CHAPTER EIGHT - "UNEXPECTED ENCOUNTER" PART ONE

274 3 2
                                    

"WHAT do you think, Ate? Ano yung mas maganda?"

Naiiling na pinagmasdan niya ang dalawang dress na parehong hawak-hawak ni Aliza. Sa kanan nito ay isang mini black dress na pa-tube at sa kaliwa naman ay isang red long dress na may mahabang slit. 

"Both?" alanganing sagot niya dito.

Hindi na siya nagtaka ng pagkagaling nito mula sa sakit ay agad siya kinaladkad ng kapatid papunta sa mall. Kahit alam niyang marami siyang gagawin sa opisina ay pinagbigyan na niya ito. Alam na niyang hindi siya nito titigilan hangga't hindi nakukuha ang gusto. Kaya ngayon ay nasa isang botique sila at namimili ng dress na susuotin niya sa party ni Travis.

"I think mas prefer ko for you yung red dress. Lutang na lutang kaya ang beauty mo sa red, Ate Jullie."

"You think so?"

Imbes na sagutin ang tanong niya ay may tinapat itong isa pang dress sa kanya.

"Fit this ." utos nito.

"Na naman? Eh nakakasampung sukat na ko ah. I told you, mas okey yung simple dress lang." reklamo niya sa kapatid.

Kanina pa kasi sila sukat ng sukat pero puro iling lang ang nakukuha niya dito. Hindi niya maintindihan kung ano ba talagang gustong ipasuot sa kanya ng isang ito. 

"Basta. Huwag ka ng magreklamo."

Tinalikuran lang niya ito at umupo sa may couch. Kanina pa sila paikot-ikot sa mall at nangangalay na ang mga binti niya. 

"I'm already tired, Aliza. Pwede bang kahit ano na lang? At saka isa pa, hindi naman dapat bongga ang isusuot eh."

Matigas itong umiling sa kanya. "No. Hindi pwedeng kahit ano lang. Dapat sexy at elegante ka that day para naman magkapamangkin na ko."

"What? Nahihibang ka na ba? Ano naman ang koneksyon nun sa dress na susuotin ko, aber?"

"Ano ka ba naman, Ate. Syempre kapag napakaganda ng damit mo, pag-aagawan ka ng mga boys. Tapos may manliligaw na sayo then magkakaboyfriend ka na at magkakapamangkin na ko. Oh di ba? Sa isang dress lang ang susi para hindi ka maging old maid? Kaya bilis na, fit this."

Pumapalatak na kinuha na lang niya ang dress na binigay nito sa kanya. Kahit kailan, lagi na lang siyang nauubusan ng irarason sa kapatid niya. Bukod kasi sa napakadaldal nito, hindi pa ito tumatanggap ng pagkatalo.

"Fine. Whatever."

"Good. Dali na, i-fit mo na."

Wala na siyang nagawa kundi sundin na lang ang gustong ipagawa nito sa kanya. Pagkatapos marahil ng mahigit isang oras pa ng pagsusukat ay nakapili na sila sa wakas. Kahit puro reklamo siya sa kapatid ay wala siyang nagawa. 

"Thanks God! At natapos na rin ang kalbaryo ko." 

Natawa lang sa kanya ang kapatid. Maya-maya ay hinimas nito ang tiyan. 

"Nagutom ako dun, Ate. Libre mo nga ako." 

Umingos siya. "Ayoko nga. Dapat nga ikaw ang manlibre eh. Napagod kaya ako ng husto."

"Mas napagod kaya ako kaysa sayo. Aba, siniguro ko kayang dapat maganda ka sa party."

"Oo na lang. San mo ba gustong kumain?"

"Gusto kong kumain ng steak eh."

"Sure."

Papasok na sana sila sa isang fine dining restaurant ng bilang tumunog ang cellphone niya. 

"Mauna ka na, Ali. Sagutin ko lang ang tawag ni Camille."

"Okey." tumango ito at tuluyan ng pumasok sa loob ng restaurant.

"Oh? Nang-istorbo ka yata?" agad na bungad niya kay Camille.

"Jullie!" sabi nito na may malambing na boses.

Naisip niyang mukhang may kailangan ang isang ito sa kanya. Ganun kasi ang ginagamit na tono sa kanya ni Camille kapag may favor itong hinihingi.

"Yeah? Hmm, parang alam ko na yang tono mo eh. May kailangan ka,ano?"

Natawa ito ng malakas sa sinabi niya.

"Grabe ka naman, friend. Anong tingin mo sakin, manggagamit?"

"Medyo."

"Ang sama mo." natatawa pa ding sabi nito. 

"Masaya ka yata ngayon. Sinagot ka na ni Paul,ano?"

"H-hoy, hindi ah. Hindi kaya!"

Pumalatak siya. Kapag si Paul talaga ang pinag-uusapan nila lagi na lang natataranta ang kaibigan niya.

"Oh siya, hindi na kung hindi. Napatawag ka?"

"Ano kasi, Jullie. Pwede bang ano.."

"Ano? Spill it out."

Ilang saglit muna itong tumahimik bago nagsalita. 

"Pwede bang mahiram yung rest house niyo sa batangas? Kahit mga two days lang. Please? Please?"

"Ano naman ang gagawin mo dun?" kunot-noong tanong niya.

"Basta. Saka ko na lang sasabihin sayo."

"Fine. Punta ka na lang sa bahay para kunin yung susi."

Narinig niyang napahiyaw ito sa sobrang tuwa. 

"Thanks, Jullie! You're the best talaga. I love you, friend!"

Naiiling na pumasok na siya sa loob ng restaurant pagkatapos niyang makipag-usap kay Camille. 

Ano kaya ang binabalak ng isang iyon? Nagkibit-balikat siya. Kung anuman iyon ay hindi siya nababahala. Malaki ang tiwala niya sa kaibigan.

Luminga-linga siya sa paligid para hanapin kung saan na nakaupo si Aliza.

"Ate, come here!"

Napalingon siya sa may bandang kanan niya. At iyon nga, nakita niya ito na excited na kumakaway sa kanya. 

Awtomatikong kumunot ang noo niya ng mapansing hindi ito nag-iisa. May kasama itong dalawang lalaki. At kung hindi siya nagkakamali, ang katabi nito ay si Vaugn. Nakakabatang kapatid ni Didrey James. 

"Dali, ate. Bilis!" excited na excited na sabi nito.

Bakas sa mga mukha nito ang saya. Habang naglalakad siya papalapit sa mga ito ay napukaw ang atensyon niya sa isang lalaking nakatalikod. 

"Ate Jullie, nakita ko sina Vaugn dito pagpasok ko sa restaurant. Kaya ayun, mas okey na magshare na lang tayo ng table di ba?"

Hindi siya sumagot sa sinabi ng kapatid niya. Mas nakatuon kasi ang atensyon niya sa lalaking nakatalikod sa kanya.

"Okey lang ba, Kuya DJ?" tanong ng kapatid niya.

"Of course, Ali. It's okey."

Awtomatikong napataas ang kilay niya. Alam na nitong nasa likod lang siya nito ngunit hindi man lang siya nilingon. Napakaantipatiko talaga ng lalaking ito!

"Baka ayaw ng Ate mo, Ali?" nag-aalangang sabi ni Vaugn.

Doon lang siya nilingon ni DJ. 

"You wouldn't mind, right?"

A/N: Aruy! Sa sunday po ulit ang update. Abangan niyo po sana ang party ni Travis. May special guest dun.;))) 

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon