TRAVIS' PARTY PART FOUR

247 4 1
                                    

A/N: 

Sorry! Ang tagal ng update. Feeling artista eh.hehehe ^____^

Anyway, sana ma-enjoy niyo po ang update ko. Eto na po yung last part ng party ni Travis. Then, super concentrate na ang lola mo sa pag-iibigan namin ni DJ. Este, ni Jullie at DJ pala. 

Enjoy reading! 

TRAVIS' PARTY PART FOUR

NILARO-LARO niya ang pagkain na nasa plato niya. 

She sighed. After nilang mag-usap ni DJ kanina, parang bigla siyang nawalan ng gana. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya. DJ wants her back. Mahal pa din daw siya nito. 

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman o ano ba ang dapat na maramdaman niya. O mas tama sabihin na dapat ba niyang paniwalaan ang sinasabi nito? After all the pain? 

Sa totoo lang, gusto na nga niyang umalis sa party kung hindi lang dahil kay Brent na nakatabi ulit niya ng mga oras na ito. 

"You don't like the food?" 

Narinig niyang sabi ni Brent sa kanya. Ngunit dahil nga malalim ang iniisip niya ay mabagay na naabsorb yun ng utak niya.

"W-what?"

Napailing ito. "You seem so bothered, Juls. May problema ba? Parang natulala ka na after mawalan ng ilaw."

Napayuko siya. Right now, she didn't want to talk to anybody. Gusto niyang sarilinin muna ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni DJ.

"Nothing, Brent." sabi na lang niya.

Iginala niya ang paningin sa paligid. Halos bumalik narin sa normal ang lahat pagkatapos bumalik ang ilaw sa party. Talagang napatunayan niyang magaling mag-host ng party si Travis. Kaya nga talk of the town na naman ang mga happenings na mangyayari ngayong gabi. 

Nagbakasali din siyang makita ang kapatid o kaya si Camille. Ngunit ni anino ng dalawa ay wala siyang nakita.

Saan ba nagsuot ang dalawang iyon? Kahit nga si Yasser ay hindi pa niya nakikita sa party. 

"Jullie.."

Napalingon siya kay Brent na ngayon ay nasa harapan na niya pala. 

"Brent?" 

Inilahad nito ang kamay sa kanya kasabay ng matamis na ngiti. 

"Let's dance?" 

Awtomatikong napataas ang kilay niya dito. "I can't. Hindi ako marunong sumayaw."

Hinawakan nito ang kamay niya. "Common, Juls. Don't spoil the night. Let's enjoy the party." 

Natatawang tumayo na lamang siya at sumunod dito sa ginawang dance floor. Kanina pa din pala nag-start ang sayawan at marami ng magkapareha ang nagsasayaw. 

Hindi niya akalaing masaya palang kasayaw si Brent. At magaling din itong sumayaw. Mapa-cha cha, waltz and hiphop. Kaya nga hindi nahahalata na hindi siya marunong sumayaw. Magaling kasing magdala ng kapareha si Brent.

Naisip niyang napakaswerte ang babaeng mamahalin nito. 

Maya-maya ay naramdaman niyang hinapit ni Brent ang beywang niya. Doon lang niya narealize na pang-sweet dance na pala ang pumapailan-lang sa dance floor. 

Inilagay niya kamay sa balikat nito. Doon niya napansin na titig na titig pala sa kanya si Brent. Yung titig na nakakailang. 

"B-brent.."

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon