CHAPTER EIGHTEEN

216 6 1
                                    

HALOS ilang araw din ang tinagal nila sa hospital para makumpleto ang mga test and laboratories ng kapatid niya. Sa ngayon, ang kailangan lan nilang gawin ay maghintay sa kung anoman ang magiging resulta. Dinadasal niyang hindi gaanong kalala pa ang sakit ni Aliza.

Narinig niya ang hagikgik nito maya-maya. Kasama kasi nito ngayon si Vaughn at mukhang nagkakasiyahan ang dalawa. Sa ilang araw din na pagkakaconfine ng kapatid niya ay walang oras na hindi nito binisita si Aliza. Halos dito na nga gustong matulog ng huli sa hospital. Mas mapapanatag daw kasi ito kaoag nakikita nito si Aliza. Tinanggap na rin niya ng maluwag sa dibdib si Vaughn. lalo pa’t nakikita niyang masayang talaga ang kapatid niya ditto.

“Ready na ba ang lahat?”

Napalingon siya nang magsalita si Brent na ngayon ay papalapit na sa kanya. Niyakap siya nito sa beywang at masuyong tinignan.

ngayong araw din kasi ang labas nila sa hospital kaya inaayos na din niya ang mga gamit ni Aliza.

“Yeah. Nakapag-empake na si Manang.”

Binalingan niya ang dalawa na patuloy pa din ang pagkukulitan. Hindi niya maiwasang mapangiti. They really look perfect and happy together. Ano ba ang sumagi sa isipan niya para kontrahin ang pagmamahalan ng mga ito? Marahil ay dahil nabubulag pa siya sa galit para kay Didrey.

“Let’s go, Ali. Uuwi na tayo.”

Ilang minuto pa ay naglalakad na sila palabas ng hospital suite. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilang maalala si Camille. Three days ago kasi ay nabalitaan na lamang nila na kinuha na ito ng pamilya nito. At walang nakakaalam kung nasaan na ito ngayon. Marahil ay inilipat lang ito ng hospital ngunit wala siyang ideya kung saan.

Pero isa lang ang nasisiguro niya, hindi pa nagigising ang kaibigan niya mula sa pagkakacomatose nito.

Ngunit malakas ang pananalig niyang gagaling at magigising din ito. Gustuhin man niya kasing makibalita ditto ay wala siyang mapagtanungan. May nakapagsabi din sa kanyang umalis na ang buong pamilya nitosa Hermoso Avenueat walang nakakaalam kung saan lumipat ang mga ito.

Hindi na rin naman niya masyodong sinisisi na si Paul sa mga nangyari sa kaibigan niya. Wala naman kasing kasalanan ang binata. Bukod sa hindi naman talaga nito minahal ang kaibigan niya. At isa pa, nawala din ito ng isang mabuting kaibigan, si Francis.

“May problema ba?”

Narinig niyang tanong sa kanya ni Brent.

Umiling lang siya at ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa nakaparadang sasakyan nito. Ilang araw na din ang nakakalipas simula nang maging sila ni Brent. At wala siyang masamang masasabi ditto. he’s a perfect and loving boyfriend to her. Lahat ng gustuhin niya ay buong pusong ginagawa nito.

“Saan niyo gustong kumain, guys?” tanong ni Brent nang mapaandar na nito ang kotse.

“I want pizza.” ani ni Aliza.

“But, babe. Hindi pa pwede sayo kumain ng pizza. Bawal pa. At saka isa pa, dapat healthy foods ang kainin mo.”

Narinig niya ang pagtutol ni Vaughn. Mula sa rearview mirrir ay nakita niyang lumabi ang kapatid niya dito.

“Pero gusto kong kumain ng pizza..” pangungulit nito.

“No. Hindi pwede.”

“Bakit? Wala naman sinabi si Doc na bawal akong kumain ng pizza ah.”

“Meron.” giit ni Vaughn.

Pinanlakihan ito ng mata ni Aliza.

“Wala nga sabi eh.”

“Ah basta. No pizza.”

Nang marahil ay napagtanto nitong hindi ito mananalo kay Vaughn ay binalingan siya nito.

“Ate, gusto ko ng pizza.. Please?”

Ininguso niya muna si Vaughn bago sumagot. “Kakain ka ng pizza kapag pumayag ang boyfriend mo.” natatawa pang sabi niya.

Sa pagkakataong iyong ay binalingan ulit nito ang kasintahan.

“Vaughn!” asik nito sa lalaki.

Imbes na matakot ay nginisian pa ito ng huli. “No pizza, darling.”

Patuloy ang pagkukulitan ng dalawa hanggang sa makarating na sila ng bahay.

“Ate, si Vaughn na po ang maghahatid sakin sa room ko.”ani ni Aliza.

Nakangiting tumango sia dito. Ngunit bago ito tumalikod sa kanya ay masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito.

“Rest well, okey?”

Tumango ito sa kanya.

“Ate?”

“hmmm?”

“Do you really love him?”

Takang tinignan niya ito. “Sino?”

“Si Kuya Brent. Talaga bang mahal mo siya?”

Ilang saglit siyang hindi nakasagot at nakatitig lang dito. Na para bang ang tanong nito ay mahirap sagutin. Did she really love Brent?

Bago pa siya makapag-isip ng kung ano-ano ay sinagot na niya ang tanong ng kapatid niya.

“O-of course! Papayag ba akong maging boyfriend siya kung hindi ko siya mahal?”

Hindi ito kumibo sa sinabi niya. Binigyan lang siya nito ng isang nagdududang tingin. Maya-maya ay hindi nakatiis na nagsalita ulit siya.

“I love him,okey?”giit niya.

Nagkibit-balikat ito. “Okey.”

“Aliza-”

“Magpapahinga na ako, Ate. Kita na lang tayo by dinner.” sabi nito at tinalikuran na siya.

Napabuntong-hininga siya na lamang siya habang tinatanaw ito paakyat ng bahay. Pati ba ang kapatid niya ay nagdududa sa nararamdaman niya para kay Brent?

“Jullie..”

Napalingon siya ng marinig ang tinig ni Brent na ngayon ay nasa tabi na pala niya.

Umiling-iling siya. “Nothing.” sagot niya.

Masuyong hinaplos nito ang pisngi niya. Bakas sa mukha nito ang labis na saya. Ang kislap ng mga mata nito ay nagpapahiwatig na mahal talaga siya ni Brent.

“back to normal tomorrow?”

Ilang araw din kasi siyang hindu pumasok sa office dahil sa pagkakaospital ni Aliza. At sigurado siyang pagdating niya sa opisina bukas ay tambak-tambak na paper works ang nasa mesa niya.

“Yeah. I’m sure na marami na naman akong natambak na trabaho. I guess it will be a busy day tomorrow.”

“We should have a dinner date then.”

Umiling siya.

“You don’t have to do that, Brent. I know you’re a busy person at alam ko din na

marami kang responsibilidad sa company niyo. Hindi mo naman kailangan suportahan ako at samahan sa lahat ng oras.”

Ito naman ang umiling.

“Ginagawa ko ang lahat ng ito for you, Jullie. To make you love and fall for me.”

Hinawakan nito ang kamay niya at itinapat sa dibdib nito. Ramdam niya ang malakas na pagtibok ng puso nito.

“At ikaw lang ang nakakagawa nito sa akin. Bawat oras na nakikita kita, ganito ang nangyayari sa puso ko. You make it insane, Jullie.”

Maaring tama nga ito. Na nagagawa niyang pabilisin nang husto ang tibok ng puso nito. Pero siya? It’s like a normal heart beat. At tanging si Didrey James lamang ang nagpapabilis ng pagtibok ng puo niya.

But now, she felt empty.

So empty..

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon