CHAPTER ONE

274 4 0
                                    

MAGANDA ang sikat ng araw ng umagang iyon. Tamang-tama sa gagawin niyang magdidilig sa mga orchids at iba pang alagang halaman sa may garden nila. Linggo kasi kaya malaya niyang nagagawa ang gusto na walang mang-iistorbong trabaho sa kanya.

Sa totoo lang, ang pag-aalaga niya ng halaman ang siyang matatawag niyang libangan. Masyado kasi siyang busy sa pagmamanage ng business nila, ang Poseur de Salon and Spa na mula ng hinawakan niya ay lalong lumago at mas dumami ang branches nila sa metro manila. 

Five years ago ay namatay sa isang plane accident ang parents nila ni Aliza kaya siya na ang nagpatakbo ng business nila. Samantalang si Aliza naman na noon ay kakagraduate lang ng elementary. Masakit sa kanya na maagang maulila sa magulang ngunit para sa bunso niyang kapatid ay naging matatag siya. Parang isang napakalaking responsibilidad ang agad na nakapatong sa balikad niya ng mga panahon iyon. 

But now, masasabi niyang stable na silang dalawa ni Aliza, financially and emotionally. Second year college na din ito sa kursong Nursing.

"Papasok na ako sa school, Ate. "

Pagkahalik sa pisngi niya ay nagmamadaling lumabas ito ng gate nila.

Nagtaka siya nang hindi nito dinala ang kotse.

"Teka, Aliza! Hindi mo ba dadalhin ang kotse mo?"

"Coding, Ate."

Tumango-tango siya. Patalikod na siya ng may marealize na parang may mali sa sinabi nito.

"Sunday ngayon it means walang coding at wala din siyang klase sa school!"

Tuluyan na siyang lumabas ng gate nila para habulin ang kapatid ngunit kahit na anino nito ay hindi na niya nakita.

Umiiling-iling siya. Mukhang nautakan na naman siya nito. 

Papasok na sana siya sa loob ng bahay ng makarinig siya ng isang malakas na pagtikhim mula sa likuran niya.

"Good Morning, Ms. Sexy! Kamusta umaga mo? Nagbreak fast ka na ba?"

Sunod-sunod na tanong ni Yasser sa kanya. Nakapang-jogging na get up at halatang ready ng mambola ng mga girls.

"Ito, nawalan na ng gana."

Natawa ng malakas ito sa sinabi niya at inakbayan si Didrey James.

"Pare, ang sungit talaga ng mahal mo kahit kailan."

"Excuse me? Ikaw yata ang hindi pa kumakain, Yasser. Kung ano-anong kalokohan kasi ang sinasabi mo." nakataas-kilay na sabi niya.

Imbes na sumagot ay inalis lang nito ang pagkakaakbay ni Yasser at parang hindi siya nakikita o nag-eexist sa paningin nito.

Sabagay, ilang taon na din ba silang hindi nakikibuan after their breakup? Almost seven years?

"Let's go, Yasser." 

Pagkasabi niyon ay tumakbo na ito palayo sa kanila. Napaismid siya. Napakayabang at hambog talaga ang lalaking iyon.

"Madapa ka sana." malakas na bulong niya na ikinatawa ulit ni Yasser.

"Huwag naman baka masira ang kagwapuhan ni DJ."

"So what? Wala akong pakialam sa kagwapuhang sinasabi mo."

"Malaki. Paano mo ulit siya magugustuhan?"

Napasimangot siya sa sinabi nito. Hobby na talaga nitong tuksuhin silang dalawa ni DJ. 

"Lumayas ka na nga sa harapan ko." 

Padabog na sinara niya ang gate nila. Narinig pa niya ang malakas na halakhak ng mokong bago ito umalis.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon