CHAPTER SIXTEEN ~HUG~part one

189 6 3
                                    

HUMUGOT muna siya ng malalim na hininga bago magpasyang pumasok sa hospital room ni Aliza. Sa totoo lang, buong gabi siyang hindi nakatulog sa pag-iisip dito. Isipin palang na nasa hospital ito ay masyado na siyang nag-aalala.

Gusto sana niyang manatili sa tabi ng kasintahan ngunit alam niyang imposible ang bagay na iyon. Di siya papayagan ng Ate nito.

Dahil sa galit nito sa Kuya DJ niya, pati siya ay nadamay. Di daw nito papayagang magkaroon ng kaugnayan si Ali sa anupamang may kinalaman sa Kuya niya. Napaka-unfair nito. Hindi naman tamang maging dahilan iyon ng paghihiwalay nila ng kasintahan.

Mahal na mahal niya si Ali at lahat ng paraan gagawin niya para makuha ang approval ng Ate Jullie nito. His life will never be the same without her.

"Baby?"tawag niya dito ng tuluyang makapasok sa loob.

Mula sa pagkakayuko ay agad na tumimgala ito. Sumilay ang isang magandang ngiti sa mukha ng kasintahan pagkakita sa kanya. And his heart beats faster. Kahit kailan hindi na nawala sa kanya na laging bumibilis ang pagtibok ng puso niya kapag nakikita ito.

Baka nga tumitibok ang puso niya para lang dito. And it's an overwhelming feeling for him.

"Vaughn!"

Awtomatikong sumilay ang magandang ngiti sa labi niya. Kagabi lang sila huling nagkita but it seems like a hundred days. Na-miss niya agad ito.

Mabilis niya ito nilapitan sa kama at mahigpit na ginagap ang palad nito.

"What happened, Ali? Bakit bigla ka na lang daw nawalan ng malay kagabi? I thought okey ka na bagn tayo lumabas ng hospital."

Iniiwas nito ang paningin sa kanya.

"Di naman talaga ako nawalan ng malay. Naghysterical lang talaga ng grabe si Ate Jullie."

Hindi siya kumibo sa sinabi nito. Alam niyang nagsisinungaling ito sa kanya. Gusto pa sana niyang mag-usisa pa ngunit pinigilan niya muna ang sarili.

"Nagbreakfast ka na ba?"

Doon lang nito binaling sa kanya uli ang paningin.

"I think bumili na si Ate Jullie ng food. Baka babalik na ulit yun maya-maya. Ah, Vaughn?"

"Hmm.. Yes, baby?"

"Can you hug me? Please?"

Napatitig siya sa mga mata ni Aliza. Pakiramdam niya ay punung-puno iyon ng kalungkutan. Parang dinaklot ang puso niya. Ang pinakahuling gusto niyang mangyari ay ang malungkot ito. He would do everything para maging masaya ang kasintahan.

Agad niyang niyakap si Aliza. Mahigpit. Na para bang ayaw na niyang mawalay pa ito sa kanya.

Alam niyang may problema itong pinagdadaanan ngayon. Di man nito masabi sa kanya ay handa siyang suportahan ito. Kahit gaano man iyon kabigat.

"Vaughn, alam mo namang mahal kita diba?"she murmured.

Hinaplos-haplos niya muna ang likod nito bago sumagot.

"You already knew that, Ali.."

"Say it. I want to hear it from you, Vaughn."

Kinalas niya ang pagkakayakap dito at tinitigan itong diretso sa mga mata. Again, para siyang sinaksak ng punyal sa dibdib ng makita ang malungkot na mga mata nito.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "I can't leave without you, Ali. "

Pagkasabi nun ay agad niyang sinakop ang mga labi nito. He kissed her tightly. Naramdaman niyang niyakap nito ang kamay sa beywang niya at mas lalo pang idiniin ang labi sa kanya.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon