CHAPTER SEVEN - DJ'S MOVE

239 4 0
                                    

PADABOG na binaba niya ang papeles na binabasa. Kanina pa siya nakatitig doon ngunit wala pa ding naaabsorb ang utak niya.

Paano ba naman siya makakapagconcentrate sa trabaho kung ang laman ng isipan niya ay si Jullie? Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan niya nang magpasya siyang dumaan sa bahay nito kaninang umaga. At maabutan nga niyang masayang nakikipag-usap ito kay Yasser.

Nainvite na kaya ni Yasser si Jullie to be his date? Baka. Kilala niya kung gaano kabilis pagdating sa babae ang kaibigan niya. Kahit na mataray si Jullie nag-aalala pa din siyang baka mahulog ito sa karisma ni Yasser. Hindi ito kailaman nagseseryoso pagdating sa relasyon.

Napahawak siya sa sendito niya nang bigla iyong kumirot.

Hindi niya pwedeng hayaan si Jullie na mahulog ito ng husto kay Yasser. Kung kailangan niyang gumawa ng paraan para malayo ito sa lalaki, gagawin niya.

Walang pagdadalawang-isip na dinial niya ang cellphone ni Yasser. Mas mabuti nang makausap niya ito nang masinsinan kung ano ba talaga ang binabalak nito kay Jullie.

Nakadalawang-ulit na dial na siya ngunit hindi pa din ito sumasagot sa kabilang linya.

Saglit lang nag-isip. Kung hindi niya makakausap ngayon si Yasser mukhang kailangang dumeretso na siya kay Jullie. Nakikini-kinita na niyang uusok na naman ang ilong nito sa kanya.

"What do you want?"

Nailayo niya ang hawak na cellphone sa tenga niya. Malakas kasi agad ang tono ng boses nito na para bang ayaw siyang kausapin.

"Jullie.."

"What?"

"Ahm."

Napakamot siya ng baba. Paano ba niya sasabihin sa babae na huwag nitong tanggapin ang alok ni Yasser na maging date nito? He sighed in frustration.

"What is it, Didrey? You're disturbing me! Marami ako mas importanteng gagawin kaysa makipag-usap sayo." malamig na tonong sabi nito.

Yes, alam niyang maraming taon na rin ang nakakalipas simula ng maghiwalay silang dalawa nito. Pinili niyang huwag nang makipagcommunicate o pumasok sa buhay nito.

"Can we meet?"

"What the hell are you talking about?"

"Meet me at Cafe Helena's. Malapit lang naman yun sa salon mo sa Makati, right?"

"At bakit naman ako makikipagkita sayo, aber? Saka, please lang. Masyado akong maraming problema para intindihin pa kita. Ano ba talagang kailangan mo?"

Naulinigan na niyang mukhang masama na talaga ang mood nito. Kaya mukhang malabong makipagkita nga ito gaya ng gusto niya. He better speak up now kaysa tuluyan ng mawala ang chance niyang makipag-usap dito.

"Nakakapag-usap ba kayo ni Yasser? I mean, did he already invited you to be his date at Travis' party?"

Ilang saglit itong nawalan ng imik sa tanong niya.

"Jullie, I-"

"Ano naman sayo kung inaya nga ako ni Yasser na maging date niya? Do you have a problem with that?" agad na sabi nito.

"Yes. Alam kong matalino ka at mas lalong alam ko din na alam mong playboy si Yasser. Lolokohin ka lang niya kaya lumayo-"

Natigil ulit siya sa pagsasalita ng bigla na lang itong nagmura sa kabilang linya. Napangiwi siya. Talagang hindi pa din nagbabago ang babaeng ito sa taglay na kasungitan. Mukhang nadagdagan pa nga yata.

"Shit lang, Didrey! Inistorbo mo ko para lang sabihin sakin ang walang kwentang bagay na yan?"

"No, hindi ito walang kwentang bagay lang. Look, Jullie. Kaya ako tumawag kasi nagmamalasakit lang ako sayo."

Narinig niya ang pagak na tawa nito sa sinabi niya.

"Nagmamalasakit ka sakin, Didrey? Mukhang bago yata sa pandinig ko yun huh."

"Jullie.."

Napabuntong-hininga siya. Mukhang nawawalan na siya ng lakas ng loob para ipaintindi dito ang gusto niya.

"Salamat na lang sa pagmamalasakit mo pero hindi ko kailangan niyan. At oo nga pala, si Yasser ang date ko sa party ni Travis. Kung may problema ka tungkol diyan kayong dalawa nalang ang mag-usap."

Pagkasabi nun ay binabaan na siya nito ng telepono. Naaasar na tumayo siya mula sa kinauupang swivel chair. Kailangan na niyang kumilos para pigilan kung anuman ang binabalak ni Yasser.

INAYOS niya ang pagkakasuot ng baseball cap sa ulo niya bago pinagpatuloy ang pagmamasid sa paligid ng isang kilalang hospital. Gaya ng nakaugalian na niyang gawin ay matyaga siyang naghintay.

Matagal na niyang alam na nagmumukha na siyang baliw sa inaasal niya. But she couldn't help it. Talaga nga yatang malaki ang pagmamahal na nararamdam niya para kay Paul Cenon. Na kahit mula sa malayo ay gusto niyang pagmasdan ang gwapong mukha nito. Gusto niyang masilayan ang magagandang ngiti nito na alam niya kahit kailan ay hindi magiging kanya.

Ilang linggo din siyang nagmukmok nang mapag-alaman niyang engaged na ito ng tuluyan sa girlfriend nitong si Yohanne.

Bakit kaya hindi na lang ito nagkagusto sa kanya? Kung nangyari lang sana ang bagay na iyon, siya na ang pinakamasayang babae sa mundo.

Pero hindi natupad ang kaisa-isang hiling ng puso niya. Sa iba tumama ang pana ni kupido. Kay Yohanne at hindi sa kanya. Wala naman siyang maipipintas sa babae. Naiinsecure pa nga siya kasi napakaganda nito at mukhang mabait pa.

Sobrang inggit ang nararamdam niya sa tuwing nakikita niya ang dalawa na masayang magkasama. Nasasaktan siya. Yun bang parang pinupukpok ng masa ang puso mo sa sobrang sakit.

Napaayos siya sa pagkakatayo nang mapansin niyang lumabas na mula sa hospital ang lalaking kanina pa niya hinihintay. Dali-dali niyang sinuot agad ang shades niya. Mahirap na at baka makita pa siya ni Paul.

Agad siyang sumakay sa kotse niya nang makitang paalis na ito. Siguradong tapos na ang shift nito sa hospital.

Ginawa niya ang pagsunod sa sasakyan nito sa paraang hindi siya nito mahahalata. Ilang sandali pa ay huminto ito sa isang fine dining na restaurant. Mukhang may katatagpuin ito.

Pababa na sana siya ng kotse para sundan si Paul sa loob ng restaurant nang tumunog ang cellphone niya.

"What? Istorbo naman oh.." agad na bungad niya ng sagutin niya ang tawag.

"Camille, nasan ka?"

"Nasa heaven na. Gusto mong sumunod, Brixianne Mish?" sarkastikong sabi niya sa kaibigan.

"Ah really? Okey fine. Kung ganoon pala ikaw na lang mag-isang gumawa diyan sa maitim mong plano."

Napaupo siya ng tuwid pagkarinig sa sinabi ng kaibagan. Hindi pwedeng hindi matupad ang mga plano niya. Kailangan niya ang expertise ni Brixianne Mish. Isa kasi itong NBI Agent kaya ito lang ang kilala niyang makakatulong sa kanya.

"Oh no. I mean, nasa restaurant ako. Sinusundan ko kasi si Paul. Bakit ka ba napatawag?"

"Gusto ko lang sanang ipaalam sayo na okey na lahat nang kailangan mo, mahal kong kaibigan."

Napangiti siya ng maluwag sa narinig na magandang balita mula dito. Talagang kahit kailan ay maaasahan niya ito.

"Thanks, Brix! You're the best talaga." natutuwang sabi niya.

"Basta, wala akong kinalaman diyan sa binabalak mo. Wala akong alam."

"Fine. Oh siya, kailangan ko pang sundan si Paul. Babush."

Sa gaganaping party ni Travis next week, doon niya gagawin ang binabalak.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon