~THE KIDNAPPER~ PART THREE

178 3 3
                                    

A/N : Hello, guys! Salamat po sa mga readers ko na walang sawang naghihintay ng update ko every week. Pasensya na kung medyo matagal ang update ko. Busy eh. :) hahahahaha nagmamaganda lang :D Enjoy reading!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“AYOKO nang makita pa si Camille..”

Natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Paul. Napakaseryoso ng ekspresyon ng mukha nito.

“P-pero, Paul. You’re being unfair to Camille. You know her. Hindi naman niya siguro sinasadya na-“

“Hindi sinasadya, Jullie? What about this?” tinuro nito sa bandage sa noo. “Hindi din niya sinasadyang saktan ako?”

Hindi siya nakakibo sa tinuran ni Paul. Base narin sa ekspresyon ng mukha nito, sigurado siyang galit ito sa kaibigan niya.

She sighed. “Kung iyan ang gusto mo, wala na kong magagawa. And again, ako na ang hihingi ng paunmanhin sa kung anuman ang ginawa ni Camille.”

“Paul..” sambit ni Camille sa pagitan ng paghikbi.

Tumayo ito at nilapitan si Paul. “S-sorry. Hindi ko sinasadya. Ginawa ko lang ang bagay na iyon kasi mahal kita. Mahal na mahal ki-”

“Damn it, Camille! Damn you! Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo na yan.” mariing sabi nito.

Hinawakan ni Camille ang braso ni Paul. “Hindi ko kayang mawala ka, Paul. Huwag mo naming ipagkait sakin na makita kita.’

Mariing tinanggal ni Paul ang pagkakahawak nito sa braso saka tinitigan ng masama si Camille.

“I don’t give a damn, Camille. Ang gusto ko lang, hindi na kita mkikita kahit na kailan.” galit na sabi nito at binalingan si Dexter.

“Dexter, you can get me a retraining order right?”

“Absolutely, lalo pa’t may ground. You can get it by Monday.” sagot nito.

“Thanks.” pagkasabi nun ay umalis na ito sa kwarto.

Dinig na dinig ang paghikbi ni Camille. Na para bang bumagsak ang buong mundo nito. Nilapitan niiya ang kaibigan at naaawang niyakap ito.

“Stop crying, Camille. Tama na, please.” pakiusap niya.

Hanggang ngayon ay parang mahirap paniwalang nagawa nitong kidnapin si Paul.

“Jullie, please. Pigilan mo siya.” nagmamakaawang tinignan siya nito, “Kausapin mo si Paul, hindi ko kayang di ko siya makikita. Kahit sa malayo lang. Kahit di ko siya mahawakan. Please.”

Mahigpit na hinawakan niya ang magkabilang braso nito. “Tama na, Camille.  Tama na ang pagmamakaawa mo para sa pag-ibig mo kay Paul. You can live without it, for  Christ sake! Hindi mo kailangang magmakaawa para sa kanya. ”

Sa sinabi niya ay lalong bumalong ang luha sa magkabilang mata nito. “You  don’t understand me, Jullie. Hindi mo alam kung gaano kahirap mabuhay nang wala na ang tanging taong nagpapasayo sayo ng husto. Siya lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Kung kailangang magmakaawa pa ko ng hus-“

Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi nito. Hindi makapaniwalang tinignan siya ni Camille habang haplos ang nasaktang pisngi. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito saka malakas na niyugyog.

“Yeah, naiintindihan kita. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng minamahal. I’ve experienced it many times. Kaya huwag mong sasabihin  sakin na hindi ko naiinintidihan ang sakit na nararamdaman mo.”

Hagulgol ang tanging sinagot nito sa sinabi niya. Pinalipas muna niya ang ilang minuto para pahupain ang bugso ng damdamin niya saka muling niyakap ang kaibigan. Alam niyang mas kailangan siya nito ng mga oras na iyon.

NAPATAYO siya mula sa pagkakaupo sa sofa ng makita si Paul na pababa ng hagdan. base na rin sa ekspresyon ng mukha nito, mukhang hindi maganda  ang nangyayari. Bihira lang niya kasing makitang galit ang kaibigan. Sa buong grupo kasi ay ito ang may pinakamahinahon sa kanila at hindi basta-basta nagagalit.

Mukhang malaki talaga ang nagawang kasalanan ni Camille dito kaya hindi din biro ang nakikita niyang galit kay Paul.

“Pare..” sabi niya saka tinapik sa balikat si Paul. “Are you alright?”tanong niya.

Nilapitan din ito nina Yasser.

Tumango ito. “I’m okey." sabi nito sabay hawak sa nasugatang noo. Marahil ay kumirot ang sugat doon.

“Kailangan mo yatang ipatingin yan sa hospital, Paul.” suhestiyon ni Yasser.

Umiling lang ito. “No need. Konting sugat lang ito. Anyway, nalaman ba ni Yohanne ang nangyari?"

"Yeah, siya nga ang unang nakaalam na nawawala ka. Sobra ang pag-aalala niya sayo, Paul." sagot ni Kenesis.

Bumakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito. "Is she alright? May nangyari bang masama sa kanya habang  wala ako?"

"No, no. She's fine. Walang nangyaring masama sa kanya." sagot naman ni Nico.

Saka lang parang nakahinga ng maluwag ito sa narinig. Nawala ang pag-aalalang nakabakas sa mukha nito at napallitan ng galit.

"Hindu=i ko siya mapapatawad once na mangyaring masama kay Yohanne. " mahinang napamura ito. "Let’s get out of here.”

Pero bago pa makatalikod si Paul ay pinigilan na ito ni Francis.

“Paul. Wait."

“What?”

“Mag-sorry ka kay Camille.” mariing sabi nito. Halata din sa mga mata nito ang galit.

“And would I  do that, Francis? Bakit ako pa ang  kailangang magsorry sa kanya? Look, ako ang biktima dito at hindi siya.” naaasar nang wika ni Paul.

“Pero hindi mo na kailangang pagsalitaan mo siya ng ganoon. You’re hurting her! Hindi pa ba sapat sayo na nasasaktan mo na siya emotionally kaya kailangan mo pang magsampa ng restraining order for her?” galit na sabbi ni Francis.

Alam niyang ilang sandali na lamang ay malamang na magpang-abot na ang dalawa base sa mga binibitiwang salita sa isa’t-isa.

“I don’t give a damn kung nasasaktan ko siya! Ang gusto ko lang ay yung mawala na siya ng tulayan sa buhay ko. She’s pissing me off!”

“Shit! But she loves you! She goddamn loves you! ” sigaw ni Francis.

“Wala akong pakialam kung mahal niya ko. At wala rin akong pakialam sa nararamdaman niya. Kung siya ang gusto mong kampihan, fine. It’s okey with me. Pero itutuloy ko pa din ang plano ko. And you better stay out of this.” pagsabi nun ay tuloy-tuloy na itong lumabas ng bahay.

Samantalang si Francis ay asar na naupo na lamang sa sofa habang mahigpit na nakakuyom ang kamao. Ramdam nilang tatlo ang namuong animosity sa dalawang kaibigan.

Tumikhin si Yasser. “Susunod ako kay Paul. Baka hindi pa niya kayang mag-drive.” tinapik nito sa braso si Francis. “Mauna na ko, Pare.”

Tumango lang ang huli ngunit hindi nagsalita. Halata pa din sa mukha nito ang galit. . Ilang sandali muna ang pinalipas niya bago nagsalta.

“How’s Camille?” tanong niya.

“She’s not okey. I mean, emotionally she’s hurting. Kung may magagawa lang sana ako  to ease her pain right now.”

Out of frustration ay nilamukos nito ang mukha. “Masyado siyang nasaktan sa mga sinabi ni Paul.”

“Don’t worry too much, Francis. She’s going to be alright.” sabi na lamang niya.

“Sana. Sana nga.”

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon