~Decision~part two

184 7 2
                                    

A/N: Sorry sa matagal na update. Pero may pambawi naman ako eh. Ipopost ko sa wed ang isa pang chapter. Enjoy reading! :D

"ATE JULLIE.."

Narinig niya ang mahinang pagtawag sa kanya ng kapatid niya.

"Yes?"ani niya habang patuloy parin siya sa pagbabalat sa mansanan.

Pagkatapos kasi nang naging pag-uusap nila kanina ni Brent ay dumeretso na siya sa kwarto nito. Although, alam naman niyang maaabutan niya si Vaughn doon ay nakaramdam pa din siya ng paghihimagsik. Ngunit nang makita niya kung paano ngumiti at kumislap ang mata ni Aliza ay unti-unting lumalambot ang puso niya. Mukhang kailangan na yata nixtang tanggapin na si Vaugh na ngayon ang nagpapasaya sa kapatid niya.

"Galit ka ba sakin?"

Ipinatong niya ang hiniwang mansanas sa platito at binigay dito.

"Kailan ba ako nagalit sayo?"

Yumuko lang ang kapatid niya.

"Marami akong nasabing masasakit sayo, Ate. I shouldn't said that for the first place at wala din ako sa posisyon para sabihin sayo ang mga bagay na yun."

Iniangat nito ang mukha at diretsong tinignan siya. Bakas sa mukha nito ang matinding guilt.

Kinuha niya ang kamay ni Aliza at marahang hinaplos.

"I'm not angry with you, Ali. Maaaring tama ka o may point sa mga sinasabi mo pero dapat hindi tayo nag-aaway, okey?"

Kiming ngumiti lang ito.

"I'm sorry, Ate Jullie."

Umiling siya. "It's okey. Huwag mo nang masyadong alalahanin ang bagay na yun. Just forget it. Anyway, nag-advice ang doctor mo na magstay ka pa dito sa hospital."kunway natural na sabi niya.

Ngunit kung alam lang nito, napakalakas ng pagtibok ng dibdib niya. Natatakot siya sa kung anuman ang magiging reaksyon nito.

"No. Umuwi na tayo ngayon, Ate."

"What are you saying, Aliza? Kailangan mo pang manatili dito sa hospital para sa mga test mo pa."

Sunud-sunod na umiling ito.

"Ayaw ko. Hindi ako magpapatest o laboratory. I just wanted to go home."nanginginig na sabi nito.

Bakas ang matinding takot ang mukha ng kapatid niya kasabay na mas lalong lumakas ang kaba niya. Hindi kaya may alam na talaga ito tungkol sa sakit nito?

Sa isiping iyon ay hindi na niya napigilang mapaluha.

"Tell me, Aliza. Matagal mo na bang alam ang tungkol sa sakit mo?"

Sa narinig mula sa kanya ay namutla ito. Awang ang mga labing napatingin sa kanya. Ngunit ilang saglit lang ay katulad niya na umiiyak na rin ito. Doon niya napatunayang tama ang hinala niya base na rin sa naging reaksyon nito.

Di niya maiwasang masaktan ng husto sa ginawang pagtatago nito sa kanya. She felt betrayed by her own sister.

"Why, Aliza? Bakit hindi mo agad sinabi sakin na may leukemia ka? Kapatid mo ako, ate mo ako. Wala na ba akong karapatang malaman ang tungkol sa sakit mo?"umiiyak na sabi niya.

"Ate.."sambit nito sa nanginginig na boses.

Patuloy pa din ang pag-iyak niya sa natuklasan. Tama nga na matagal na nitong taglay ang sakit nito ngunit pinili nitong ilihim sa kanya ang bagay na iyon.

"Ayokong masaktan ka, Ate. Kaya nagdecide akong itago ang.. ang sakit ko. H-hindi ko kayang makita kang nasasaktan dahil sakin. After nang mga sacrifices mo for me, it's unfair na pahirapan pa kita."

Pinunasan niya ang luhang patuloy na umagos sa pisngi niya. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa panahon at oras dati na nalaman niyang namatay sa isang aksidente ang mga magulang nila. She can feel the familiar pain inside her heart.

"Hindi mo ba naisip na mas unfair sakin na di ko man lang nalaman agad ang sitwasyon mo? Na wala akong nagagawa para sayo? Aliza, all my life iniisip ko lagi ang kapakanan mo. Wala akong hinangad kundi ang mapabuti ka. I can't believe na magagawa mong ilihim ang bagay na ito. You know what hurts most? Is to think na naghihirap na pala sa isang sakit ang kapatid samantalang ako ay walang kaalam alam."

Napalitan ng hagulgol ang pag-iyak niya. Ang akala niya, nailabas na niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ngunit hindi pa pala sapat ang pag-iyak niyang iyon. She could still feel the pain.

"I'm sorry, Ate. I'm so sorry.."umiiyak na sabi nito.

Sa bandang huli ay hindi rin niya natiis ang kapatid niya. Natagpuan niya ang sariling niyayakap ito ng mahigpit.

"Gagaling ka, Aliza. I will do everything para gumaling ka.."

Sunod-sunod na tumango ito sa sinabi niya.

She would do everything for Aliza. Gagawin niya ang lahat gumaling lang ito. Ilang sandali silang nasa ganoong posisyon ng kumalas ito sa pagkakayap sa kanya. Siya na mismo ang nagpunas nang luha sa mukha nito.

"I have a favor to ask, Ate Jullie.."maya-maya ay ani nito.

"What is it?"

"About Vaughn.."

"What about him?"

Napansin niyang mas lalong lumambong ang mukha ng kapatid niya. Bakas doon ang lungkot pagkabanggit sa pangalan ng binata. Takot at pag-aalinlangan.

"Huwag mo sanang sasabihin sa kanya ang tungkol sa sakit ko.."

Ilang sandaling hindi siya nakakibo at nanatiling nakatitig lang siya dito.

"May I know why?"

Kumibot-kibot muna ang mga labi nito bago nagsalita.

"A-ayokong mag-alala siya ng husto sa akin, Ate. I know Vaughn loves me so much. At kapag nalaman niyang may sakit ako, masasaktan lang siya. And I don't want that to happen."malungkot na ani nito.

Sa sinabi ng kapatid niya ay naisip niyang mahal talaga nito si Vaughn. Makakaya ba ng konsensya niyang paghiwalayin ang dalawa?

Of course not. Ang masaktan si Ali ang pinakahuling bagay na gusto niyang gawin.

Mukhang kailangan na niyang tanggapin na nagmamahalan talaga ang dalawa. At isa pa, sila na rin ni Brent. Di ba nga't gusto niyang magsimula ulit nang bago whthout Didrey?

Kakalimutan na niya ito pati na rin ang paghihiganti niya na binalak niya.

"I don't want to hurt him. Mas mabuti pang ako na lang ang masaktan kaysa siya."

"Ali.."

Hinawakan nito ang kamay niya at mahigpit na pinisil.

"Please, Ate. Susunod ako sa lahat nang sasabihin mo. Papayag akong mag-under go ng kahit na anong procedures and laboratories basta huwag mo lang sasabihin kay Vaughn ang sakit ko."

She sigged. "Okey, if that's what you want. Hindi ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa sakit mo. You have to be strong, Ali. Para sa mabilis pagbalik mo."

Tumango ito sa kanya at ngumiti ngunit ramdam pa din niya ang kalungkutan nito.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon