PROLOGUE

325 4 1
                                    

PADABOG na nilapag ni Jullie ang cellphone sa table. Halos mag-iisang oras na siyang naghihintay sa coffee shop pero wala pa ding Didrey James na lumilitaw.

Muli niyang pinulot ang cellphone at nanggigigil na nagtext.

'ANO? KONTI NA LANG ILILIBING NA KO WALA KA PA!'

Sinadya niyang nakabold lahat ng letra para malaman nitong galit na talaga siya.

First year highschool palang ay naging sila na ni DJ. Wala naman problema sa part ng mga parents nila sapagkat malaki ang tiwala ng mga ito sa kanilang dalawa ng binata. Lalo na kay DJ na siyang inaasahan na magmanage ng mga business ng pamilya nito at ganoon din sa kanya bilang panganay na anak.

Nag-count down siya sa isip. Sa loob ng five minutes at wala pang DJ na nagpaparamdam sa kanya ay sasadyain na niya ito sa school nito. This day is their first year anniversary kaya para sa kanya ay nakapaespesyal ang araw na ito.

Nang matapos ang five minutes self count down niya ay padabog siyang tumayo mula sa kinauupan at dumeretso palabas ng coffee shop. Ilang metro lang naman ang layo ng school ni DJ kaya kayang lakarin.

Hindi siya nahirapang makapasok sa campus, kilala na kasi siya ng guard doon. Eksaktong pagpasok niya ay nakasalubong niya ang isa sa barkada nito na si Yasser.

"Yasser!" tawag niya dito na may kasamang sutsot.

Napakamot ito ng ulo ng lumapit sa kanya.

"Grabe ka talaga, Jullie. Parang pumangit yata bigla pangalan ko sa paraan ng pagtawag mo."

Inirapan lang niya ito. "Nasaan ang lalaking yun?"

"Lalaki? Maraming lalaki dito. Ngayon mo lang ba nalaman na exclusive for boys itong school?"

Pinanlakihan niya ito ng mata.

"You know what I mean, Yasser. Nasan si Didrey James?"

"Ha? Naku, hindi ko alam. Wala talaga akong alam." umiiling na sabi nito

Binigyan niya ito ng nagdududang tingin.

"You know what, Yasser? Nakakapangit ang pagsisinungaling and take note, mamalasin ka pa sa babae."

Umiling-iling pa din ito. Mukhang hindi tumatalab ang pananakot niya dito. Tinignan niya ang babae na halatang naghihintay dito.

"Sino yun? Second girlfriend mo? O third?"

"Hindi,ah! Friend ko lang yan."

"Ah friend. Sige dahil friend mo siya ibig sabihin friend ko din siya kaya sasabihin ko sa kanya na may girlfriend ka talaga."

Nag-umpisa siyang lumapit sa babae ngunit pinigilan siya nito.

"Okey, fine! Nasa science laboratory siya kasami si Myra."

Dali-daling umalis ito hila ang babae. Malamang ay ayaw nitong madamay sa pagwawala niya. Salubong ang kilay na pumunta siya sa laboratory na tinutukoy ni Yasser. Kilala niya ang Myra na iyon at alam niya ang hilatsa ng mukha nito. Punong-puno ng kalandian ang dugo ng babaeng iyon.

Nang makarating siya sa tapat ng laboratory ay agad niyang binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya sa naabutang eksena.

Nakikipaghalikan si Dridey James kay Myra!

Para siyang sinipa ng ilang beses sa nakita.

"J-jullie.."

Tatalikod na lang sana siya ngunit biglang nagbago ang isip niya. Para siyang sinapian ng masamang ispirito ng mga oras na iyon. Dumeretso siya kay DJ at walang kaabog-abog na sinuntok niya ito sa mukha.

"Walanghiya kang lalaki ka! Kaya pala hindi ka makasipot-sipot sa usapan natin kasi nakikipaglandian ka dito sa hindot na babaeng ito!"

"Excuse me, hindi ako hindot!"

"Oo kasi pokpok ka! Bitch!" sabi niya habang dinuro-duro niya si Myra.

Akmang susugurin siya nito ngunit inunahan niya ito, sinampal niya ito ng dalawang beses na halatang kinashocked nito.

"Jullie, that's enough!"

"Anong enough ang sinasabi mo dyan? Eh gago ka din pala eh. Ako ang niloko mo tapos sasabihin mo sakin enough?"

"That's not what you think! I can explain everything-"

Hindi na niya pinatapos ang sinasabi nito sapagkat binato niya ang may kalakihang box na dapat ay regalo niya dito sa anniversary nila.

"Huwag na huwag mong ipapakita sakin kahit na anino mo kung gusto mo pang masinagan ng araw!"

Narinig niya na tinatawag siya ni DJ ngunit hindi na siya lumingon pa dito.

Kahit kailan hindi niya mapapatawad ito!

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon