.

Dito na siya binalingan ni Didrey at matamang tinignan. "Relax, Jullie. Walang mangyayaring masama sa kanila ni Paul. Okey? Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi yan makakatulong sa sitwasyon ngayon."

Awtomatikong naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Sa tingin mo may naitutulong ka, DJ?" sarkastikong sabi niya dito.

"Yeah, masasabi kong may naitulong ako sa paghahanap kay Paul. How about you? Mas inuna mo pa makipagdate dun sa walang dugong iyon!"

"What are you talking about? At sino ang tinutukoy mong walang dugo? Are you nuts?" naasar ng sabi niya.

"Don't deny it. Nakita ko kayo kanina. At may holding hands na agad."

"So? Ano naman sayo?"

Sigurado siyang si Brent ang tinutukoy nito.

"Hindi kayo bagay." mariing sabi nito.

Napansin niyang pumuputi ang kamao nito sa paghawak ng manibela. Siguro dahil sa napapahigpit ang pagkapit nito.

"Who told you na hindi kami bagay? Ikaw?" nakataas na kilay na sabi niya. "You're funny, Didrey. Very funny. Saka bakit ba nasali sa usapan natin si Brent dito? We're talking about Paul and Camille here. Hindi ko na alam kung ano ng nangyayari sa kaibigan ko. Kaya please, sabihin mo na agad kung ano ang nalalaman mo. "

Ang akala niya ay hindi na naman nito sasagutin ang tanong niya. Ngunit maya-maya ay nagsalita na ito.

"Kinidnap ni Camille si Paul." maikling sabi nito.

Sa narinig ay parang nanlaki ang ulo niya. Parang ayaw i-absorb ng utak niya ang sinabi nito ngayon lang.

"That.." mariin siyang napapikit. "That's imposible, Didrey! Hindi kayang gawin ni Camille ang sinasabi mo!"

Saglit lang siya nitong tinapunan ng tingin at binalik agad ang atensyon sa pagmamaneho.

"Well, Ms. Jullie Alegre. Nagawa na niya at nagtagumpay siya."

Umiling-iling siya. Hindi pa din makapaniwala na magagawa ng kaibigan ang ganoong klaseng bagay. Alam niyang mahal nito si Paul pero out of the line na ang ginawa nitong hakbang.

"That's ridiculous! I know she can't do that thing! Baka.. Baka nagkamali lang kayo.."

Ito naman ang umiling-iling. "I'm sorry. Pero iyon ang totoo."

Nanghihinang napasandal na lamang siya sa upuan hawak ang noo. Kaya pala bigla na lang nito hiniram ang bahay nila sa batangas. At hindi rin niya ito nakita sa buong durasyon ng party ni Travis kagabi. Kaya pala. Alam na niya ang dahilan.

"Shit. Shit, Camille. What have you done?" mahinang usal niya sa sarili.

Until now, she couldn't believe that Camille step that low for Paul. Ganito na ba talaga ito mabaliw sa lalaki? Na kahit maging kriminal ito ay magagawa nito para lang makuha lang ang puso ni Paul?

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon