TRAVIS'S PARTY PART THREE

234 5 1
                                    

A/N : Sorry, guys. Medyo natagalan na naman ang update. Again, super stress kasi sa work. Kung pwede nga lang magsulat na lang ako ng magsulat, walang problema sakin. Kaya lang, oras naman ang kalaban ko. Artista kasi ako eh. ;)) anyway, may mga pangyayari sa party ni Travis na connected for my future hermoso boys. ;)

TRAVIS' PARTY PART THREE

HALOS lamunin na ng kadiliman ang buong garden kung saang ginaganap ang magarbong party ni Travis Laurel. Halata sa mga bisita ang labis na pagkataranta sa pangyayari. Pero siya ay kampante lamang na lumabas sa mansion. Wala siyang problema kung madilim man ang paligid niya. Matagal na niyang sinanay ang sarili niya tulad sa mga ganitong uri ng sitwasyon. Kasama iyon sa pinili niyang propesyon.

Luminga-linga muna siya sa paligid niya at nang masigurong walang nakakapansin sa presensya niya ay dinukot niya ang cellphone mula sa hand bag niya.

"Camille.." sabi niya agad ng sinagot na nito ang tawag niya. "Nagawa mo na ba? Wala bang naging problema?" sunod-sunod na tanong niya.

Bago ito sumagot sa tanong niya ay narinig muna niya ang pag-start ng makina sa kabilang linya.

"Yes, Brix. He's with me now."

Saka lang siya nakahinga ng maluwag sa binalita nito.

"Good to hear that. I'm leaving the party now. Mahirap na baka may makahalata sa ginawa natin. Take care, okey? Balitaan mo ko."

Ilang saglit lang ay tinapos na niya agad ang tawag. Isa pa, natatakot din siyang baka may makapansin sa kanya. Hindi din kasi biro ang ginawa nila. Pumunta siya sa dulo ng garden kung saan may malaking puno na malapit sa pader. Mas mabuti pa sigurong habang abala ang lahat ng bisita ay makaalis na agad siya sa lugar na iyon.

Muli niyang sinipat-sipat ang malaking puno na nasa harapan niya. Doon na lamang siya dadaan papalabas ng mansion. Mas malayo kasi kung sa main gate siya lalabas at mas makakakuha pa siya ng atensyon ng iba.

Hinubad niya ang stiletto shoes niya. Itinaas din niya ang gown niya para maayos na makaaksyon siya sa puno. Kailangan na niyang magmadali dahil alam niyang anumang sandali ay magkakailaw na.

Bago pa niya nahawakan ang isang sanga para makapitan sa pag-akyat ng puno ay naramdaman niyang may mahigpit na kamay na humawak sa braso niya.

On instinct ay nanlaban siya para makawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya. Agad din niyang nabaklas ang paghawak sa braso niya ng pilipitin niya ang kamay nito.

"Holy shit!"

Narinig niya malakas na mura nito. Dahil sa dilim kasi ng paligid ay hindi niya makita ang hitsura nito bukod sa alam niyang malaking lalaki na nakatayo sa harapan niya. Agad niyang pinagana ang utak. Mas lalong kailangan niyang makaalis na talaga sa lugar na yun.

Dali-dali niyang kinuha ang shoes niya at lumapit ulit sa may puno. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nahawakan ulit nito ang braso niya. Pilit siya nitong hinila papalapit dito.

"You think na makakawala ka sakin? You're wrong, Miss. Walang nakakaligtas sakin lalo na sa criminal like you. I know na ikaw ang may kagagawan ng pagkawala ng kuryente. Anong pinaplano mo?" mas lalo pa nitong diniinan ang pagkakawak sa braso niya.

Saglit siyang natigilan ng marinig ang sinabi nito. Paanong nangyari na may nakakaalam ng mga plano nila?

"I heard you. Alam kong may masama kang plano sa isa sa mga guest dito sa party. Kaya kung ako sayo, magsalita ka na kung ayaw mong ipakulong agad kita." mariing sabi nito.

Ngunit hindi siya nagpatinag sa mga pananakot ng lalaki. Mas naging alerto ang mga senses niya. Hindi siya nito dapat na makita. Hinigpitan niya ang paghawak sa shoes niya at walang kaabog-abog na pinukpok niya sa ulo ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Dahil siguro sa pagkabigla sa ginawa niya ay nabitawan nito ang braso niya at napaupo. Marahil ay nahilo ito sa lakas ng pagkakapalo niya sa ulo.

HERMOSO AVENUE BOOK 1: DIDREY JAMES  "BROKEN PROMISES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon