CHAPTER 14~PAIN~ part one

154 5 1
                                    

NARAMDAMAN niya ang masuyong pagpisil ni Brent sa kamay niya. Nang binalingan niya ito ay seryosong nakatingin sa kanya ngunit punong-puno naman ng concern ang mga mata nito.

"Stop worrying, Jullie. She's going to be alright,okey?"

Pailing-iling siya. "Kasalanan ko 'to, Brent. Sana nagpasensya na lang ako para di na kami nag-away."

"It's not your fault. Saka ginagamot na ngayon si Ali. Baka masyado lang siyang na-stress kaya nawalan siya ng malay. Kaya ang mabuti pa, relax ka muna dyan. Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit."

Hindi siya nakaimik sa tinuran nito. Alam niyang di tamang oras para sisihin niya ang sarili.

Nawalan lang ng malay ang kapatid niya marahil dahil siguro sa stress kaya di siya dapat masyadong mag-alala.

Fifteen minutes na silang nag-aabang sa labas ng emergency room ng tinawag sila ng doctor na tumitingin kay Ali.

"Doc, kamusta ang kapatid ko? Is she alright?"agad na tanong niya ng pagkalapit dito.

"Sa ngayon, okey na ang kapatid mo. Pero dapat ko na siyang i-confine ng ilang araw for more tests and examination. Actually, upon checking her records kakagaling niya lang dito last two hours."

"W-what? Parang imposible yata yan, Doc.."

"I'm sure about that. Anyway, pinadala ko na siya sa isang room. Pwede niyo na siyang puntahan in a minute. Excuse me."

Hindi pa din siya makakilos sa kinatatayuan niya ng makaalis ang doctor. Nagulat siya sa sinabi nito na kagagaling lang ng kapatid niya sa hospital. Pero bakit? May sakit ba ang kapatid niya?

"Jullie.."

Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Brent ngunit hindi niya ito pinansin. Umuukilkil kasi sa isipan niya ang sinabi ng doctor. Ano ba talaga ang nangyayari kay Aliza?

Kung kanina lang ay nanggaling ito sa hospital malamang ay may alam si Vaughn. Ito lamang ang makakasagot sa mga tanong niya.

Kinuha niya ang cellphone at dali-daling dinial ang number ni DJ.

"Jullie, napatawag ka?"agad na sabi nito pagkasagot sa tawag niya.

Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya pagkarinig sa baritonong boses nito. Napalunok siya. Di muna niya dapat pagtuunan ng pansin ito. Ang mahalaga ay ang kapatid niya.

"Where's Vaughn?"

"Si Vaughn? I think he's here, Jullie. Why you ask? May problema ba?"

"Can I talk to him?"

"Yes, of course. Pero may problema ba?"

"I will not call you kung walang problema, Didrey. Now, give the phone to Vaughn so I can talk to him."

Narinig niya ang buntong-hininga nito bago magsalita sa kabilang linya.

"Fine. Nasa kwarto yata siya. Give me a minute para makausap mo na siya."

"Thanks."

Hindi narin ito kumibo at ilang minuto din ang hinintay niya bago may muling nagsalita mula sa kabilang linya.

"Ate Jullie?"

"Vaughn.."

"Sabi daw po ni Kuya gusto niyo daw po ako makausap? Is there a problem po ba? Kung about po dun sa nangyari kanina, ako na po ang humihingi ng sorry. Wala pong kasalanan si Aly-"

"She's in the hospital-"

"What?! What happened to her?"agad na gagad nito kung ano man ang sasabihin niya.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon