CHAPTER TWELVE ~REGRETS~

195 4 0
                                    

A/N: ENJOY READING! :)

"JULLIE.."

Agad niyang nilingon si Camille nang tawagan siya nito. Halos thirty minutes ang lumipas bago ito huminahon at tumigil sa kakaiyak. Di niya ito iniwan kahit na isang minuto man lang. She knows Camille needed a friend. Naaawa siya para sa kaibigan pero alam din niyang hindi awa ang kailangan nito.

"Umalis na tayo dito, Jullie.."mahinang usal nito sa kanya.

Nilapitan niya ito at mahigpit na hinawakan ang isang kamay nito.

"Okey, we'll get out of here. Just rest for atleast an hour, Camille. You're tired."malumanay na sabi niya.

Naramdaman niyang mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay niya. She looked at her with tears. Buong akala niya ay tumigil na ito sa kakaiyak pero nagkamali siya.

"For Christ sake! Stop crying."

Umiling ito. "You understand me, Jullie? Right? I know na naiintindihan mo kung bakit ko nagawa ang bagay na ito."

Tumango siya. "Yes, naiintindihan kita. Pero ang ginawa mo kay Paul was out of the line, Camille. You hurt him."

Sa sinabi niya ay lalong bumalong ang luha sa mga mata nito. "I never hurt him. I'd rather hurt myself than to hurt Paul. You know I love him so much. It was just an accident, Jullie. Di ko sinasadyang saktan siya."

"Listen to me, Camille. Di ko sinasabi ito kasi kaibigan kita. Sasabihin ko ito kasi iyon ang katotohanan. Paul doesn't love you. Hindi ka niya mahal. At hindi ka niya magagawang mahalin. He loves someone else. And it's not you."

Masakit para sa kanya na sabihin ang mga katagang iyon sa kaibigan. Pero wala na siyang choice kundi ipaintindi dito ang buong katotohanan. Na hindi magagawa ni Paul na mahalin ito.

Napailing siya. Love always sucks. Lagi nitong sinisira ang buhay ng isang tao. Just like her bestfriend.

"I already know that. Matagal ko nang alam na hindi ako magagawang mahalin ni Paul. Pero kasalanan ko bang umasa kahit na katiting ang puso ko? Mahal na mahal ko si Paul. At napakasakit na di man lang niya ako kayang mahalin."

Pinisil niya ang palad nito, "Whatever happens, I'm always at your side. I promise you that."

Tumango ang kaibigan at binigyan siya nito ng isang pilit na ngiti.

"I know that. Thanks, Jullie."

Ilang minuto muna ang pinalipas nila bago magpasyang bumaba. Medyo okey na rin naman kasi si Camille. Di na rin ito umiiyak pero halata pa din ang sakit na nakalarawan sa mukha nito.

Inabutan nila sina Francis at Didrey na tahimik na nakaupo sa sofa. Malamang umuwi na rin sina Yasser at ang iba pa. Agad na tumayo ang dalawa ng makita silang papalapit.

"Camille.."mahinang usal ni Francis.

Base sa itsura nito ng mga oras na yun ay mukhang masyado itong apektado sa mga nangyari sa kaibigan. She felt something. Sa paraan ng pagtitig nito kay Camille ay nandun ang labis na pag-aalala at pagmamahal.

"Are you okey?"tanong ni Francis.

Siya na ang sumagot sa tanong nito. "She's okey, Francis. Pahinga lang ang kailangan niya."

"Kung ganun, umuwi na tayo. Ihahatid ko na kayo."

Narinig niya ang sinabi ni Didrey ngunit niya ito pinansin. Instead, she look at Francis.

"Pwede mo ba kaming ihatid? Kung hindi masyadong nakakaistorbo sayo."

"Of course not. Ihahatid ko na kayo ni Camille. I'll just get my car. Hihintayin ko kayo sa labas."

Pagkasabi nun ay mabilis na umalis ito para kunin ang kotse. Binalingan niya si Camille na ngayon ay tinitignan silang dalawa ni Didrey.

"Jullie.."pukaw nito sa atensyon niya.

"Yes?"

"I'm okey now."

"Obviously, you're not. Kaya ang mabuti pa, umupo ka na lang muna sa sofa and we'll wait Francis."

Binigyan siya nito ng isang tipid na ngiti. "Yeah, I'll wait for Francis but you."binalingan nito si Didrey. "Kay DJ ka sasabay pauwi."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula dito. "You're insane. Hindi kita-"

Bago pa siya makapagpatuloy sa pagsasalita ay pinigilan na siya nito.

"I just need to clarify some stuff to Francis. Tatawagan na lang kita kapag nakauwi na ko."

Nilapitan siya nito at hinalikan sa pisngi. "Thanks for everything, Jullie."bulong nito sa kanya.

Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng ibayong kaba. Or masyado lang siyang nag-aalala para sa kaibigan?

Wala na siyang nagawa kundi tignan ang papalayong sasakyan ni Francis.

"Let's go, Jullie."narinig niyang sabi ni DJ sa kanya.

"No thanks. Magtataxi na lang ako pauwi."

"Taxi? You think makakakita ka ng taxi dito?"

Inis na binalingan niya ito. "Wala ka ng pakialam kung paano ako makakauwi. Maybe I'll Brent para sunduin ako dito."

Nakita niyang biglang nagdilim ang mukha nito sa sinabi niya.

"Magpapasundo ka sa walang dugo na yun? Hell, baka nga hindi nun kayang ipagmaneho ka pauwi."

"Don't call him that, DJ. Konting respeto naman sa tao lalo pa at wala siya dito."

"The hell I care about him. And I'm telling you this, hindi ka tatawag sa kanya at sakit ka sasabay pauwi."mariing sabi nito sa kanya.

Base na rin sa pagkakakunot ng noo nito ay alam niyang pikon na ito ng mga oras na yun. Saan naman ito mapipikon? Kay Brent? At bakit? Ang alam niya ay hindi naman magkakilala ang dalawa. Hindi kaya nagseselos si DJ kay Brent?

Imposible.

But before she could stop herself, nasabi na niya ang salitang mukhang habang buhay niya yatang pagsisisihan.

"Nagseselos ka ba kay Brent?"

Maging siya ay natigilan sa lumabas sa bibig niya. She could kill herself now. As in now at that moment. Ramdam din niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya.

Imbis na sumagot sa tanong niya ay tinitigan lang siya nito. Titig na nanunuot sa buong pagkatao niya.

"That.."iniiwas niya ang tingin dito. "Nevermind that. Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya.

"You want to know the truth? Goddamn it! Yes, I'm jealous."

Pilit niyang binawi ang braso mula sa pagkakahawak nito.

"I'm jealous because I love you, Jullie. Mahirap bang paniwalaang mahal kita? That I never stopped loving you? Even a single minute."

Napakagat-labi siya. Naguguluhan siya kung dapat nga ba niyang paniwalaan ang mga sinasabi nito ng mga oras na yun.

Tinignan niya ng diretso sa mata si Didrey. Wala siyang pakialam kung makita man nito sa mata niya ang sakit na matagal na niyang nararamdaman,

"Kung mahal mo talaga ako, bakit mo ko sinaktan? I know it's been years, pero masakit padin tanggapin na ang taong pinagkatiwalaan at minahal ko ng husto ay nagawa lang akong lokohin. Wala kang idea kung gaano kasakit yun, DJ. You have no idea."

She felt crying that time. Pero pinigilan niya ang sarili niya. Di siya dapat umiyak. Hindi dapat lalo na sa harapan ni DJ.

"I know. At ilang taon ko na ring pinagsisisihan ang nagawa ko sayo, Jullie. Can you give me another chance?"

Nakita niya sa mukha nito ang kaseryosohan.

Chance? He's asking her for another chance?

Binawi niya ang braso mula dito at malamig na tinignan ito.

"Chance? You blew it many years ago. At tapos na ko magpakatanga sa pagmamahal sayo."

Pagkasabi nun ay tinalikuran na niya ito. At muli, naramdaman niya ang pamilyar na sakit sa dibdib niya.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon