Chapter Ten ~THE TRUTH~

177 3 2
                                    

A/N :Ekk!! Tagal ng update.. may pinagdadaanan lang kasi ako na mabigat na problema. Oh eto na.. enjoy reading.. ;)

ILANG beses man niyang  paulit-ulit na basahin ang sales report ng bawat branches ng salon niya na nasa desk niya ay wala pa din siyang maintindihan. Walang pumapasok na impormasyon sa utak niya ng mga oras na yun.

Sinapo niya ang noo. Kanina pa din kasi sumasakit ang ulo niya. Hindi naman naparami ang nainom niya sa party ni Travis kagabi. Talaga lang napuyat lang siya ng husto sa kakaisip.

Nagpasya siyang tumayo at dumungaw sa glass wall ng office niya kung saan kitang-kita niya ang mga customers nila. Sumilay ang isang tipid na ngiti sa labi niya. At least, kitang-kita niya ang bunga ng mga pagsisikap at pagsasakripisyo niya. She gave up her studies just to manage their family business. Kailangan niyang gawin yun para sa ikabubuti nilang magkapatid, para kay Aliza.

Masaya siya sa mga nanyayari sa kanilang dalawa ng kapatid niya. Ilang taon nalang din kasi ay makakatapos na ito ng college. At alam niyang kapag nangyari ang bagay na yun ay siya ang unang magiging masaya para dito.

Maya-maya ay nagring ang intercom niya. Sigurado siyang ang kanyang secretary iyon.

"Yes? " sagot niya pagkaangat ng phone.

"Hi, Mam Jullie. Mr. Perez is on the line four. He wants to talk to you, Mam."

Napakanuot-noo siya sa narinig.

Nasa phone si Didrey? Pero bakit?

"A-ano daw ang kailangan niya?"

"He wants to talk to you regarding business matters. Would you like to take the call, Mam?"

Saglit siyang nag-isip. Business matters? Gusto siyang kausapin nito tungkol sa negosyo? Napailing siya. Hindi siya naniniwalang yun nga ang sadya sa kanya ni DJ.

"Mam? If you want, I can tell Mr. Perez na busy po kayo and you can't take his call." untag sa kanya ng secretary niya ng hindi pa din siya kumikibo.

"I'll talk to him." agad na sabi niya.

Ilang sandali pa ay narinig na niya ang boses nito sa kabilang linya.

"Jullie.."

Naramdaman niya ang pagkabog ng dibdib niya. Simula ng party ni Travis ay sinisimulan na naman nito na guluhin ang isip niya. At ang halik na pinagsaluhan nila kagabi. Ang halik na buong magdamag siyang hindi pinatulog.

"Mr. Perez, napatawag ka?" pormal na sabi niya.

Kailangang hindi niya ipahalata na masyado siyang apektado dito na kahit sa phone lang ay natataranta na agad siya kapag kausap niya ang binata.

"Naistorbo ka kita?"

"Obviously, Mr. Perez. Masyado akong maraming ginagawa ngayon. Sabi ng secretary ko na gusto mo daw akong makausap regarding business matters. What it is?"

Narinig niya ang buntong-hininga nito. "I lied. "

Hindi siya nakaimik sa tinuran ni DJ.

"I just want to talk to you, Jullie. I want to hear your voice."

"Look, kung wala ka nang mahalagang sasabihin-"

"I love you. Mahal kita, Jullie. Yun ang importante kong sasabihin."

Nahigit niya ang paghinga sa narinig mula dito.

"Didrey-"

"Let's meet."

"A-ano?"

"I said magkita tayo. Marami tayong dapat na pag-usapan."

Nadiin ang hawak niya sa telepono. Ano pa bang dapat nilang pag-usapan? Ang nakaraan nilang dalawa? Kung paano siya nito niloko?

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon