UNEXPECTED ENCOUNTER PART TWO

235 3 0
                                    

Bago pa siya makapagreact kay DJ ay inunahan na siya ng kapatid niya.

"Of course! Huwag kang mag-aalala kay Ate, she wouldn't mind." sabi ni Aliza habang pinanlalakihan pa siya ng mga mata.

Tinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko sa kapatid. 

"Okey! As if naman may choice pa ako." 

Napailing na lang siya nang makitang ngiting-ngiti na naman si Ali. Mukhang may kakaiba ngayon sa kapatid niya. Iba kasi ang nababasa niya sa kislap ng mga mata nito habang nakatitig kay Vaughn. 

"Jullie.."

Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni DJ bagkus ay umupo na lang siya. She have no choice, dahil good for four persons lang ang table na okopado nila napilitan siyang tumabi kay DJ. Samantalang ang kapatid niya ay masayang nakikipagkwentuhan kay Vaughn na para bang walang ibang kasama.

"Jullie.." untag ni DJ sa kanya.

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya ito pinansan. Binuklat-buklat niya ang menu na nakapatong sa table. 

Ano bang kailangan nito sa kanya? Bakit parang mukha na namang pinaparamdam nito na nag-eexist din pala ito sa mundo niya? Hindi siya sanay na kinakausap pa siya nito.

"Jullie.." 

"What is it? Wala ka na bang ibang alam na word kundi pangalan ko?" inis na sabi niya. 

Hindi parin niya tinitignan ito at kunwa'y nakatoon pa din ang atensyon niya sa menu.

"Will you please look at me kapag kinakausap kita?" 

Naramadaman niyang hinawakan nito ng mahigpit ang braso niya. Pumiksi siya dito bago naniningkit ang mga matang tinignan niya ito.

"Ano bang pakialam mo kung ayaw kitang tignan? And for your information, ayaw kitang kausap. Kaya shut up, please?" 

"Gagawin ko kung anuman ang gusto ko."

Binigyan muna niya ito ng nang-uuyam na ngiti bago muling binaling ang pansin sa menu.

"Talk to yourself. Baka sakaling may matinong sasagot sayo."

Pagsabi niya nun ay tumahimik na rin ito. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa hanggang sa na-serve na ang order nila. Mas mabuting bilisan na lamang niya ang pagkain para makaalis na sila agad. Para makalayo na siya kay DJ. 

Nagulat siya ng inalis nito sa plato niya ang isang onion. Agad niyang binaling ang tingin dito. 

"You're allergic to onions, right?" seryosong sabi nito habang pinagmamasdan siya.

Binuka niya ang bibig niya ngunit walang salitang lumabas. 

"Whoah! Ang sweet naman ni Kuya DJ! How did you know na highly allergic si Ate Jullie sa mga onions?" ngiting-ngiting sabi ni Ali.

Nagkibit-balikat lang ang binata. 

"I just know."

"Meron bang walang alam si Kuya? He just know everything, Ali." 

Hindi siya kumikibo ng mga oras na yun. Okupado na kasi ang isipan niya. Naaalala pa pala ni DJ na matindi ang allergy niya sa onions. It means, hindi talaga siya kinalimutan nito? 

Napailing siya. Imposible. Sa loob ng anim na taon na nakalipas, namuhay itong parang hindi siya nag-eexist sa mundo nito. 

Tama ang kapatid nitong si Vaughn. Dj knows everything. Masyado itong matalino para alamin ang lahat ng bagay.

Tahimik na lang siyang kumain.

"How's Yasser?" 

Narinig niyang tanong nito sa kanya. Paano na naman napunta ang usapan kay Yasser?

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon