Chapter Five - Unheard Feelings

198 3 0
                                    

A/N: Sorry for the lame update. Medyo binabalik ko pa kasi ang matino kong pag-iisip eh. Hindi ko siya mahanap. Baka alam niyo kung nasan? xD

Anyways hiways floodways, eto na po ang update ko sa Hermoso. Pagpasensyahan niyo na talaga. ^__^

Hermoso Avenue Book I: Didrey James : Broken Promises

Chapte Five - (Unheard Feelings)

"A-ATE, okey lang ako. Hindi niyo ko kailangang dalin sa hospital.." umiiling na sabi ni Aliza sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya. "Anong hindi kailangan? Nakikita mo ba ang kalagayan mo ngayon? Namimilipit ka na sa sakit!"

"M-masakit lang ang puson ko, ate. Please, okey lang ako."

"Pero hindi-"

"Sabi ng okey lang ako eh! Please, leave me alone!"

Pagkasabi nun ay nagtalukbong na ito ng kumot. Nag-alala man ay wala na siyang nagawa sa kapatid.

Nanghihinang napalabas na lang siya ng kwarto nito. Pero nagbilin muna siya kao Manang na bantayan maigi ang kapatid niya. Kapag hindi pa bumuti ang lagay nito ay siya na ang magtatakbo dito sa hospital sa ayaw at sa gusto nito. Mahalaga sa kanya ang kapatid niya. Ito lang ang nag-iisang dahilan kaya nabubuhay siya sa mundo.

"Pakibantayan na lang siya ng maigi, Manang. Huwag niyo po iiwan si Ali." walang ganang sabi niya.

Dumeretso siya sa study room niya. Pagkaupo ay binuksan niya ang drawer at kinuha ang isang lumang music box. Iniikot niya ang pihitan nun kasabay ng pag-ikot ng pigurin na princess.

She sighed in frustration.

Ang musika na nililikha ng music box niya ang tanging bagay na nagpapakalma sa kanya. Tinatanggal din nito ang lungkot na nararamdaman niya.

Sinubsob niya ang mukha sa lamesa. Matagal-tagal na rin palang hindi niya napapatugtog iyon. Masyado kasi siyang busy sa pagpapatakbo ng business nila.

Iniangat niya ang mukha at pinagkatitigan ang pigurin na umiikot. Hinaplos niya ito. Bigay sa kanya iyon ni DJ noong panahon nililigawan siya nito.

Tandang-tanda pa niya ang sinabi nito na kapag nalulungkot siya, patugtugin lang niya ang music box. Tatanggalin daw nito ang lahat ng nararamdaman niyang sakit. Ilang taon na rin niyang pinapakinggan ito pero nandun pa din ang sakit sa puso niya.

Masakit pa din tanggapin na hanggang ngayon, nasasaktan pa siya kay DJ. Oo nga, napakabata pa nila ni DJ noon at may pagka-immature pa nung maging sila. Pero sigurado siyang ito lang ang lalaking mamahalin niya. Isa ito sa malaking dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi niya magawang magmahal ng iba.

She's trap with her past. Nasasaktan siya kapag nakikita niya itong may kasamang iba. And at the same time, nagagalit siya sa sarili niya. She hate that feeling. Pero wala siyang magawa.

NAKATITIG pa din siya sa cellphone niya kahit ilang minuto na silang tapos mag-usap ni Jullie. Marami siyang gustong sabihin dito at ipaliwanag. Pero pakiramdam niya, masyado ng napakatagal ang panahong pinalagpas niya.

Hindi totoong wala na siyang pakialam dito. Kahit na hindi sila nag-uusap, sinisiguro niyang okey palagi ang kalagayan nito. Sa buhay niya, marami siyang pinagsisisihan. Isa na dun ay ang nagawa niyang panloloko kay Jullie noon. Nakita niya kung paano ito nasaktan at umiyak nang dahil lang sa kanya. Kaya nga galit na galit siya sa sarili niya. Mahal niya ito pero nagawa niyang magloko.

Ayaw na niyang makitang nasasaktan ito ng dahil sa kanya. Kaya nga nagdecide siyang huwag na itong lapitan. Alam niya kasing masasaktan lang niya si Jullie. At iyon ang pinakahuling bagay na gusto niyang gawin.

HALOS buong araw din niyang binantayan ang kapatid niya at laking pasasalamat niya nang bumaba na ang lagnat nito ng bandang hapon. Makakahinga na rin siya ng maluwang.

Malambing na hinamplos niya ang mukha nito. Lagi niyang naaalala ang Mama nila kapag nakikita niya si Ali. Bakit hindi? Eh magkamukhang-magkamukha ang mga ito. Parang pinagbiyak na bunga.

Bigla niyang namiss ang Mama niya. Lagi din niyang iniisip ang mga tawa at halakhak nito. Ang pag-aalaga nito sa kanila ni Aly. Nangako siya sa puntod ng mga magulang niya na hindi niya ito pababayaan kahit na anong mangyari.

Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphne ni Aly na nakapatong sa bedside table nito. Dahil nga sa mahimbing ang tulog ng kapatid niya hindi man lang ito nagising sa pagtawag.

Agad niyang dinampot ang cellphone at tinagnan kung sino ang caller.

Unregistered number. Walang pag-aalinlangang sinagot niya iyon.

"Ali.."

Napakunot-noo siya ng mapagtantong lalaki ang caller ng kapatid niya.

"Who's this?"

Ilang sandali muna bago ito nakasagot sa kanya.

"S-si Ali po?"

"May sakit siya. Classmate ka ba niya?"

"Uhm, yes. I'm her classmate. Pakikamusta na lang po sa kanya."

"Okey, I'll telk her that. May kailangan ka pa ba?"

"Hmm, wala na po. Bye po."

Pagkatapos nilang mag-usap ay napaisip siya. Iyon kaya ang boyfriend ng kapatid niya?

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon