CHAPTER NINE - TRAVIS' PARTY - PART ONE-

341 4 1
                                    

MULI niyang pinagmasdan ang sarili niyang repleksyon sa salamin. Halos hindi niya makilala ang sarili niya. Ang dating straight at itim na buhok niya ay naging kulot. Kinulayan din iyon ng light brown na lalong bumagay sa kutis niya. Maganda din ang make-up niya na lalong nagpalutang sa magagandang features ng mukha niya.

It was all courtesy of her little sister. Hindi kasi pumayag ito na hindi siya magmukhang elegante ng gabing yun. Ayaw nga niyang pumayag na pakulayan at i-curl ang buhok niya pero napakakulit ni Ali to the point na halos kaladkarin na nito ang isa sa kilalang make-up artist ng salon nila.

Yes, she owned a salon and spa but it doesn't mean na mahilig na siyang magpaganda araw-araw. Gusto niya kasi na simple lang sa katawan at walang gaanong nilalagay sa mukha.

At iyon nga, in the end napapayag na lang siya nito sa lahat ng plano ng kapatid niya. Sabagay, wala naman talaga siyang hinindian dito. Mahal na mahal niya ang kapatid niya.

"Ate? Are you ready?"

Narinig niyang bumakas ang pinto ng room niya at niluwa si Ali. She look beautiful as ever. Bagay na bagay dito ang suot nitong black mini-dress na pa-tube na tinernuhan ng isang magandang necklace. Maganda din ang pagkakaayos ng buhok nito.

"You look gorgeous, Ali." 

Kumislap ang mga mata nito sa sinabi niya. 

"Really?" umikot-ikot pa ito na parang pinagyayabang ang damit nito.

"Naman! Kapatid kita eh. Kaya pareho tayong maganda."

Humagikgik ito sa sinabi niya sabay lapit sa kanya. 

"You look dazzling in your red dress, Ate Jullie. Sabi ko na eh, bagay na bagay sayo ang red. Mas lalong lumulutang ang mestiza features mo."

"Yeah, salamat sa pagiging makulit mo." nakangiting sabi niya.

"See? May maganda palang resulta ang pangungulit ko. I'm sure, magkakapamangkin na ko bukas." tuwang-tuwang sabi nito. 

"Gaga. Pamangkin agad? Hindi ba pwedeng boyfriend muna?" pakikisakay niya dito.

"Naku, Ate. I'm sure, luluhod sayo si Kuya DJ ngayong gabi." nanunuksong sabi nito sa kanya. 

"Stop that topic, Ali. Hindi magandang usapan yan." 

Muli itong napahagikgik sa kanya. "Ayaw mo nun? Madudugtungan ang nakaraan niyo? Oh at least, happy ending na diba?"

Binigyan niya ito ng naiinis na tingin. "Bawasan ko kaya allowance mo next month?" 

"Si Ate talaga. Napaka-joker. Halika na nga, baka malate na tayo sa party."

"Teka, may usapan kasi kami ni Yasser na susundin niya ako at 7pm." 

Tumingin siya sa wall clock nila and it's already 7:15. Late na nang fifteen minutes si Yasser.

"Hay naku, Ate. Baka naharang na yun sa daan ng mga babae niya o kaya nakidnap na ng mga stalker niya. Kaya huwag mo ng intayin ang isang yun."

Nagkibit-balikat siya. Baka nga tama ang kapatid niya. Hindi malabong mangyari ang mga bagay na yun. Pababa na sila ng hagdan ng makasalubong nila ang isa sa kasambahay nila.

"Mam, may bisita po kayo."

Napatango siya dito sabay tingin kay Ali. 

"You're wrong, sis. Hindi siya nakidnap o naharang ng mga girls niya."

Natawa lang ito sa kanya. Kitang-kita sa ekspresyon ng kapatid niya ang saya. Mukhang may nagpapasaya na yata sa kapatid niya. And she wondered who he is. Maganda ang kapatid niya kaya hindi nakapagtatakang maraming nanliligaw dito.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon