~PAIN~ part two

278 4 2
                                    

"NURSE, anong room nakaconfine si Aliza Alegre?"agad na tanong niya sa nurse na nasa information desk ng hospital.

Kanina pa siya hindi mapakali simula ng malaman niyang nasa hospital na naman ang girlfriend niya. Kung alam lang niya masama pa din ang pakiramdam nito, sana ay hindi na siya pumayag na makalabas ito ng hospital.

"Kaano-ano niyo po ang pasyente?"

"I'm her boyfriend. Kaya please, tell me kung anong room siya nakaconfine ngayon."

"Nasa room 406 po siya, Sir."

Wala na siyang inaksayang oras. Agad niyang pinuntahan ang silid kung saan naroroon si Ali. Hinihingal na huminto muna siya sa harap ng pinto. Pinalipas muna niya ang ilang minuto bago magpasyang pihitin ang pinto.

Unti-unting bumungad sa paningin niya ang kasintahan na nakahiga sa kama. Dahan-dahan niya itong nilapitan.

"Ali.."sambit niya.

Payapang natutulog ito ngunit halata pa din sa mukha nito na may dinaramdam ito. Pakiramdam niya ay parang unti-unting nadudurog ang puso niya para dito.

"Ano ba talagang nangyayari sayo, Ali? Bakit ka nagkakaganyan? Please, tell me.."

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito na parang anumang sandali na bitawan niya iyon ay mawawala na ito sa kanya.

"She's okey now. Kailangan lang niyang magpahinga."

Agad siyang napalingon nang may magsalita sa likuran niya.

"Ate Jullie.."

Malamig na tinapunan lang siya nito tingin bago lumapit kay Aliza at hinaplos ang pisngi nito.

"Anong ginagawa mo dito, Vaughn? Hindi ito ang oras ng dalaw. You can go now."

"Gusto ko lang kamustahin si Ali.."

"As you can see, okey na siya. Kaya makakaalis ka na."

Naikuyom niya ang kamay. Ano bang nagawa niyang kasalanan para tratuhin siya ng ganon ng ate ni Ali? Ang alam lang niya ay minahal lang niya ng totoo ang kapatid nito.

"Napapahamak ang kapatid ko dahil sayo, Vaughn."

"Hindi po totoo yan. Di ako papayag na mapahamak si Ali. I won't allow it."

"You won't allow it? Hibang ka ba talaga? Sa loob ng isang araw, dalawang beses dinala sa hospital ang kapatid ko. Tapos sasabihin mo sakin na di mo siya hahayaang mapahamak?"

"Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya pinabayaan. Mahal ko si Aliza,Ate Jullie. "

Napansin niyang mas lalong tumigas ang anyo nito sa sinabi niya.

"Hindi mo pwedeng mahalin ang kapatid ko."madiing sabi nito.

"Wala ho kayong karapatan para pigilin ang nararamdam ko. At lalong wala rin ho kayong karapatan na diktahan ang nararamdaman ko. Mahal namin ni Ali ang isa'-isa."

Lumapit ito sa kanya at nanggigigil na hinawakan ang braso niya.

"Nasa akin ang lahat ng karapatan para paghiwalayin kayo ng kapatid ko. Mapapahamak at masasaktan lang siya dahil sa sinasabi mong pagmamahal, Vaughn. Aliza had enough pain simula ng mamatay sa aksidente ang parents namin. Kaya please, layuan mo na lang siya. Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ang kapatid ko."

"Sa tingin niyo po ba hindi siya nasasaktan sa ginagawa niyo?"

"Yes, she'll get hurt kapag naghiwalay kayo. Pero sisiguraduhin kong makakalimutan ka din niya."

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon