CHAPTER NINETEEN ~DJ'S MOVE: KIDNAPPED HER~ part one

262 6 1
                                    

"HINAY-HINAY lang, pare. Hindi mo mauubos agad ang alak na yan sa isang upuan lang. " naiiling na sabi ni Kenesis sa kanya.

Ngunit parang walang narinig na tinungga niya ang isang bote ng beer na hawak-hawak niya. Nasa isang bar siya ng mga oras na iyon at nagpapakalunod sa alak.

"May problema ba, DJ?"tanong sa kanya ni Kenesis.

Malalim siyang napabuntong-hininga. Ilang araw na din siyang hindi makatulog sa pag-iisip simula ng mabalitaan niya na may bago ng boyfriend si Jullie. Noong una ay parang gusto niyang magwala sa nalaman ngunit ng makapag-isip isip niya na wala siyang karapatang magwala at magalit.

Ano nga ba siya sa buhay ni Jullie? Isa lamang siyang ex-boyfriend nito na nagawa nitong kamuhian ng husto dahil sa nagawa niyang pananakit dito.

Sa loob ng ilang araw ay nalunod siya sa labis na pag-iisip.

Dapat na ba siya sumuko kay Jullie?

"Kung iniisip mong sumuko sa kanya, pare. Don't."

Awtomatikong nabaling ang atensyon niya kay Kenesis sa sinabi nito. Hindi ito nakatingin sa kanya ngunit seryoso ang ekpresyon ng mukha nito.

"What do you mean?"he asked.

"I've heard na may bagong boyfriend si Jullie."

"Yeah."walan ganang sabi niya.

"Don't give up on her. Kung mahal mo talaga siya, dapat huwag mo siyang isusuko."

Tumingin siya sa beer na iniinum niya.

"Hindi na niya ako mahal."

"So? Ano naman kung hindi ka na niya mahal? Eh di make her fall for you again. Walang masama kung susubukan mo. Saka kailan ka ba sumuko sa isang bagay, DJ? Alam kong lahat ng bagay na gusto mo ay nakukuha mo sa pagsisikap."

Umiling siya. "Iba si Jullie, Kenesis. Iba siya. Hindi siya isang bagay na madaling makuha. Siya lang ang taong minahal ko ng husto sa buong buhay ko. Oo, gago ako. Idiot. Kasi pinakawalan ko siya noon at hinayaan kong matangay ng takot sa puso ko. But what can I do now? Tuluyan na siyang nawala sakin dahil sa kagaguhan ko."madiin niyang hinawakan ang bote ng beer na para bang doon niya nalalabas ang lahat ng frustrations niya sa buhay.

"What if you made a deal to yourself?"

Takang tinignan siya nito.

"What do you mean? Deal for what?" 

Inilapag nito ang sariling beer sa harapan niya at seryosong tinignan siya.

"Didrey, ayokong nakikita kang helpless at halos mapabayaan mo na ang trabaho mo dahil sa pag-iisip mo kay Jullie. At lalong ayokong makitang nalulugi ang mga negosyo mo kasi malaki ang shares ko dun."paligoy pa nito.

Napailing siya.

"So, anong deal ang sinasabi mo?"

"I've heard na may date sila ni Brent mamaya."

"Paano mo nalaman?"

Nginisian lang siya nito. "I have my way, pare. Anyway, bakit hindi mo kidnapin si Jullie?"

Muntik na niyang mabatukan ang kaibigan sa narinig na suhestyon nitmn.

"Anong kalokohan ang pinagsasasabi mo?"

"Iyon lang ang tanging alam ko na paraan para magkausap kayo ng masinsinan. Kidnap her at ilayo mo muna siya kay Brent. Pero syempre ibabalik mo din siya. You just have to talk to her, alone."

Ilang minuto muna siyang hindi nakaimik sa sinabi nito.

Siya? Kikidnapin niya si Jullie? Masamang ideya iyon ngunit parang may punto si Kenesis. Gusto talaga niyang kausapin si Jullie ng masinsinan.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon