HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDRY JAMES "BROKEN PROMISES"

983 13 0
                                    

TEASER

Gagawin ni Jullie Alegre ang lahat upang mapasaya ang bunsong kapatid niya na si Aliza. May taning na kasi ang buhay nito at gusto niya na ang lahat ng bagay na mapapasaya dito ay ibibigay niya.

Isang kahilingan ng kapatid niya ay ang magpakasal ito sa mahal nito. Okey lang sana sa kanya ngunit nang malaman niya na ang kapatid pala ni Didrey James na si Vaughn ang gusto nitong pakasal ay parang gusto niyang kumontra at magwala. Hindi yata siya papayag na mapabilang kahit na isang segundo ang Didrey James na iyon sa pamilya niya! Magugunaw ang mundo kapag nangyari iyon.

Halos isang dekada na din silang mortal na magkaaway at kahit na kailan ay hinding-hindi niya makakalimutan ang ginawa nitong panloloko sa kanya. 

Sabihin man ng iba na bitter pa din siya sa nakaraan nilang dalawa ay wala siyang pakialam. Madadala niya hanggang sa huling-hininga niya ang pagkasuklam dito.

Ngunit sa kahuli-hulihan ay hindi din niya nakayanan na hindi pagbigyan si Aliza. Pumayag siya na magpakasal ito kay Vaughn pero mas nashocked siya ng hilingin ng kapatid niya na makipagbalikan ulit siya kay Didrey James!

Catchphrase :

"Hindi lang ako isang stalker mo kundi ako lang ang nag-iisang lalaki na mamahalin mo sa buong buhay mo, Jullie. Okey lang kahit batuhin mo pa ako ng paso araw-araw, basta akin ka lang."

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon