CHAPTER FOUR

223 3 0
                                    

NAPAPAILING na lang siya habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Jullie. Hanggang ngayon ay wala pa din pinagbago ito. Masyado pa ding mainitin ang ulo at masungit pagdating sa kanya.

Mukhang wrong move yata ang nasabi niya dito kanina kaya nagwala na naman ito sa galit. Ano bang masama sa sinabi niya? Totoo naman na napakababaero ni Yasser at kahit kailan ay hindi ito magseseryoso sa babae.

Nilabas niya ang cellphone at dinial ang number ni Francis. 

"DJ! What's up? Napatawag ka?" agad na bungad nito sa kanya.

"I need a ride, Francis."

"Why? Anong nangyari sa kotse mo?"

"Saka ka na lang magtanong kapag nasundo mo na ako."

Sinabi niya ang lugar kung saan siya nito pupuntahan. Hindi naman nagtagal ay humimpil na ang sasakyan nito sa tapat niya.

"Thanks, pare." agad na sabi niya pagkaupo.

"Ano ba kasi nangyari sa kotse mo?"

"Flat tire. Hindi ko napansin bago umalis ng bahay kanina."

"Buti papunta pa lang ako sa meeting place natin."

Tinawagan kasi silang lahat ni Travis na magkita-kita sa isang sikat na cafe sa Makati. Alam na niyang tungkol lang sa gaganaping party nito ang pag-uusapan ng grupo. 

"Nasa cafe na sina Yasser at Paul. Actually, kanina pa nila tayo hinihintay at mukhang nagkakasiyahan na sila dun." ani ni Francis.

"Yeah. Balita ko din na engaged na si Paul kay Yohanne."

"Mukhang si Paul ang unang mamalasin satin ha. Biruin mo, magagawa niyang iwanan ang pagiging single?" naiiling na wika nito.

"Well, ganyan talaga kapag inlove."

Binigyan siya ni Francis ng isang nakakalokong tingin.

"Ikaw ba talaga ang nagsasalita, DJ? Baka kulang ka lang sa tulog, pare."

"Shut up, Francis. Ang mabuti pa bilisan mo na lang ang pagmamaneho,marami pa kong dapat gawin."

Napapalatak ito sa sinabi niya. "Teka ka nga lang, baka nakakalimutan mo nang masyado ng malaki ang business mo. Relax ka lang, pare. Hindi ka pa maghihirap bukas."

Tama si Francis. Hindi basta-basta babagsak ng isang iglap ang Perez Industries na pinatatag niya ng ilang taon na pamumuno bilang presidente.

Maya-maya lang nasa isang sikat na cafe na sila kung saan paborito nilang tambayan kapag may oras sila. Naabutan na nila doon sina Paul, Kenesis, Dexter at Nico. Halos lahat ng tao na nasa loob at labas ng cafe ay nasa kanila ang atensyon. Bakit nga ba hindi? Agaw-pansin ang itsura nila. 

"Oh, ayan na pala sina DJ at Francis!" naring niyang anunsyo ni Nico sa grupo.

Nagbatian muna sila bago tuluyang umupo sa mesang okupado ng grupo.

"Nasaan na ang may pasimuno nito?" tanong niya na ang tinutukoy ay si Travis.

"Wala pa. Alam mo naman yun, gusto laging grand entrance." sagot ni Dexter.

"Balita ko may bagong girl si Travis?" si Paul.

"Ano bang bago sa lalaking iyon? Weekly kaya nagpapalapit ng girlfriend yun." ani ni Dexter.

"I heard na parang si Karla Legazpi yung flavor of the week niya."

"Karla Legazpi? Yung international model?"

Sabay pang napa-wow sina Francis at Kenesis ng makilala ang tinutukoy ni Paul.

Nasa mainit na pagtatalo ang grupo ng sumulpot na sa eksena sina Yasser at siyempre pa ang kanina pa nila pinag-uusapan, si Travis.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon