Chapter Thirteen ~FLOWERS~ part one

157 6 0
                                    

DAHAN-DAHAN niyang minulat ang mga mata. Tumambad sa kanya ay puro puti na kapaligiran. Then bigla siyang napapikit ulit. 

Patay na ba siya? Kaya ba puro puti ang nasa paligid niya? 

Ang huling natatandaan niya bago mawalan ng malay ay magkasama sila ni Vaughn. Pagkaalala sa kasintahan ay nakaramdam siya ng walang katumbas na kirot sa puso niya. 

Ang kanyang Vaughn.. Malapit na ba niyang iwanan ang lalaking pinakamamahal niya? Mahirap tanggapin pero kailangan..

"Ali.."

Mas diniin niya ang pagpikit sa mga mata niya ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon.

It was Vaughn..

Base sa tono nito ay alam niyang labis itong nag-alala sa kanya. 

"Ali, please wake up.."

Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa pisngi niya. Then she thought, hanggang kailan ba siya dapat lumabad? Or is it worth the fight? 

"I love you, babe. Please, open your eyes. I'm here.."bulong nito sa punong tenga niya. 

Mahal na mahal siya ni Vaughn. At ang pagmamahal na yun ang tanging kinakapitan niya para huwag bumitiw sa pag-asang mabubuhay at gagaling pa siya. 

Tama. Hindi siya susuko. Para kay Vaughn at sa Ate Jullie niya.

Sa isiping iyon ay dahan-dahan na niyang minulat ang mga mata niya at bumungad sa kanya niya ang gwapong mukha ng lalaking mahal niya. 

"V-vaughn.."bulong niya.

Gumuhit ang isang matamis na ngiti nito ngunit basang-basa niya sa mga mata nito ang pag-aalala.

"Thanks God you're awake now, Ali. Wait, tatawagin ko lang ang Doctor."

Bago pa ito tuluyang makalayo sa kanya ay pinigilan na niya ito.

"Don't! I mean, I'm okey now. Hindi mo na kailangan pang tawagan ang Doctor.."

"No, Ali. You're not okey. Nakita mo na ba ang hitsura mo ngayon? You look pale. Ang putla-putla mo."

Umiling siya. "Please, Vaughn. Okey lang talaga ako. Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko kanina pa kaya siguro nawalan ako ng malay. Saka kailangan ko na din umuwi agad, baka hinahanap na ko ni Ate Jullie."

"I already talk to her."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "What? You talk to her? Sinabi mo bang-"

"No. Hindi ko sinabi sa Ate mo na nasa hospital ka ngayon. Actually, tinext ko lang siya na baka gabihin ka with your school works."

Saka lang siya nakahinga ng maluwag sa sinabi nito. Kung nagkataong nalaman ng Ate niya na nadala siya sa hospital ngayon baka matuklasan na nito ang tungkol sa sakit niya. At iyon ang ayaw niyang mangyari. Alam niyang nagiging selfish siya sa ginagawa niya ngunit iyon lang ang alam niyang paraan para hindi na muling masaktan pa ang Ate niya. Masyado na itong maraming napagdaanan para saktan pa niya.

Hinawakan niya ang kamay ni Vaughn at pinisil. "Thanks, babe. "

"Don't thank me, Ali. Masyado mo kong pinaalala alam mo yun? Ngayon lang nangyari sakin na halos di ko na alam ang dapat kong gawin."seryosong sabi nito.

Mapait siyang napangiti. Ngayon pa lamang ay nasasaktan na niya ang taong nagmamahal sa kanya. Ano pa kaya kapag namatay na siya?

"I'm sorry, Vaughn. Hindi ko sinasadyang masaktan kita."

Narinig niya ang malalim na buntong-hininga nito. Ilang saglit itong di nagsalita at tinitigan lang siya. 

"Huwag mo ng uulitin yun okey? Next time kasi, magsasabi ka agad kung masama ang pakiramdam mo. "

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon