CHAPTER TWO

247 3 0
                                    

NANG araw na yun ay nagpasya siyang bisitahin ang branch niya sa Alabang. Minabuti niya kasing mag-inspection sa mga branches nila at makapagmeeting na din sa mga managers niya. Wala naman siyang dapat ipag-alala na malulugi ang isa man sa mga branches niya sapagkat maganda ang reptusyon ng salon and spa niya at mga kilalang tao

 ang mga kliyente nila.

Nakikipag-usap siya sa manager niya ng may maring siyang pagtikhim mula sa likod niya. 

"Good morning, Jullie."

"Paul.." 

Inalis nito ang shades kaya mas lalong lumutang ang kagwapuhang taglay nito. Hindi niya masisisi si Camille kung magkagusto man ito kay Paul. Sino nga bang hindi mahuhumaling sa lalaking ito? Bukod sa gwapo na ay tanyag pa ito sa profession nito. Isa itong sikat na Oncologist.

"Napakahard-working mo talaga. Masyado pang maaga para magtrabaho. Parehong-pareho kayo ng isang taong kilala ko." nakangiting sabi nito sa kanya.

Kahit hindi niya itanong kung sino ang tinutukoy nito ay kilala na niya. Hindi kasi lihim sa buong barkada ni DJ ang nakaraan nila. Kaya nga kahit matagal na silang break nito ay panay pa din ang tukso ng mga friends ni Dj sa kanila.

"Hindi ako interesado sa taong tinutukoy mo, Paul. Anyway, naligaw ka yata? Who's with you?"

"Girlfriend ko. Nagpasama lang siya sakin dito sa salon mo. You know, girl thing." naiiling na sabi nito.

"I heard na engaged ka na daw? Ang malas naman ng babae na yun."

Natawa ito sa sinabi niya. "Ang bilis namang kumalat ng balita. Siguro kay Yasser mo nakuha ang impormasyon na yan? Napakatsismoso talaga ng lalaking iyon."

"Mukhang ikaw ang unang manaknock down sa inyo."

Lahat kasi ng barkada nito ay puro single pa at parang walang balak lumagay sa tahimik. Hindi rin niya naman masisisi ang mga ito, babae kasi ang lumalapit sa mga ito dahil bukod sa gwapo ay galing sa mayayamang pamilya. 

Ngumiti lang ito sa kanya. "How's your sister?"

"Si Aliza? Ayos lang naman siya. Why you ask?"

"Wala ba siyang sakit?"

"Sakit? No. Wala siyang sakit, Paul. Paano mo naman nasabi yan?"

"Nakita ko kasi siya once sa hopital. Oh well, baka may dinalaw lang siya."

Gusto man niyang mag-usisa pa ay may lumapit sa kanilang isang maganda at sexy na babae. Maputi ito na bumagay sa kulutang buhok at prominenteng mukha. Hindi nakapagtatakang napaibig nito ang isa sa Hermoso Boys. Pagkalapit nito ay agad na hinawakan ni Paul sa beywang ang babae. 

"Jullie, I want you to meet my girl, Yohanne."

Nakipagbeso-beso siya dito. 

"Nice to meet you, Yohanne. I hope you enjoyed our service here at my salon."

Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.

"Really? Ikaw ang owner ng Poseur? Wow!" 

"Yes, Babe. Siya ang nasa likod ng pag-asenso ng Poseur."

"Are you open for franchising?"

"I'm sorry pero we're not open for that as of now."

"Babe, ano na naman ang binabalak mo?"

Napalabi ito kay Paul. "Iniisip ko kasi after our wedding kung anong business ang pwede kong itayo."

"Oh no. Alam mo namang ayaw kong napapagod ka eh."

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon