~PAIN~part three

222 4 1
                                    

HINDI niya ininda ang malakas ng buhos ng ulan ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya pati ang langit ay nakikisimpatya sa kanya. Siguro nalulungkot din ito sa nangyaring kasawian niya. O kaya ito lang ang nakakaalaman kung gaano kasalimuot ang nararamdaman niya.

Nawala na ng tuluyan sa kanya ang tanging lalaking lubos niyang minahal, si Paul.

Ang gusto lang naman niya ay mahalin din siya nito. Pero bakit parang napakaimposibleng mangyari ang bagay na yon? Ginawa naman niya ang lahat para mapunta sa kanya ang atensyon nito. Ngunit talaga yatang pilit na tumutol ang tadhana. She can't have Paul. And worst, kinamumuhian na din siya nito.

Kasabay ng malakas na pagpatak ng ulan ay ang pag-agos ng masaganang luha sa pisngi niya.

She felt miserable. Puro na lang sakit ang nararanasan niya simula ng mahalin niya si Paul. Walang oras na hindi siya umiiyak dahil dito.

Naniniwala siyang love is the greatest feeling. Pero bakit nasasaktan siya ngayon?

"Paul.."sambit niya sa pagitan ng paghikbi.

Mula sa pagkakatayo ay tinignan niya ang malaking bahay na nasa harapan niya. It was Paul's house. Halos kalahating oras na din siyang nakatayo. Hindi niya alam kung anong naisip niya ngunit natagpuan na lamang niya ang sarili niyang nasa harapan ng bahay nito at nagpapakalunod sa lungkot.

Ano bang ginawa niyang mali para masaktan siya?

Dahan-dahan niyang inihakbang ang paa papalapit sa may gate nila Paul.

Humawak siya sa rehas ng gate habang tinatawag ang pangalan nito. Gusto niyang kahit sa huling pagkakataon, makita at makausap man lang niya ang lalaking minamahal. Bago siya magpakalayo ng husto mula dito. Gusto niyang makita ang mga ngiti nito. She misses his smile. Puro kasi galit at pagkabugnot ang pinararamdam nito sa kanya lately.

Noong umpisa ay mahina lang niyang binibigkas ang pangalan nito ngunit habang tumatagal ay papalakas na ng papalakas.

"Paul!!"sabi niya habang kinakalampag ang gate.

Habang tumatagal ay mas tumitindi ang eagerness niyang makita at makausap ito.

Maya-maya ay lumabas na ang taong gusto niyang makita.

"P-paul.."mahinang sambit niya.

Mula sa pintuan ng bahay nila ay galit na sinilip siya nito. Bakas sa mukha nito ang inis pagkakita sa kanya.

"What the hell are you doing here?! May mukha ka pa palang humarap sakin after what you've done!"salubong na kilay na sabi nito.

"Paul.. please, mag-usap naman tayo.."

Isang matalim na tingin ang isinukli nito sa kanya. "Hindi ko kailangan makipag-usap sayo. Umalis ka na!"

"No! Hindi ako aalis hangga't di kita nakakausap ng maayos. Mahal kita, Paul. Mahal na mahal kita. Bakit ba di mo kayang suklian yun? Ginawa ko naman ang lahat para-"

"Oo! Ginawa mo nga ang lahat, Camille. Kahit na kidnapin at saktan ako ginawa mo. Ganyan ka ba kadesperada? Ganyan ka na ba talaga kabaliw?"nang-uuyam na sabi nito.

Mahigpit na hinawakan niya ang rehas ng gate. "Tama ka, Paul! Ganito na ko kabaliw sayo! Na halos sirain ko na ang buhay ko para lang sa pagmamahal mo."sabi niya sa pagitan ng paghagulgol.

Naramdaman niya ang unti-unting panghihina ng tuhod niya hanggang sa kusa na lang iyong bumigay at napaluhod siya.

"Ayoko na.."umiiyak na sabi niya habang hinahampas ang dibdib niya na para bang sa pamamagitan niyon ay mababawasan kung anumang sakit na nararamdaman niya. "Ang sakit na sakit na. Para na kong namamatay sa sobrang sakit. Bakit ba hindi ako makuhang mahalin? Ano pa bang dapat na gawin ko, Paul? Ano bang dapat na gawin ko.."

Umiyak siya ng malakas. Pero kahit na ang pag-iwak ay di nakabawas sa sakit.

Naramdaman niya ang marahas na paghawak ni Paul sa magkabilang braso niya. Doon siya napatingin sa mga mata nitong bakas ng galit para sa kanya.

"Kahit na kailan, di kita magagawang mahalin. Alam mo ba kung bakit? Kasi sinira niyo ang buhay ng kapatid ko. Nang dahil sa pamilya niyo nawala sakin ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko! Tapos tatanungin mo ko kung bakit hindi kita kayang mahalin? Hindi ko magagawang mahalin ang taong kinamumuhian ko!"galit na galit na sabi nito.

Pilit siya nitong tinayo. "Umalis ka na at huwag na huwag ka ng magpapakita sakin! Sa totoo lang, di ko kayang makita kahit na anino mo lang!"sabi nito sabay tulak sa kanya.

Sa ginawa at narinig mula dito ay lalong lumakas ang pagkahagulgol niya.

Kaya pala.

Ngayon lang niya napagtotohanan na talagang galit ito sa kanya. Kaya pala pilit siyang sinasaktan nito.

Tinakapan niya ang bibig para patigilin ang pag-iyak niya. Ngunit kahit yun ay napakahirap pigilan.

Umatras siya dahan-dahan palayo sa bahay ni Paul. Kitang-kita niya ang paglayo nito habang papasok ng bahay samantalang siya ay paatras.

Panahon na ba talaga para isuko ang pagmamahal niya dito?

Pagod na pagod na siya. Pagod na siyang masaktan at umasa.

May narinig siyang sunud-sunod na pagbusina sa gitna ng kalsada. Paglingon niya ay nakita niya ang isang rumaragasang kotse papunta sa direksyon niya. Ngunit imbes na tumabi ay ipinikit na lamang niya ang mga mata. Hanggang sa maramdaman niya ang walang kapantay na sakit nang tumama sa katawan niya ang metal ng kotse. Ang huling naaalala niya ay para siyang naliliyo sa sobrang sakit ng natamo niya bago nagdilim sa kanya ang lahat.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon